#CrushZone "What is Crush?"..

400 7 2
                                    

Sabi nila Hindi ka daw normal pag wala kang Crush.

Crush- Inspiration

Crush- Pag-hanga

CRUSH- Limang letra pero kayang pasayahin at buong ang araw mo.

Crush- Natuto kang maniwala sa salitang "PAG-AANTAY"

Crush- kaisa-isang lalake/babae na ginawang Paru-Paro ang mga bulate sa tiyan mo.

Crush- kahit 3 seconds mo lang nakita binuo na ang 24 hours mo.

Crush- kaya nga Crush eh kasi Dinudurog ang puso mo.

And Lastly....

CRUSH:

Crushes are more cute than affairs.

No responsibilty

No worry

No commitment

Just look at your crush and smile like an idiot.
.
.
.
.
Nandito kami ngayon sa school kasama ang best friend ko na si Ariah. Tahimik lang kaming dalawa. Nanunuod lang ako ng football dito sa field samantalang siya ay nag susulat ng Slam Book (uso pa ba yun?).

Lyka para sayo ano ang definition ng CRUSH?....tanong ni Ariah

Crush?? Nako wala akong panahon sa mga ganyan ganyan.

Asos, imposibleng wala. Hindi ka normal pag wala kang Crush. At ano naman ang masama nun? Isa pa bestfriend mo ako kaya mapagkatiwalaan mo ako.

Ha?uhhmm. Aaminin ko. May crush naman talaga ako eh. Nahihiya lang akong sabihin baka....

Baka malaman ng karamihan?baka pag nalaman ng karamihan tuksuhin ka? At baka malaman ni Jaxon?? .... Sabat ni Ariah

Ha?? Pano mo nalaman na si Jaxon? Gulat na gulat kong tanong.

Nako lyka, bestfriend mo ako! Magkasama tayo every minute, every seconds, every hour, every day kaya alam ko. Actually....noon pa talaga. Kaya nga napag isipan ko na gumawa ng research about crush. At ikaw Ang ginawa kong problem haha. Anyways, ano ba ang nararamdaman mo kapag andiyan si Jaxon?

Seryoso ka ba Ariah?

Sa tingin mo ba nag bibiro ako?

Para sa akin ang Crush ay Inspirasyon. Kaya ako nag aaral ng mabuti kasi gusto kong mapansin ako palagi ni Jaxon. Kaya nga ang laking advantage ang pagiging kaklasi namin ni Jaxon. Hinahangaan ko si Jaxon kasi napaka Sporty niya. Binubuo niya palagi ang araw ko kahit minsan lang kami nag papansinan. Apat na taon ko na siyang hinihintay kahit alam ko na wala na talagang pag-asa. Alam mo yung feeling na pag nakikita ko siya? Parang may paru-paro sa tiyan ko na para akong natatae na ewan. Minsan masakit rin kasi marami na siyang naging nililigawan at nagiging girlfriends. Kaya nga Crush kasi dinudurog ang puso ko.
.
.
.
Araaaay!!! Natamaan ako ng bola.

Lyka, okay ka lang? Tanong ni Ariah

Sorry! Sorry talaga Lyka. Sabi ni Jaxon.

Natulala ako. At di ko napansin na nakangiti pala ako.

Sorry talaga, masakit ba? Habang hinihimas ni Jaxon ang ulo ko.

Uhmmm. O..okay lang.

Sige balik na ako. Pasensya na talaga.
.
.
.
Haay!! Buhay may Crush!! Nakakakilig. Makakatulog pa ba ako sa mga nangyayari?


(hi lovely readers!! baka may gusto pa kayong idagdag about "WHAT IS CRUSH?" Just comment and dont forget to Vote)

Next: #CrushZone "Yung Feeling Na..."

#CrushZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon