Kabanata 3

23 4 0
                                    

Filipinas 1741

"Heneral" Maligayang bati ko sakanya, hindi na ako makakatakas pa  dahil narito siya, narito siya sa harapan ko

"Ako'y nagagalak na makita ka muli, ikaw ba ay may kailangan, bakit ka narito sa klinika, naalala ko pala na narito ang iyong ama, nagagalak ako na makilala siya, ako'y lalabas muna upang kayo ay makapag--"  sunod sunod kong sabi.  Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla nyang hinila ang aking palapulsuhan at pinaupo sa bakanteng upuan

"Kayo ata ang mayroong pag uusapan hija" wika ng don "wa--" hindi ko nanaman natapos ang aking sasabihin dahil sumabat agad siya "tama ka ama meron nga po kaming pag-uusapan napaka importante po nito at kaylangan na naming magawa sa lalong madaling panahon" wika nya na ikinagulat ko  , anong gagawin namin hindi pa ako handa sa kanyang mga sinasabi, nais kong maging dalaga habang buhay at hindi ko ibig mag kaanak

Tiningnan ko ang itsura ni don facundo nagulat din siya sa sinabi ng anak, hindi nya siguro inaasahan iyon at biglang lumabas ang ngisi sa kanyang mukha

Hindi ko maitatanggi na maganda ang itsura ng don, maayos ang pananamit at maganda ang kanyang ngiti na lubusang namana ni heneral Fernando

"Berting tayo'y lumabas na dahil parang sumisikip ang klinika"

Nag bubulungan pa sila ng kutsero pero hindi kona narinig

"Ano ang ating pag uusap?" Matapang kong tanong ng hindi naka tingin sa mapang akit nyang mga mata

"Nais kitang pakasalan, tayo'y mag papakasal" wika nya na ikinagulat ko, siya'y nahihibang ng tunay

"Ayoko" mabilis ko na sagot "ikaw ba aking ama para ikaw ay aking sundin" tanong ko sakanya, siyay napa ngisi lamang

"Hindi ako ang iyong ama ngunit  ako ang magiging ama ng anak natin" wika nya, na ikinainit ng aking mukha

"Tumigil ka ikaw ay isang heneral ngunit ang iyong pag iisip ay parang hangal" wika ko sakanya, nag bago ang timpla ng kanyang mukha

Tahimik ang buong klinika, hindi ko kasalanan na pagsalitaan ko siya ng hangal kung kanyang pinag iisipan muna ang kanyang sinasabi

"Pag ii--" hindi ko na tapos ang aking sasabihin dahil bigla pumasok ang isa sa kotsero ni don facundo

"Heneral pasensya po sa istorbo, hinahanap po kasi kayo ni senorita clara" wika ng kotsero at nag simula ng maglakad palabas si heneral Fernando

Sino ang babae nayun at bakit nya kakausapin ang heneral. Ng papalabas na ako ng klinika upang mag pahangin sana biglang bumulong ang kotsrto ni don facundo

"Ang senorita pong iyon ay dating nobya ni heneral Fernando" Wika nya kaya  napa tango nalamang ako, nang tuluyan na akong makalabas nakita ko sila na nag uusap

Kaibig-ibig ang kanyang istura at masasabi kong nabibilang siya sa mayamang pamilya

Lumingon siya sa aking dereksiyon ng lumabas ako sa loob ng klinika

Maraming pasyente kaya hindi ko maiiwasan na madaanan sila, hindi ko nalamang sila tinitingnan at ako ay napahinto nang tawagin nya ako

"Kamusta binibini?" Tanong nya kaya dahan dahan akong napalingon sakanila

"Nagagalak akong makilala ka" wika nya pa,  kanina ko pa napapansin na kanina pa nakatingin si heneral Fernando

"Clara Antonio" inabot nya sa akin ang kanyang kamay upang makipag kilala ngunit hindi ko tinanggap iyon

"Dolores, Dolores Nable Jose" mataray kong wika kaya dahan dahan nyang naibaba ang kanyang kamay, dahil alam ko ang kanyang pananalita ay kanyang pinahihinhin dahil nasa kanyang tabi ang heneral

Lo'siento (Ongoing)Where stories live. Discover now