Medyo SPG hehe
Hanggang sa paggising ko ay iniisip ko parin ang text sa akin ni Lincoln. That was the first time na tinawag niya ko sa ibang endearment. Bumuntong hininga na lamang ako bago kumilos.
Dating gawi, maliligo, magbbreakfast, magtotoothbrush, magbibihis ng unif at papasok.Pagkarating ko sa room ay nandon na agad si Calla.
"Aga mo ha." Sabi ko rito at bumeso. Hindi na namin na pagusapan pa ang nakita niya sa bar. Malaki ang tiwala ko kay Lincoln, I'm sure na hindi niya yon sisirain.
"Sumabay ako kay Daddy, sira yung kotse ko e."
"Why? Anong sira?"
"May some thing na tumutunog e. I don't know." Sabi niya na nakapalumbaba."
"Oh, ang aga mo Calla ha?" Bungad ni Yani.
"Bat parang gulat na gulat kayo ha?" Umirap ito sa amin nang sabihin niya yon.
"Hindi kami sanay sa maaga mo Calla." Natatawang sabi ni Yani.
"Palagi ka kayang late." Panggatong ko.
"E ikaw Mira, parang ang aga mo rin." Saming tatlo, si Yani lagi ang maaga pumasok kaya kung nauna man kami sa kanya, talaga namang sobrang aga.
"Hihi papasama sana ako e." Pagpapacute ko rito.
"Ha? Saan?"
"Sa music club president. Hihihi."
"Bakit? Anong gagawin don?" Tanong ni Yani.
"Diba may gaganapin na singing contest next fri-"
"Ay shuta ka sis! Wag kang sasali parang awa mo na, bigyan mo ng kahihiyan ang sarili mo." Ika ni Calla
"Bobo! Hindi ako yung sasali 'no."
"Oh e sino? Don't tell me type mo si Chris, beki yon girl!"
"Tanga ka, si Kean isasali ko!"
"Kean? Hindi na Kean Amar? Bakit? Close na kayo? Ayan haaa!" Pangaasar ni Calla.
"Sabi niya Kean na lang e. Bakit ba?" Pananaray ko rito.
"Sus! Magkadevelopan kayo nyan ha. Alalahanin mo sis, may jowa ka." Nang sinabi ni Yani yon ay naalala ko nanaman ang text sakin ni Lincoln. He had fun last night? And thanks for today? See you tomorrow? Honey?
"Oh bat ganyan mukha mo?" Tanong nito.
"Kasi naman, si Lincoln may tinext saakin."
Pag kasabi ko non ay pinabasa ko na ang text ni Lincoln saakin, na obvious namang wrong send talaga.
"Naalala mo Mi, yung sabi ni Calla?"
"Ha? Anong sabi ko?"curious na tanong ni Calla
"Shunga ka talaga paglasing e no." Irap ni Yani kay Calla. "Sabi mo kasi may babaeng kasama si Lincoln sa bar, nakita mo."
"Sinabi ko yon? Tss wala kong matandaan." Depensa ni Calla.
Eto ang problema kay Calla pag wasted siya, hindi niya na alam ginawa niya at sinabi niya kinabukasan. Para bang nagkaamnesia pero yung part lang na lasing siya ang nakalimutan niya.
Sinamahan naman din nila ko kay Chris, ang president ng music club na siyang nagset nang gaganaping singing contest.
Bumalik na rin kami agad sa classroom, maya maya rin ay dumating na ang subject teacher namin ngunit wala pa rin si Kean. Bakit absent nanaman yon?
Lumipas ang ilang oras, lunch break ilan pang subject ay wala parin siya.
Nandito kami ngayon sa cafeteria para sa 30 minutes break namin.
YOU ARE READING
Chasing Miracle
Teen FictionSome says, "There's no miracle." But he says, "I am born to chase miracle."