Trisha PovKasalukuyan kaming nasa library. kasama ko ang mga kaibigan ko
sila Kisha, Irish, at Princess
nagbabasa ako nang libro habang sila Kisha at princess ay nagtitirintas ng buhok nila
si Irish naman ay nagcecellphone
Nasa last page na ako ng binabasa ko
hanggang sa nausal ko na pala ang ikalast na line ng bida
" Ikaw ang una at huli... ikaw lang ang mamahalin ko.. walang magbabago. kahit na paghiwalayin tayo ng mundo. aji"
ikaw ang una at huli aji.... ikaw lang.. walang magbabago..
bahagyang kumirot ang puso ko pagkabasa ko nun.. di ko namalayang tumulo na pala ang luha sa mga mata ko
"oh anong nangyari sayo trish? bat ka umiiyak?" natatarantang tanong ni Kisha sakin pero umiling iling ako habang patuloy parin ang pagtulo ng luha ko
"My god! tell us Shasha. tutulungan ka namin" sabi naman ni irish pero umiling iling ako
"Trish naman ehh!" nagmamaktol na tawag sakin ni princess pero hindi parin tumitigil ang pag agos ng luha ko
ang sakit sakit padin..
17 na ako at sampong taon na ang lumipas pero kahit anong gawin ko ay di parin siya nawawala sa isip ko
"trisha naman eh! magsabi ka ng problema mo samin! tutulungan ka namin" sabi ni irish kaya napailing iling ako habag pinupunasan ang luhako at nabasa na rin pala ang librong hawak ko dahil sa pagpatak ng luha ko
hindi niyo siya kayang ibalik sakin irish.. hindi niyo ako matutulungan
"irish! katabi mo si trish diba? bakit siya umiyak?"tanong ni princess kay irish
"di ko alam, nagbabasa lang naman siya ng libro nang bigla siyang umiyak"sagot ni irish habang hinahaplos ang likod ko habang umiiyak ako
" what? patingin nga ng libro mo" sabi ni princess at kinuha ang libro sa mga kamay ko
" my god! kaya naman pala eh! hindi nagkatuluyan ang dalawang bida kaya siya umiiyak"
sabi niya ulithindi lang yun cess.. gaya ng librong nabasa ko.. hindi rin kami nagkatuluyan.. at mukhang ganyan din ang mangyayari samin
ang nangyari samin.." halika nga dito. ayusin natin yang buhok mo. tignan mo yang mukha mo oh. basang basa na." sabi ni kisha sakin at pinulbusan nila ako tinirintas din nila ang buhok ko
"aisst. akala ko naman kung ano na iniiyakan mo. yung nasa libro lang naman pala." sabi ni irish nang matapos nila akong ayusan
"alam ko na! maghahanap nalang tayo ng lovelife mo nang sumaya ka naman" masayang sabi ni cess
aangal na sana ako nang hilain nila ako at sabay sabay kaming lumabas
hangang sa bigla silang tumili
"waaaa ayun! lapit tayo sakanila!" tili ni kisha
"waa sakto apat sila" sabi naman ni cess
hinila naman nila ako papalapit sa mga lalaking yun kaya napapiglas ako