Disclaimer: itong tula ay walang intensyon kundi bigyan liwanag ang mga inang ofw na ang kanilang anak ay nangungulila sa kalinga ng kanilang mga ina.
Written by: Kurtney Love Aliño💗
💗💗💗
Magandang araw aking kaibigan
Marami ka na bang napagdaanan?
Ikaw ba ay nahihirapan?
O, ikaw ay nasisiyahanMarami sa ating kabataan
Ay walang inang maaasahan
Kung meron ka niyan
Dapat mo itong pasalamatan.Minsan naramdaman ko ang wala nito
Pero alam ko na para sa akin din 'to
Kaya mahal na mahal ko ang nanay ko
At siya ay pinapahalagahan ko.Ikaw, Naranasan mo na bang mawalan?
Mawalan ng masasandalan?
Yung kada gabi wala kang maiiyakan
Sa problema mong pinagdadaanan.Kung OFW ang nanay mo
At lagi kang nagaalala dito
Ipagdasal mo lang ito
Na sana bukas siya ay nandito.Itong tula'y para sa mga INA
Pati narin sa mga bata
Batang wala nang magagawa
'Pagkat malayo ang kanilang ina.Makinig sa iyong nanay
Pati narin sa iyong tatay
Mahalin sila ng walang humpay
Kahit pa tayo ay nakapagtagumpay.