Pinili Mong Saktan Ako

9 0 0
                                    

"Hmm, hon? lately parang napakalalim ng iniisip mo? Minsan rin natutulala ka pa. What's the problem?" tanong ko kay Marco,my fiance. I met Marco when I was still in junior high school. Second year high school to be exact. Napaka close namin n'on. He became my bestfriend. During the up and downs in my life, he was there. Hindi siya na wala. I fell in love with him. When I turned 18 he courted me, not so long I answered him. 7 years kaming naging magboyfriend at girlfriend. When I turned 26 nag propose siya sakin. Our relationship as engaged couple was so ideal. Subrang sweet namin, hindi uso away saamin. Open kami sa isa't isa. Later on, naging busy ako sa client kong na sangkot sa murder incident. Kaya kailangan ko gampanan pagiging lawyer ko sa aking client. "Wala hon, inaantok na'ko. Matulog na tayo." he simply replied. I don't think so, parang may kakaiba talaga sa mga galaw niya ngayon. 2 weeks na siyang problemado na hindi ko maintindihan. " Look hon, just tell me. Diba dapat transparent tayo sa isa't isa?" I said. "Hon, lately kasi nawawalan ka na ng time sa'kin. Palagi mong binubuhos oras mo sa trabaho mo. Nakakalimutan mo na rin yung up coming wedding natin." sagot niya. Hindi ko maintindihan, bakit parang may iba pa siyang dahilan maliban dito? "Hon, this case I'm handling right now isn't a joke. I need to win this, and kailangan ko rin mapatunayan na walang sala ang aking clienti dahil hindi basta basta ang maaring kaparusahan nito. May pamilya din yung tinutulungan ko. Ayokong lumaki ang mga anak niyang walang ama, dahil alam ko kung gaano yun kahirap at kasakit--- dahil dyan ako nang galing." Sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang nasabi kong masama para mapatigil siya. Biglang naging malungkot ang kaniyang mga mata at tila ba may naisip na kung ano. Hindi nag tagal ay biglang umiyak si Marco. Ramdam ko ang pait at sakit sa bawat hikbi niya. Nilapitan ko siya at niyakap. Ano bang nangyayare sa mahal ko? "Hon, shhh tahan ka muna." I said. Sinunod naman niya ito. Nang napansin kong ayos na siya d'on nako nag salita. "What's wr---" hindi ko na natuloy ang dapat kong sabihin ng niyakap niya ako nang subrang higpit. "I'm sorry hon, I'm sorry Nathalie. I'm so sorry." sabi niya habang nakayakap parin sakin at umiiyak. Sorry? hindi ko maintindihan. "Sorry? hon, what do you mean?" tanong ko sa kan'ya habang hinahagod ang kaniyang likuran. " I made a mistake." him. "Mistake? What mistake?" hindi ko alam pero parang ang bigat ng puso ko. Parang hindi na ito tama.

"Hon, n-nawawalan ka n-na kasi ng t-time sakin. K-kaya h-hinanap k-ko yun s-sa iba. Si Krystal--"

"B-bakit? A-anong m-meron k-kay K-krystal?"

"N-Nabuntis ko siya."

Biglang nang hina ang aking tuhod dahilan para bumagsak ako sa lapag. Parang hinati ng sampung beses ang aking puso sa na rinig ko. Nakabuntis siya?! Bahagya siyang lumapit sakin pero tinatagan ko ang sarili ko para tumayo at harapin siya. Gusto kong malaman ang lahat lahat. Subrang sakit, ang sakit sakit. "G-gaano k-kayo k-katagal n-ni Krystal?" I said without looking at him. Hindi ko siya kayang tignan diretso sa mata. Kinamumuhian ko siya. "I-isang b-buwan." What?! isang buwan?! Isang buwan na niya akong niloloko?! "L-lumayo ka sakin." Sabi ko nang napansin kong lalapit siya saakin. "Hon please forgive me. Hindi ko 'yon sinasad'ya. N-nalasing ako. Hindi ko yun ginusto. Please Nathalie maniwala ka sakin please." he begged. I gave him a sarcastic laugh. "HAHAHA Nalasing ka? Hindi mo yun sinasadya? Hindi mo yun ginusto? Marco, isang buwan ka bang na lasing para sabihin mong hindi mo yun sinasadya? Kung hindi mo ginusto, bakit umabot ng isang buwan? Come on Marco, I'm a Lawyer, you can't fool me." I replied. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa kanang mata ko. "Nathalie please, walang perpektong relasyon. Nagkakamali lahat ng tao, at tao lang din ako. I-ikaw rin naman tong nag kulang." He said. " Oo Marco, tama ka. Walang perpektong relasyon. Lahat ng tao nagkakamali, pero ang pagkakamali na yan ay kung hindi mo alam na ito pala'y mali. Marco, huwag mong sabihin na hindi mo alam na mali ang pangangaliwa mo? Oo, dahil pareho tayong nag commit, dapat palagi tayong handa sa lahat ng pagsubok na dumating sa atin. Kagaya ng nangyayari sa atin ngayon. Nasa paligid lang natin ang temptasyon Marco na dala ng pagsubok na kailangan nating malagpasan. Pero kaysa labanan mo ito, nagpabitag ka. Hinayaan mong lamunin ka nito at isa lang ibig sabihin niyan, hindi mo pa ako lubos na mahal. Kasi Marco kung mahal mo talaga ako, hindi mo gagawin yun! Hindi ka nagpadala sa nakakabighani at nakakaakit na lintek tempasyon na yan! Dahil alam mong masasaktan ako! Alam mo na masisira tayo! Alam mong MALI! Maling mali! Pero ginawa mo parin! Bakit ba?! Dahil nagkulang ako?! Put*ang ina naman Marco! Hindi na tayo mga bata! Sana man lang sinabihan mo'ko, na nagkulang ako! Marco naman, magagawan naman natin yun ng paraan! Alam mo naman na may trabaho ako! Subrang gulo na ng isip ko pero pinipilit ko paring lumaban dahil mahal kita Marco! Mahal na mahal!" I said habang umiiyak. Subrang sakit ng puso ko, lumalaban ako sa isang napaka gulong digmaan mapanatili lamang ang aming pagmamahalan. Nagpapakatatag ako. Pero hindi yun ang ginawa niya. "M- Mahal na m-mahal din kita Nathalie. Please let's fix t-this." sabi niya habang hinahawakan ang dalawa kong kamay. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa. "N-no. H-hindi ako papayag na lumaki ang batang walang ama. Nangyare na sakin yan at ayokong may iba pang inosenteng bata ang makakaranas ng sakit na naranasan ko." nakita ko ang pagkabigla sa kaniyang mukha. "W-what?! n-no please! 5 years tayong naging mag bestfriend, 7 years naging magjowa at 3 months tayong naging engaged. N-Nathalie, g-ganon g-ganon nalang? I-tatapon m-mo nalang ang p-pinagsamahan n-natin n-na parang basura?" Hindi ko napigilan ang sariling sampalin siya. "Yan! Yan sana inisip mo bago ka nangaliwa! Yan sana inisip mo bago mo buntisin ang pinsan ko!" Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. "No more wedding, no more vows, no more happy family and no more us. This night, I'm now letting you go. This night will be end of our fairy tale like love story. This will be then of our journey together. This will be then end for the both of us as lovers." Hinubad ko ang singsing na binigay niya saakin nong nag propose siya at tinapon yun sa kaniya. "You can have your ring back Marco. Give it to my cousin." I said habang nakatitig sa kaniya na subrang gulo na. Napailing-iling siya habang umiiyak at sinasabunotan ang sarili. Subrang sakit ng giniwa niya sakin. Walang kapantay ang sakit na binigay niya saakin. I packed my things up. "Please no, no, no, n-no hon. Please don't do this I love you! Please!!" pagmamakaawa niya habang pilit na pinipigilan ako sa pag ayos ng mga gamit ko. "Pwede ba Marco! Itigil na natin to! Napaka selfish ko na man na pagkaitan ang pamangkin ko ng isang ama at ang pinsan ko ng asawa! Yung bata na karga karga ngayon ni Krystal? Sapat na dahilan nayun para iwan kita. Ngayon nga hindi pa tayo kasal nagawa mo nayan ano pa kaya kung legal na tayo na mag-asawa? Pinili mong mangaliwa. Pinili mong saktan ako. Pinili mong magpakahina. Pinili mong gawin yun kaya, panindigan mo." I said. Kasi totoo naman talaga. Pinili niya yun. Isang buwan! Isang buwan silang naging magkasintahan, hindi ako maniniwala na hindi niya minahal ang pinsan ko. Before ko binuksan ang pinto lumingon ako sa kaniya. "Marco, promise me that you will look at my cousin's eyes the way look at mine. You will treat her the way you treat me. Love her the way you love me. Be a good father to your child. Huwag na huwag mo silang sasaktan ha. And one more thing, I love you Marco. So much but I can't deny the fact that I love my cousin more. That's why I'm setting you free. Let set each other free." Niyakapa niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Isang yakap na puno ng pagmamahal. Sa paglabas ko ng pinto, inasahan kong hahabulin niya ako at pipigilan, pero hindi yun ang nangyari. Kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko. Hindi ko lubos maisip na ang lalaking 12 years kong nakasama ay mawawala lang pala sakin na parang bula. Grabe ang sakit. Hindi ko alam kung pano mag simula ulit. Hindi ko alam na aabot kami sa ganito, pero wala na akong magagawa. Kailangan ko panindigan ang naging desisyon ko. Magiging maayos rin ako, hindi muna ngayon.
Ganito pala talaga, kahit gaano mo katagal nakasama at nakapiling ang isang tao, hindi parin pala yon sapat na basehan kung gaano ka niya kamahal. Nagbabago rin pala. Nagsasawa rin pala. He was the one that got away.

Pinili Mong Saktan AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon