Lance's POV
Mukhang nag away ata si mads at kristoff ang tahimik ni kris eh hayss hindi naman ganyan yan ingay ingay nga niyan lagi eh
"Okay ka lang bro?"tanong ko sakanya
"Oo naman"sabi niya at ngumiti
"Alam kong hindi"sabi ko at agad na nawala ung ngiti niya
"Hayss bat kaya ganun noh"sabi niya
"Bakit?"sabi ko
"Bakit bigla bigla nalang nagbabago ung isang tao"sabi niya
"What do you mean"sabi ko
"Alam niyo naman na cold sakin si mads diba? May nagawa ba akong mali para maging ganun siya?"sabi niya
"Wala wala kang ginawang mali"sabi ko
"Alam mo pa kung ano ung masakit don?"tanong niya sakin
"Ano?"tanong ko
"Dalawang beses ko silang nakita ni kent na magkausap nung nakaraan nasa isang kwarto sila tas kanina naman nasa dining table sila"sabi niya
"Baka naman may problema lang at nagsabi kay kent"sabi ko
"Hindi eh okay na okay naman kami eh hindi naman kami nag away"sabi niya
Shit sana mali yung naiisip ni Kristoff pero hindi eh kilala ko si kent hindi yun papatol lalo na sa syota ng kaibigan
"Sige na akyat na ako sa taas inaantok na ako eh"paalam niya at umakyat na
Haysss bat kaya biglang nagkaganun?
Kristoff's POV
Nag usap kami ni lance sa labas at ngayon papasok na ako sa kwarto at nakahiga si mads sa kama habang nagcecellphone
"B-bakit g-gising k-ka pa babe"sabi ko
"Hindi pa ako inaantok"sabi niya at nag iwas ng tingin sakin shit ang sakit sa puso
"Kailangan mo ng matulog babe makakasama yan sa baby natin"sabi ko
"Matutulog ako pag inantok ako okay?"sabi niya at napatango nalang ako at dumiretso sa cr at naghubad ng damit sabay babad ng katawan sa bath tub
Bakit ganun siya ano bang ginawa ko?wala naman akong maalala na masamang ginawa ko eh, ayaw niya ba? Ayaw niya ba na magkaanak kami? Tangina naman oh
Pagtapos ng ilang minuto ay umahon na ako at nagbanlaw tapos nagsuot na ng boxer short ko paglabas ko ng banyo deretso lang siyang nakatingin sa akin titig na titig siya sakin kaya tinignan ko din siya pero nag iwas sya ng tingin
"B-baby"nauutal ako habang binanggit yun dahil naiiyak na ako pero ng hindi niya ako lingunin tuluyan na akong naiyak biglang tumulo ung luha ko punas ako ng punas sa luha ko pero ayaw talaga tumigil eh tsk
Pinunasan ko ng towel ung mukha ko at humiga na ako sa tabi niya hindi ko na talaga kaya gusto ko na siyang halikan gusto ko na siyang yakapin ang sakit sakit na eh gusto ko siyang yakapin ng mahigpit para mawala yung sakit na nararamdaman ko
"Are u crying?"rinig kong tanong niya pero hindi ko siya nasagot dahil hindi na ako makapagsalita dahil sa paghikbi ko
Naramdaman ko naman na gumalaw niya mukhang umupo ata siya maya maya ay hinarap niya ako at pinaupo niya din ako
"Bakit ka umiiyak?"tanong niya pero di ako sumasagot
"Bakit?"tanong niya ulit pero umiling lang ako
"Answer me"sabi niya kaya nag angat ako ng tingin sakanya
"S-sorry"sabi ko
"Bakit nga?"sabi niya
"A-ang cold mo kasi"sabi ko at tumulo na naman luha ko
"Tsk yun lang iiyakan mo?"sabi niya at lumabas ng kwarto
Shit bat siya ganun bakit kailangan niya akong ganunin anong ginawa ko?
YOU ARE READING
He came into my life
RomanceHe came into my life unexpectedly and he hurt me unexpectedly