Her POVAish. Nasan na pala yun? Kanina pa ko naghihintay dito sa bench malapit sa gate. Sabi nya sakin hihintayin ko sya. 10 minutes na ang nakakalipas, pero wala pa rin sya.
Maya-maya nakikita ko na ang anino nya. Ang anino ng aking Pervert Boyfriend.
Tumayo ako at kumaway sakanya. "BOYFRIEND :)" sigaw ko sakanya. Tumakbo naman ako papunta sakanya. At niyakap ko sya ng mahigpit. "Boyfriend. Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang na kanina pa ko naghihintay sayo? :3"
Tinignan naman nya ko sa mata ng nakapoker face. Opo! Signature nya yan. Ang poker face. One time nga tinanong ko sya kung idol nya ba si Lady Gaga. Ang sagot lang naman nya. '-_____-' Matinding poker face.
"Parang lumalaki yata. "
Napatingin naman ako sakanya. "Huh? " Hindi naman sya sumagot. Pero, napansin ko na hindi sya nakatingin sa mukha ko. Nakatingin sya sa.... Sa..... "Argh! Pervert!! " sabay tulak ko sa kanya. Paano ba naman nakatingin sya sa.... Sa dibdib ko... >.< "Ang manyak mo talaga kahit kaylan!! "
Ngumiti naman sya sakin at inakbayan ako. Ako naman ay hinarangan ko ang dibdib ko. Baka ano pa ang gawin nya sakin. Mahirap na.
*
"Boyfriend?? "
"Yuhooooo!!! Ang seener kong boyfriend "
"KAPAG HINDI KA SUMAGOT!! MAGBEBREAK NA TAYO!! CAPSLOCK YAN! "
Nandito ako sa bahay. At nakadapa lang ako sa kama at kaharap si lappy. At china-chat ko ang boyfriend ko. Ganito kami lagi kapag china-chat ko sya. Open naman sya, pero seener lang talaga sya.
Maya-maya nagreplay naman sya. Gusto nyo ba kung ano ang nireplay nya sakin. Isa lang namang '-___-' poker face.
Napailing nalang ako. Signature na nya yan,eh. Nagsimula na akong magtype ng itatanong ko.
"Nasan ka? "
[Bahay]
"Anong ginagawa mo? "
[Nanunuod]
"Ano pinapanuod mo? "
[Hentai]
Napakunot naman ako sa sinagot nya sakin. "ANO?! H-HENTAI N-NAMAN?!!!!!!!!!!!! " Opo! Na naman!! Lagi nya yan ginagawa!! Ang manuod ng hentai!!! Dapat pala hindi ko na tinanong kung ano ang ginagawa nya.
[HAHAHAHAHA... XD]
"EWAN KO SAYO!! TUWANG TUWA KA KAPAG YAN ANG USAPAN NATIN!! "
[Labyu too, girlfriend ]
Napahinto naman ako. At nawala naman bigla ang bwiset ko sakanya. Tinitigan ko pa ang nireplay nya. 'Labyu too, girlfriend'. Napangiti naman ako ng wala sa oras. Grabe!! Sya na talaga!! :))))))
Nagreplay naman ako sakanya. "Labyu more and most, boyfriend. :*"
Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap. Ang topic namin minsan kung ano ang ginagawa nya sa klase nya. Minsan naman puro kamanyakan. At syempre, ang huli ay ang pagpapakilig nya sakin.
*
"Kim, may sasabihin ako sayo.... " Napatingin naman ako sa katabi ko. Si Yumi. Nandito kami ngayon sa field at breaktime namin ngayon. "....ay huwag na pala. Hehehe"
Kumunot naman ang noo ko. May sasabihib sya sakin, pero huwag na daw?? Siguro may tinatago sya sakin.
"Ano yun? "