It's Been A While

5 0 0
                                    

Ang halimuyak ng bagong luto na mga tinapay galing sa isang kilalang bakeshop

Ang mga masasayang tawanan ng mga bata na naglalaro sa isang parke

Ang napakasariwang hangin na malalanghap sa munting bayan.

Ngumiti si Lee Soorin. Sobrang namiss niya ang lugar kung saan siya lumaki. Isang taon na rin ang nakalipas simula nung umalis siya sa kanilang bayan para mag-aral sa isang unibersidad sa Seoul. "Nothing changed, eh?" isip niya. Suot ang kanyang backpack, pinagpatuloy niya ang paglalakad.


>>>>

"Soorin-ah, anak ko. Sa wakas at nakauwi ka na rin" Ani ng ina ni Soorin at niyakap siya. Kakapasok lang niya sa kanilang bahay at sobrang namiss niya ito. niyakap ni Soorin ang kanyang in ana sobra niyang namiss. "I really missed you, Soorin. Bakit ba kasi di ka umuwi nung winter break niyo?"

"Ang dami po kasing kailangang gawin sa university, Ma." Sabi ni Soorin. Totoong nabusy siya sa kanyang pag-aaral pero ang unang dahilan kung bakit di siya makauwi agad ay dahil sa kanyang part time job. Hindi siya agad nakapagfile ng leave kaya di siya nakauwi. Ayaw niya rin sabihin sa mga magulang niya na nagtra-trabaho siya dahil tutol silang magtrabaho si Soorin. Ang gusto kasi nila ay focus lang siya sa pag-aaral nito. Gusto lang naman tulungan ni Soorin ang mga magulang niya pagdating sa pinansyal, kahit man lang pangtustos niya sa pang-araw araw. "Omo, Ma! Nagluto po kayo ng Kimchi-jjigae?"

Ngumiti ang ina niya "Sigurado akong namiss mo ang luto ko, ano?" tumango si Soorin. Sobrang namiss niya ang mga luto ng kanyang ina lalong lalo na ang Kimchi-jjigae. Di kasi mapantayan ang lasa ng Kimchi-jjigae na gawa ng ina niya sa Kimchi-jjigae na nabibili sa Seoul. "Hala sige, dalhin mo na ang bag mo sa kwarto. Wag kang mag-alala, nilinis ko na iyon"

>>>>

A nostalgic feeling she felt as she entered in her old room. Nasa kwarto niya ang lahat ng bagay na kanyang pinag-iingatan, ang mga alaala niya simula pa nung bata pa siya. Ngumiti siya nang makita niya na nakasabit pa rin sa kanyang dingding ang picture nilang magkakaibigan sa labas ng kanilang dating eskwelahan.

"Oy, walang manglimot ha? Dapat magkaibigan pa rin tayo kahit na iba't iba ang pinili nating career sa buhay."

"Eto talaga sa Hyerin, friends forever nga kasi"

"Guys! Picture! Teka asan si Minghao?"

"Ayun! Oy, prince charming bilisan mo nga!"

"Ok, 1,2,3, say cheese"

Hinihimas ni Soorin gamit ang kanyang hinlalaki sa mukha ng isang lalake sa picture. Nakaakbay siya kay Soorin. Ang lalakeng kaibigan niya simula pa nung middle school, ang lalakeng palaging nang-iinis sa kanya pero parehong lalake na nagpapasaya sa kanya, ang lalakeng mahalaga sa kanyang buhay. "Minghao-ah"

"Soorin! Bumaba ka nang makakain ka na" tawag sa kanya ng ina niya.

"Ok po" sagot niya. Tiningnan niya ulit ang picture, pagkatapos ay bumaba na siya papunta sa hapagkainan.

>>>>

"Nice to see you again, Ssaem. Mauuna na po ako" pagpapaalam niya sa kanyang dating homeroom teacher. Nadesisyonan niyang bumisita sa eskwelahan kung saan siya lumaki. Dahil alas-tres pa ng hapon ay napagdesisyunan niyang daanan ang dati nilang classroom. Huminto siya sa harapan ng pintuan na may sign sa itaas, '3-2'. Binuksan niya ang pintuhan at doon, nagflashback sa kanya ang mga alaala niya nung highschool pa siya.

"KYAH! Soorin-ah!!! Soorin-ah!!!" tawag sa kanyang ng isang babaeng naka-ponytail ang buhok. "Hehe, alam mo na" Soorin sighed.

"Di mo na naman nasagot ang assignment mo no, Hyerin?" sabi ni Rian, isa sa mga kaibigan niya.

It's Been A WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon