1

14 1 0
                                    

   Ilang ikot na ba ang nagawa ko sa kahabaan ng EDSA? Ilang araw ko na bang nalalanghap ang maalikabok na Maynila? Ilang pahinga pa ba ang gagawin ko bago muling maglakad? Hays, diko na mabilang dahil ang gusto ko lamang ay makahanap ng maayos na trabaho.

Naglalakad pa din ako ng makita ko ang isang nakadikit na flyers sa may tabing tulay.

Wanted: Personal Assistant.
YoGurt Entertainment. Koreya Street. 09197263143.

Sa sobrang excited ko pinuntahan ko ang YoGurt Entertainment sa bandang Koreya street kahit hindi ako mukhang presentable. Bahala na.

Nakarating ako matapos sumakay sa jeep at sumakay naman ng tricycle. Hindi ko akalaing mauubos ang limang daan ko sa pamasahe lamang. Paano na ang kinabukasan ko kapag hindi ako natanggap dito? Nagsayang lamang ako ng pera at ganda papunta dito. Kainis.

"Magandang araw po manong gward. Naghahanap pa po ba ng personal assistant ang ibang banda dito? Mag-aapply po kasi ako." Sunod sunod ang pagtatanong ko pero mukhang di naman ako narinig ni manong. Kasi tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa. Bingi pa yata.

Gusto ko na sanang sumuko ng biglang magsalita si manong.

"Ay miss sigurado ka ba? Baka mali ka ng napuntahan. Wala kasi sa itsura mo ang mag-apply. Atsaka ineng, gwardiya ako, tanungan ng nawawala at hindi tanungan ng trabaho." Napatanga ako sa sinabi ni manong gward. Ang harsh naman. Siya nga walang buhok sa ulo. Napunta ata lahat sa braso.

Oo napunta lahat sa braso. Bakit? Sobrang kinis ng ulo niya tapos yung mga braso niya puro buhok. Hindi ko alam kung talaga bang may ganito kasi wala pa akong napapansing ganito doon sa bayan namin. Yunik ni manong gward.

Sana ol!

"Eh kayo manong sigurado ka ba na gwardiya ka? Mukha kang panot na tambay dito." Nakangisi kong bati sa kanya este sagot pabalik. Parang biglang nawala ang pagod ko.

Pero sa halip na maghintay sa labas pumasok ako ng walang permiso ni gwardiyang panot. Natulala kasi kaya nakalusot ako. Gandang ganda siguro sa akin. Hays, person now today.

Siguro ay natauhan na si manong dahil ngayon ay habol habol niya ako papunta sa second floor.

"Miss teka bawal ka talaga dito. Mapapagalitan ako. Bumalik ka nalang kapag mukha kang mag-aapply. Tara na." Nagpupumilit si kuya pero di ako sasama dahil kelangan pa-hard to get ako.

"Ayoko manong. Ikaw lumabas, gwardiya ka tapos nandito ka sa loob. Mag-aapply ka din ba?" Kainis to ha. Gusto pa ata akong agawan ng pwesto.

Kinukulit pa din ako ni gwardiyang panot na sumama sa kanya palabas pero ayoko talaga. Kelangan ko ng trabaho. At kelangan kong mabawi ang limang daan ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-aaway ni manong gward ng may sumigaw sa likod ko. Siguro na-iingit kasi akala jowa ko si manong, para kaming may LQ hihi.

Kasabay ng pagsigaw ay humarap ako sa kanya.

"What the hell is happening here? We can't concentrate inside the studio." Sigaw ng maputing lalaki.

Hala may nabubuhay palang ganitong lalaki. Kala ko yung mga kagaya lang ni kuya gward. Seryoso, ang gwapo ni kuyang nagsisigaw. Meron siyang singkit na pares ng mata. Katulad ng sa akin. May manipis at mapulang labi, isama na ang maputi't makinis niyang balat. Ganoon din ang sa akin. Matangkad. Kulang sa akin.

Pero kahit gaano ka-gwapo si kuya ay hindi ako nagpa-apekto. Hindi naman maibabalik ng gwapo niya ang limang daan ko. Kaya nagpaliwanag ako para linawin ang eksenang nakita niya. Halur, di ko po kayang patulan si kuya gward.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE SCENARIOWhere stories live. Discover now