Warning: Typographical Errors ahead
"Where I was in your heart? Or when I was there?" kinakausap ko ngayon ang boyfriend na magiging ex ko na.
"Sorry Aaliyah" ang sakit ng dibdib ko pero walang luha ang tumutulo. I just nodded and left him alone.
He cheated on me, naka buntis siya ng iba hindi ko naman alam na gusto na pala niya magkaroon ng own family I was a fool believing that he loves me. Alam niyo yung parang may naka tusok na maraming karayom sa heart niyo? Ganon kasakit.
Months passed by I'm happy leaving my life at peace. And when I say peace it means spoiling my self with selflove and wealth.
"Hi" an unknown guy approach me, I raise my eyebrows eyeing him from head to toe "I'm Migo" pakilala niya.
"What do you want?" hindi naman siguro mag tatanong ng direction diba kasi if yun ang gagawin niya wala ng introduction pa.
"Ang ganda mo po lagi kitang nakikita, Crush po kita. Pwede po manligaw?" natawa ako sa sinabi niya.
"Hahahaha kuya nasa second floor po yung clinic sa may right side" napakamot naman siya ng ulo.
"Wala naman po akong sakit, nagpapakilala po ako hindi nagtatanong kung nasaan yung clinic" tumikhim ako bago nagsalita.
"Look I don't have plans na lumandi, can't you see I'm living my life in peace? Sige una na ako" tsaka na ako dumiretso sa next class ko.
The next day nagpakita ulit sa akin si Migo may dalang water and foods pero hindi ko siya pinansin mabuti na yun kesa pag tinganggap ko baka akalahin nun binibigyan ko siya ng chance. Hanggang sa everyday na siya nagpapa pansin at hindi ko din siya pinapansin.
"Aaliyah uuwi ka na? Ang aga pa ha? Wala kayong gala ngayon?" it was Migo na sinasalubong ako, habang tinetext ko si papa para sunduin ako aattend kasi kami ng debut ng pinsan ko.
"Sabihin mo nga bakit ang kulit mo?" visible naman ang mabilis na pag change ng kanyang emotion.
"Gusto kasi kita, gusto ko mapansin mo ako kaya nilakasan ko na yung loob ko" medyo napatawa naman ako ng ng bahagya sa sinasabi niya.
"Look my ex boyfriend cheated on me, he got other girl pregnant and you want me to give you a chance? So do me a favor, don't waste your time tigilan mo na ako iba nalang gustuhin mo." bago pa man siya muling magsalita ay dumating na yung sundo.
The party last night was fun, I got the chance to bond with my cousins it was fun. We stayed all night kaya naman bangag pa ako ngayon and I noticed na walang Migo ngayon na sumasalubong sa akin and its good. Months passed fast.
After 3 months
"Aaliyah" He looks familiar
"Hello, how can I help you?" wika ko na ngiting ngiti
"Ako to si Migo" Migo?
"Ah it's you. Bakit nga pala?" napakamot naman siya ng batok mukhang nahihiya.
"Pwede na ba kitang ligawan?" nawala ang mga ngiti ko sa labi. Nakita ko si Alec at yung girlfriend niya naglalakad ang saya nila.
"Sure" wala sa sariling sagot ko. Wait?
"Thank you Aaliyah promise po di ko sasayangin yung change na binigay mo." babawiin ko sana yung sinabi ko kaso madaming nakarinig, ayoko naman na gumawa ng scene at ipahiya siya
After that day nililgawan nga ako ni Migo. Everyday niya akong pinupuntahan tuwing break time minsan may dala din siyang foods and we bacame friends. He bacame my escape din pag tinatakbuhan ko ang mundo. He was good naman akala ko dati annoying siya pero if you get to know him he has a great knowledge about life pala. He's growing on me na nga eh.
BINABASA MO ANG
Delicate
Короткий рассказAaliyah is living her life with what she called peace then there comes Migo who is very persistent to win her heart