Chapter 1

0 0 0
                                    

July 6, 2020

Unang araw ng pasukan sa bagong eskwela nanaman.

Bagong taon, bagong school. Di ko alam kung nag tatry lang ba ako sa lahat ng school na pinapasukan ko. Parang free trial lang. 

Hindi na bago sa akin etong pabago bago ang school kada taon, normal na sa akin. Para nakakapagod lang kase lumilipat din kami ng bahay. Hindi ko naman masisi magulang ko, kase kailangan talaga dahil sa trabaho ni papa. 

Pero sana eto na yung last.


"Demi! Bumaba ka na dyan! Halina't kakain na tayo!" sigaw ni mama sa akin sa baba, ayoko pa bumangon. Mas gusto ko pang matulog, pero syempre babangon pa din ako. Ayokong may dumating sa pinto ng kwarto kong nagagalit na mama dahil di pa din ako bumababa.


Pagkababa ko sa hagdan, una kong nakita si papa na nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape habang si mama naman ay nagluluto pa. Umupo na ako, at kumuha ng tinapay at hotdog saka kinain agad. Kumain lang ako ng matiwasay na para bang wala lang. Wala din naman kaseng pake din sa akin.


Matapos kong kumain ay umakyat na agad ako sa kwarto ko at naghanda na para maligo at mag aayos papuntang school.


Sa tingin mo siguro, ang boring ng buhay ko no? Well, totoo yan. Ganto ang ordinaryo kong buhay, walang thrill. May mga dumating namang thrill sa buhay ko, pero walang nag tatagal. Akala mo ba walang dumating sa buhay ko? Meron syempre. Kaso dumaan lang sa buhay, tumambay saglit tas bigla nalang umalis. Ang bilis no? Hahahaha. 


Okay naman ako, pero di ko alam bat walang nag sstay. Baka may mali sa akin hahaha. Kaya eto ako ngayon, parang wala lang, parang tanggap nalang kung ano mangyayare sa akin. Ayoko na umasa ulit, at masaktan nalang. Stay nalang ako dito, iwas rupok na.


Sa sobrang daldal ko tapos na ako maligo at nakapag ayos na.


"Bye Ma, Pa." Tas sabay kiss nalang sa pisnge, di naman ako sweet. Nasanay lang ako na kinikiss ko sila. Yung dati pilit na pilit pa ako. Aminin mo, ganon ka din naman.


  ~ * ~

Naglalakad na ako papuntang school ngayon, oo naglalakad ako. Malapit lang naman, walking distance. Kaya minsan dami kong cutting. Hindi ako mabait okay, ikaw din naman naranasan mo din yan. Kung di mo pa natatry, try mo gawin masaya. Tas may kasunod na karma. 


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"HAHAHAHAHA!!" Ano yun? grabe naman makatawa, wagas. Napansin kong tumatawang yung mga lalaki sa gilid ng kalsada. Magkakabarkada ata sila, saya nila eh. Kahit medyo malayo ako sa kanila rinig ko pa din sila.


At dahil natigil ako sa paglalakad dahil nakatingin ako sa kanila, bigla nalang may lumingon na isa sa kanila at napansin ata ako nakatitig. So ayon nakaramdam na ako ng kawalang pake, dumiretso na ako maglakad kase di na ako distracted sa kanila eh. 

Anong akala nyo? na love at first na ako agad? walang ganon. Pero gwapo yung lalaki ha.

DemetriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon