Chapter 29

12 5 0
                                    

Crystal POV

Kinabukasan ay pinilit kong maging normal ang pakikitungo kay Park at laking pasalamat ko din dahil hindi niya na sinisingit sa usapan ang nakaraan. Pinagisipan ko na din kung bakit ganito nalang ang kabog ng puso ko tuwing kasama ko siya pero hanggang ngayon ay di ko parin masagot.

"Sir ready na po ang venue and we will go there for the set up". Sabi ko sa kanya magkasama kami ngayon at pinag uusapan ang design na gusto ng soon to be fiance niya tae bakit kapag naiisip ko ang word na fiance ay kumikirot ang puso ko?

Nakatuon lang sa kanya ang tingin ko ng biglang magring ang phone ko.

Ringggggg...... Ringgggg....ringggg.

"Hello". Sabi ko at tumayo na muna.

"Babe? I miss youu". Bigla akong naestatwa nang marinig ko ang boses ng boyfriend ko ngayon palang naiiyak na ako dahil nagawa ko ng magsinungaling sa kanya wala siyang alam na magkatrabaho kami ngayon ni Park as our client. Isipin ko palang na masasaktan sya ay nasasaktan na din ako. Sorry babe kung nakukuhang maging wild ng puso ko sa iba.

"Babe". Napapunas nalang ako bigla sa luhang pumatak mula sa mga mata ko ng tawagin niya ulit ako.

"I-imiss you too babe". Tanging sagot ko nlang nasasaktan ako sa kung ano ang pwedeng mangyare dahil sa nararamdaman kong ito.

"Are you okay? Matamlay yata ang boses mo?".Ayon nahalata niya na.

"Aah wala to babe namiss lang kita ng sobra". Pagtanggi ko.

"Are you sure? I can go there if you need me you're more than my priority you know that". Kung gaano kasarap sa pandinig ang mga salitang binitiwan niya ay ganun nlang ang pagtulo ng luha ko bakit ako biniyayaan ng ganito kabait at mapagmahal na boyfriend?

"Oo naman babe". Wala sa sariling sagot ko.

"All right , I have to hang up na babe tumawag lang ako dahil hindi ka nagrereply sa mga message ko take care always I love youu". Sabi niya na halata ang pagtatampo sa boses at ngayon ko lang din pala siya naalala kung hindi pa siya tumawag ay hindi ko pa siya makakausap.

Hindi na ako nakapag I love you too sakanya ng ibaba niya na ang phone niya kaya nag message nalang ako sa kanya.

To: Baby Tsssk❤️

Babe sorry I love you too take care.

Pagkatapos kung maidelivered yon ay bumalik na ako kung saan nakaupo si Park na nakatingin din pala sakin Umupo nalang ako at umiwas ng tingin.

"Sorry  about that sir, so as I was saying okay na ang venue at pupunta na kami doon mamaya para dalhin ang mga materials para maset up na" . Pagbubukas ko ng usapan naiilang ako dahil tutok na tutok ang mga mata niya sakin habang nagsasalita ako.

"Can I come?". Deretsang tanong niya.

"No need sir, all you need to do is to send us the design kami na po ang bahala". Pormal na sagot ko.

"Crystal". Malungkot niyang saad.

"Your engagement will be 24hours from now, just prepare yourself nalang po". Sabi ko na hindi pinansin ang pagtawag niya sakin.

"Thats it. Tatawagan ka nalang po namin if may tanong kami and we will send you as soon as possible kapag tapos na po. Have a nice day sir!". Dagdag ko pa saka tumayo pota habang nakakasama ko siya ay hindi ko maiwasang maging mahina ulit.

"Crystal". Tawag niya sabay pigil sa braso ko ng patalikod na sana ako at ang pakiramdam ko ngayon ay anytime pwede na akong matumba dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko pero naiiyak ako ng sumagi sa isip ko ang mararamdaman ni Nico kapag nakita niya na ganito naman ako sa taong to. Kaya I tried to be strong and compose myself bago ko tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.

"And one more thing SIR please stop calling me Crystal". Sabi ko emphasizing word bago tuluyan ng umalis.

Simula non ay pinilit ko nang umiwas sa kanya dahil kahit wala siyang ginagawa ay alam kong mali. Mali na natutuwa ako tuwing andayan siya kahit ang pinapakita ko ay kabaliktaran.

"Crytal lets go na". Sabi sakin ng isang ka team ko sa designing.

"Hindi pa nasend ni Mr.Young ang design na gusto ng fiance niya". Hindi ko alam kung ano ang naging tono ko pero ramdam ko ang pait.

"He already did, check your emails". Sabat naman ni Zoey at iyon nga ang ginawa ko I open my emails and andoon na nga. Clinick ko ang files na iyon para buksan natulala ako sa gara ng design na gusto ng fiance niya ang yaman naman engagement palang to pero bongga na.

"Shalan diba?". Sabat ni Zoey habang sumisilip sa phone ko.

"Y-yeaah". Mapakla kong saad dahil sa nararamdaman ko ngayon.

"Anyare sayo? Inggit ka no?". Sabi niya ulit pero hindi ko na magawang pansinin iyon dahil nalunod nanaman ako sa naalala ng isipan ko.

"Tara na nga". Sabi ko nalang bago lumakad papunta sa van namin malayo layo kasi ang venue nasa Zambales kaya habang nasa kotse kami ay kanya kanya kaming tulog.

After an hours.....

Riiinggg... Ringgggg...ringgg..

Nagising ako mula sa pagkatulog ng magring ang phone ko and it was Nico.

"Hello babe napatawag ka?". Deretsang sagot ko.

"Babe sorry pero nag extend pa kami ng isang araw eeh hindi pa ako makakauwi". Malungkot na saad niya.

"Its okay babe I can wait, at busy din naman ako kasi my client kami, and ito nga papunta kaming Zambales para maayos ang set up para sa engagrment 24 hours from now". Mahabang paliwanag ko.

"Thats good then do your best babe Im always right here so happy for youu". Sabi niya na nag udyok nanaman sa aking mga luha na tumulo taena bakit ang gulo na.

"Babe thank youu take care ha". Sabi ko baka mahalata niya pa ang pagiyak ko.

"Sige babe I love youuu dont worry magpapakasal pa tayo diba? ". Pagbibirong sabi niya.

"I love you tooo". Sagot ko na hindi na pinansi  ang sinabi niya bago inend ang call hindi ko alam kong bakit nakukuha ko paring sabihin sa kanya iyon sa lagay ko ngayon na naguguluhan,  pero totoong mahal ko siya pero sapat nga ba iyon?

"Crystal where here na". Pagsising sakin ng kasamahan ko sa pagiging tulala.

"Okaay". Tanging sagot ko nalang.

Bumaba na kaming lahat at tsaka dinala ang mga gagamitin namin sa spot kung saan maganda ang magiging view ng sunset pagkahapon.

Nagpahinga lang kami ng kunti bago nagsimula na may isang araw nalang kasi kami para magprepare at hindi naman nakakapressure dahil madami naman kami at puro pro na ang mga kasamahan ko hindi ko nga alam kong bakit ako pa napiling maglead sa event na to eh newbiee palang naman ako sa kompanya.

"Guys let's do this". Sabi ko at nagsipagtayuan na din sila sinabi ko na sa kanila ang dapat nilang gawin meron na nakaasign sa pagbuild ng small gazebo na good for two and meron din sa pagorganized ng lantern, candles and flowers.

Ang saya lang isipin na ang design na gusto ko dati para sa engagement namin ng lalaking client namin ngayon ay mangyayari at ako pa mismo ang gagawa pero alam niyo ang masakit lang ay hindi na ako.

Ayaw ko maging feelingera pero bakit kelangan niya pang itulad ang design na ito sa design na pinangarap ko ???

Ipinamumukha niya ba sakin na ito na siya ikakasal na?

Taena!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
@yowrise_
@itsraisaxx

I Love You to the Moon and BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon