Chapter 2

1 0 0
                                    


"Angels Burgendy Mary University..." ah eto na pala yung school ko, nakakagutom. Baka meron namang sandamakmak na stall dito na pwede makakain. Parang masarap kumain ng burger hmm.


"DEMI!!!" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, at ang tumambad sa akin ay isang sakit sa ulo. Niyakap nya ako ng mahigpit, pero eto ako walang pake.


"Buti nalang andito ka demi, may kakilala na ako sa school na to at magkasama ulit tayoooo!!! Namiss kita!!" Sobrang saya mo naman Alex, eh kada taon sya pa den kaklase ko. Sa totoo lang, kapag lilipat ako, lilipat din sya. At saka, kahit walang pasok kasama ko sya. Bakit? Kapitbahay ko lang naman sya. Ayaw nya akong tantanan. 


"Lagi naman tayong magkasama Alexa, pano mo ko namiss?" Tanong ko sa kanya, di naman nya ako sinagot pero pinakitaan nya ako ng finger heart tas sabay sabing, "Love kita eh!" sagot nya sa akin at aakmang hahalikan pa ako sa pinsge. Syempre pinigilan ko sya, andaming studyante nakatingin. Akalain pang mag jowa kami. Alam nyo naman, ang tao ay ma issue. Kahit sino walang pinapalagan.


 ~ * ~


Naglakad na kami ni Alexa papuntang classroom naming dalawa, oh di ba kasama ko sya, kaklase ko ulit sya. Sabi sa inyo eh.


Pumasok na kami sa room at pumunta ako sa pinakalikod at sa tabi ng bintana at umupo. Si alexa naman ay nakipagchikahan naman sa iba kahit first day palang ng klase. Friendly kase si Alexa, mabait at masayahin. Di tulad ko. Ewan ko ba bat ko naging kaibigan si Alexa, basta sinusundan nya na lang ako, hinahayaan ko nalang.

 Ewan ko ba bat ko naging kaibigan si Alexa, basta sinusundan nya na lang ako, hinahayaan ko nalang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang sarap talaga kapag sa may bintana nakapwesto, maganda ang view. Tas maya maya matutulala na ako. Kase di ba kapag nasa bintana ka na matutulala ka nalang bigla na di mo namamalayan. Ewan ko ba bat ganon ang napaparamdam sa pwesto na to. 


"Hey! hey! Manahimik na ang lahat, umupo na kayo kung saan man kayo. Mag sisimula na tayo." sabi ng isang young adult, na parang bang sya na ata ang adviser namin. Nagsi upuan na ang mga kaklase ko, ganun na din si Alexa na umupo sa tabi ko.


"Okay class, iintroduce ko muna ang sarili then kayo naman ang mag iintroduce sa sarili ninyo. Okay?" tanong sa amin ni Ma'am at sumagot naman kami na naiintindihan namin.


"Okay class My name is Felicity Rantomayor, 24 y.old and I graduated in........blah blah blah" di na ako nakinig sa pagpapakilala ni ma'am, basta nalaman ko na pangalan nya okay na yun. Tumingin nalang ulit ako sa bintana hanggang sa umabot na magpakilala na kami.


"Kinakabahan ako Demi. Di ko alam kung bakit" sabi ni Alexa sa akin at napatingin sa kanya, halata nga na kinakabahan sya. Pinakapa nya pa sa akin kung saan ang bilis raw ng tibok ng puso nya. Ramdam ko nga na kabado sya. Sino ba namang hindi kakabahan sa introduce yourself. Pero ngayon, wala na akong pake. Di na ako kinakabahan, sa pabago bago ko pa namang school eh iba't ibang tao nasasalamuha ko kaya nasanay na akong mag walang pake nalang. Edi ayon, di na ako kinakabahan.


"Okay next" sabi ni ma'am, tumingin ako sa kanan ko, si Alexa na pala ang susunod. Tumayo na si Alexa at pumwesto na sa harap at nagpakilala. Nakangiti sya habang pinapakilala nya ang sarili nya, nakita ko naman na masaya din nakikinig ang iba. Siguro dahil close nya na kanina habang nag chicikahan sila.


Natapos nang magpakilala si Alexa, so time ko naman ang magpakilala. Binigyan pa ako ng look ni Alexa na parang sinasabi na kaya ko yan, wag ako kabahan na look. Hahaha.


Tumayo ako at pumunta sa harap. Bago pa ako magpakilala ay parang may napansin ako. Yung lalaki kanina na tiningnan ako, so kaklase ko pala sya. Bigla akong kinalabit ni Ma'am senyales na mag introduce na ako sa sarili ko. Na distract ako bigla.


"Hi everyone, My name is Demi Luna Morana, 17 years old. Nice to meet you all." pagtapos ko mag introduce, hiningan pa ako ni ma'am na dagdagan ko pa yung pagpapakilala. Pero di ko ginawa nag sorry nalang ako. Ayoko ng maraming sinasabi kase alam ko naman ang iba ay di interesado. Pangalan mo lang naman ang gusto nila malaman, hindi ang background story mo.


Di na ako inimikan ni ma'am at umupo nalang ako, cinomfort naman ako ni Alexa pero okay lang naman talaga, wala lang sa akin. Next naman ay yung nasa harapan kong magpapakilala. Tumayo na sya sa harap, tiningnan nya ako. Halatang namumukhaan nya ako. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DemetriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon