"Corazon!" -sigaw nang isang babaeng nakabelo na itim
"ina, paumanhin ngunit hindi ko hahayaang madamay ang anak ko sa sumpa nang ating pamilya" -umiiyak na sambit nang babaeng nagdadalang tao
"walang makakaputol nang sumpa Corazon, tanggapin ninyo na ang kapalaran nang ating pamilya!" - galit na sigaw nang ina ni Corazon
"kami ay inyong patawarin inang babaylan, ngunit nais ko lamang bigyan nang tahimik na pamumuhay ang aking mag-ina"- sambit nang isang lalaking malapit kay Corazon
"gawin ninyo ang inyong gustong gawin ngunit ngayon palang pinapaalalahanan ko kayo sa ikasapit nang kanyang labing walong gulang babalik siya dito saating mundo upang ipagpatuloy ang nasimulan!"
"Gagawin namin ang lahat upang iyan ay hindi mangyari ina" - at nagsimula nang umalis si Corazon kasama ang lalaking nagngangalan na Armando
----- sa isang dako 2 dekada hindi pa nangyayari ang unang senario ------
"lalaki ang anak mo Carmelita!" - may galak na sambit nang isang babaeng hawak-hawak ang sagol na may bahid nang dugo sakanyang buong katawan at ibinigay sa babaeng tinawag nitong carmelita
"Sol, Soliel ang nais kong ipangalan sa kanya" - nakangiti nitong saad habang nakatingin sa kanyang anak
"Hindi mo ba ito ipapaalam sakanyang ama?" - anas nang babae
"Hindi na muna ina, nais kong ilayo sa sigalot nang lahi ni Vedasto ang aming anak" - Carmelita
"Kung iyan ang iyong pasya ay uunawain ko, ngunit huwag mong ipasawalang bahala ang babala nang propesiya"
"Opo ina, makikilala din siya nang kanyang ama ngunit hindi pa sa pagkakataong ito" hindi na mulik umimik ang ina ni Carmelita ilang oras nabalot nang katahimikan ang kanilang lugar nang biglang umiyak ang paslit na bitbit pa din nito kasabay ay ang malakas na pagihip nang hangin kasabay nang malakas na buhos nang ulan at malakas na tunog nang kidlat
"Tahan na mahal ko" - nakahagkan pa din si Carmelita sa kanyang anak
"Carmelita, masamang balita!" - agad n saad nang isang dalagitang may bahid nang dugo ang kanyang kasuotan nang makapasok ito sa kanilang tirahan
"Ano ang masamang balita, Amelia, bakit may bahid nang dugo ang iyong kasuotan?" - patanong na sambit ni carmelita sa dalagita
"Sinugod ang Pugad! at ngayon ay nasa bingit nang kamatayan ang iyong asawa!" - agad namang napatayo si Carmelita nang marinig ang balita
"Carmelita, hindi ka pa lubusang magaling, kapapangak mo palang"
" kailangan ako ni Vedasto, ina pagagalingin ko nalamang ang aking sarili"
"Paano ang bata?" - ibinigay ni Carmelita ang kanyang anak sa kanyang ina
"Kayo na ho muna ang bahala sakanya ina, kung sakali man pong hindi kami palarin ni Vedasto ay nais ko po na sa ika sampung taong gulang niya ay ipakilala ninyo siya bilang isang pinuno nang lahi ni Vedasto, palakihin ninyo po na mabuti ang aking anak ina" - naiiyak na sambit ni Carmelita "isuot ninyo po ito sakanya sa takdang oras ina" - inabot nito ang isang kwintas
"Magiingat ka , Carmelita"
"Opo ina" - bago lumisan ay hinalikan niya ang kanyang anak.