Prologue

23 1 0
                                    

Yuki's P.O.V.

"Ano nanaman kaya yung ginawa niya ngayon?." bulong-bulungan ng mga chismosa naming kabitbahay.

"Siguro nag-nakaw nanaman yan, hayy mga kabataan talaga ngayon." dagdag ng isa.

Hindi ko sila pinansin at nanatiling diretso ang tingin ko papunta sa bahay namin.
Hindi ko sila masisisi dahil 'yon ang nakikita nila sakin.

Bigla akong napahinto sa paglalakad ng biglang may nagsuntukan na dalawang lalaki sa harap ko. "Ayy!" sigawan ng mga tao sa gilid.

Sinuntok ng matabang lalaki ang mukha ng isa. Walang umaawat sakanila. Gumanti yung nasuntok na lalaki at sinuntok niya sa tiyan. "tigil na!" sabi ng isang lalaki sa gilid na nanonood lang sa away.

Bumuntong hininga ako at naglakad nalang sa gilid nila. I need to go home. Nang nalagpasan ko na sila ay biglang may dumating na mga baranggay tanod na nagmamadali para awatin sila.

Yep, I lived in a squater area. Hindi nila ginusto dito at ako rin naman. Mahirap pero kailangan. Mas maganda na 'to kesa sa wala.

Binuksan ko ang pintuan ng bahay gamit ang susi na dala ko.

Bumungad sakin ang magulong bahay namin ni mama. "Ayusin mo yan bata ka!" tinuro niya ang mga kalat sa palagid.

"san ka nanaman ba nagpunta ah!."

"lumabas lang ako ma, wala naman akong ginawang masama." sabi ko habang hinuhubad ang jacket ko.

Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. I'm a mess. Kita ang eyebags ko. Sugat sugat ang mga labi ko at ang gulo ng buhok ko.

"Ayusin mo 'to ahh!" galit na utos ni mama. Tumango nalang ako.

Sanay na 'ko. Everyday routine na nga ata ang pag-sigaw sakin ni mama.

Nagpunta ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko. Nanatiling maingay simula kanina, okay lang sana kung sa labas lang maingay pero hindi eh.

Agad akong lumabas ng kwarto para ayusin ang pinapaayos niya.

Isa-isa kong dinampot ang mga nakakakat na bagay sa lapag at binalik sa tamang lakagyan.

Natapos akong mag-linis ng bahay. Hindi ko nalamayan ang oras dahil sa paglilinis, gabi na pala.

Kumain ata si mama kaya ako nalang ang kakain. Kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor sa lalagyan. Sumandok na din ako ng kanin at umupo sa hapag.

"Bukas? Ahh sige okay" sabi ni mama sa kausap niya sa telepono. "Ok bye." Binaba niya ito at umupo na sa harap ko.

Hindi pa pala siya kumain. Hayy nako Yuki! Bakit mo hindi napansin kanina na wala man lang kumain sa kusina!

"Bukas aalis ako, 'wag kang aalis dito sa bahay." panimula niya.

"San ka pupunta ma?" Alam kong wala akong karapatang magtanong ng ganong tanong sakanya pero gusto ko parin malaman.

"Ano bang paki mo?! 'Wag na puro tanong. Basta! May pupuntahan ako bukas." Irita niyang sabi.

Nanahimik nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Unlike others, nararamdaman ko na minsan, parang wala akong karapatang malaman ang mga kasagutan sa mga tinatanong ko.

Kinabukasan nagising ako nang wala na si mama sa bahay. Ang aga niya naman ata umalis.

Naghanap ako ng makakain sa kusina at napagdesisyonan ko nakang na kumain ng tinapay at kape.

May biglang kumatok sa pintuan kaya dali dali akong nagpunta malapit dito. "Sino yan?!"

"Yuki! Si Jay to!" Nawala ang bigat sa dibdib ko ng marinig ko ang boses ni Jay. Akala ko kung sino.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan at agad ding isinara baka pag-chismisan nanaman na ng mga kapit bahay na may nagpunta dito.

"Ano na Yuki?! Wala kabang raket jan" bungad niya.

Ngumiti siya saakin na para bang may binabalak siya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala naman pero kung gusto mo sama ka sa raket ko."

"Anong raket nanaman ba?!" Kinuna ko ang kape at tinapay na kinakain ko kanina.

"Hayy sabi na nga ba! Hindi mo tinitignan cellphone mo. Kagabi pa ako nag-te text sayo hindi ka sumasagot."

YUNG CELLPHONE KO! Agad kong binaba ang hawak ko at dumiretso sa kwarto. Mabuti nalang at nasa ibabaw lang ito ng drawer.

Binuksan ko ito at nakita ang sandamakmak na message galing kay Jay.

"Ano sama ka sa raket ko?" Ngumisi siya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His own suspectWhere stories live. Discover now