Chapter#93 "Dream Stone"

705 37 0
                                    



Chapter#93  "Dream Stone"

•••
•••



Napamulat ako... At tulala nanaman ako sa Ceiling ng kwarto ko. Naalala ko nanaman kase ang sinabi ni Fyre kagabi. 'Si Diane ang nawawalang anak ng mga Andrada? Pero pano nangyare yun? Impossible?' Pero parang may parte sakin na naniwala. Pero pano kung Tama nga? Siya nga ang mawawalang princessa ng Lightning Realm? Sa pagkakaalala ko sa panaginip niya ay nakita lang sya ng Nanay Dayana niya sa gubat? So ang tanong dun. Sino ang naglagay sa kanya dun mismo sa gitna ng gubat? Possible kaya na ang naglagay dun ay yun din ang kumuha sa kanya?

Parang hindi ko kase kinaya ang nalaman ko kagabi kaya bigla nalang akong nagteleport saka dumating na agad ako dito sa kwarto ko kagabi. Hindi ko na tuloy natanong kay Fyre kung sino ang kumuha sa kapatid niya. Para man lang may konting Clue ako. At hahanapin ko ang kumuha nun saka tanungin kung bakit niya yun ginawa.

Nakasuot lang ko ng Black-Tshirt at Black-Skirt na pinaresan ko nang Black-Boots na hanggang baba lang ng tuhod ang haba. Nakaponytail din ang buhok ko... Wala kaming pasok ngayon... Rest Day... At ang dahilan? Ewan. Biglaan din kasing ennounce sa speaker na wala kaming pasok ngayon. Kaya ngayon lalabas ako. Tss! Pagkalabas ko ay nagtaka pa ako nung halos sabay kaming lumabas ng pintuan nina Hilary at Diane.

"Luhhh! Good Morning Aria..." halos sabay na bati sakin nilang dalawa. "... Saan punta mo Ate Aria?..." sinagot ko naman si Diane na 'Sa labas lang' "... Hanluhh! Ako den! Tara Hilary! Labas tayo!" bigla akong hinila ni Diane. Nakarinig pa ako ng sigaw sa loob bago kame tuluyang makalabas.

"Uyyy! Sama kame!" boses ni Eiron. Sumakay kame ng Elevator. Saka pinindut yun ni Diane pababa. Pagkababa namin ay nagulat pa ako nang nasa harapan mismo ng Elevator sina Walter, Eiron at Ronnie na nakatayo. Tinanong sila ni Hilary kung asan sila. Sinabi nila na mag ikot-ikot daw sila. Kasama kame. Tss! Hindi din naman ako tumutol. Kaya naglakad-lakad nalang kame dito sa buong Academy. Madami-dami din kaming ibang Magicians Students na nakakasalubong at lahat sila ay yumuyuko ang ulo bilang paggalang.

Hindi paman kame nakakalayo sa paglalakad ay may nahagip bigla ang mga mata ko. Sumingkit ang dalawang mata ko at mas tinitigan ang babaeng naglalakad papuntang Arcadia Garden. At nang makilala ko kung sino yun ay bigla kong tinakbo ang kinaroroonan niya. Narinig ko pang tinawag nila Hilary ang pangalan ko pero hindi ko yun pinansin. Dahil may importante akong hinahabol. Hangang sa konting metro nalang ang layo namin sa isat-isa.

"Ally..." huminto ako sa pagtakbo saka habol ko ang hininga ko. "... Ally..." dahan-dahan naman syang lumingon sakin at nang makita ako ay biglang nanlaki ang mga mata niya. Bigla syang napayuko.

"K-kung paparusahan nyo po a-ako dahil sa ginawa ko po sa inyo... Paumanhin... Ngunit hindi ko po talaga yun sinasadya... Paumanhin po." yuko sya ng yuko. Inutusan ko syang umayos ng tayo at nag-aalinlangan man ay sinunod din niya man ako. Tinitigan ko ang mukha niya. Sinusuri. Nagtaka sya sa ginawa kong pagtitig sa kanya. Pero wala akong pake! May gusto lang akong malaman. Parang familiar talaga tong mukhang to. At nang tumama ang mata ko mismo sa dalawang mata niya at parang naestatwa ata ako sa kinatatayuan ko.

"Alyanna..." hindi yan tanong. Nakita kong biglang nanlaki ang dalawang mata niya sa sinabi ko. "... Alyanna..."

"K-kilala nyo po ako?" napakurap ako ng tatlong beses. Punyeta! Si Alyanna nga ba talaga to?! Eto ba ang matagal nang hinahanap ni Sophia na ate-atehana niya? Eto ba yung batang babae sa panaginip ni Diane na gumanap bilang totoong kapatid ni Sophia?

The Secret School Of Magic: OLD VERSION (UNDER EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon