- PROLOGUE -

3 0 0
                                    

Talaga bang mangyayari 'to ngayon?


Sinara ni Audri yung pintuan ng kwarto ko. Then she continued on kissing me! Dahil na din sa kalasingan ko hinalikan ko siya pabalik hanggang sa mapahiga kami sa kama. Then the next thing I know ina-unbutton na nya yung polo shirt ko habang nakatitig lang siya sa'kin. Oo may amats ako pero hindi ko maiwasan na titigan din siya. Her eyes were so beautiful. Nangungusap ito. I cannot seem to break the stare.

Habang nangyayari yun, I was the one who's kissing her now. She's not saying anything and she's doing the same thing to me. She then grabbed the wine na hawak-hawak ko kanina pa at uminom. I did the same, then we kissed again. Ramdam ko yung tamis ng labi niya... or nung red wine.

OKAY... this will actually happen! SH****T


(2 DAYS earlier...)


"Ser... Ser!!"

"UHMM!" Naalimpungatan ako sa sigaw nung kundoktor. "Kuya, ano ba natutulog yung tao eh..."

"Naku ser sorry po kung naistorbo ko po kayo. Eh andito na po tayo."

"Saan??"

"...dito po sa station." Napahinga ng malalim si kuya. "Nasa Baguio na po tayo..."

Nanlaki ang mata ko pagkasabi niya ng "BAGUIO" tapos napalingon ako sa paligid ko. Sh*t! Ako na lang yung tao sa loob ng bus. Maski yung katabi kong babae kanina wala na.

"POTEK! Kuya, kanina pa ba ko mag-isa??" Pagulat kong tanong.

"Eh mga 10 minutes na ho ang nakakalipas. Kung hindi ko nga po kayo napansin ser baka naibalik ka na namin sa Maynila.."

Pagkatapos kong mag-inat at maghikab, tumayo na din ako. "Ser sorry ah. Neto kasi medyo kinukulang-kulang ako sa tulog kaya di niyo ko nagising agad. Baba na po ko."

"Ay salamat naman ser, labas ko na den po sa baba yung maleta nyong maliit."

Nahiya na ko kay kuya. Sampung minuto akong ginigising pero eto ako. Mantika...

Kinuha ko na agad yung bag ko sa may compartment sa taas at dali-daling bumaba.

Inaantok pa talaga ko habang pababa ng bus.  Pagkabigay sa'kin ng kundoktor ng hand-carry ko, nag-inat ako ulit habang nagmumuni-muni sa paligid.


(CALLING... - AVA, ANG MAKULIT KONG SECRETARY!)

Hay naku, eto na naman siya.... "What's the problem Ava?"

"Hello Sir Heath?"

"Ano?"

"Eh sir, hinahanap po kayo ni Miss Ella. Ilang araw na daw po kayong di nagkikita."

"Pakisabi sa kanya magpapakamatay na kamo ako..."

"AY!" Nagulat naman 'tong secretary ko. At least concerned siya sa'kin... "Sir wag naman po kayo magjoke ng ganyan."

"Basta wag mong sasabihin sa kanya na andito ko sa Baguio ah. Pag hinde tanggal ka pagbalik ko dyan."

"Naku Sir Heath hindi po. Promise po. Quiet lang po ko." Natatawa niyang sabi. "Di naman po ako madaldal."

"Totoo ba yan Ava? Parang iba ang alam ko eh." Lahat kasi ng lakad ko noon sinabi niya sa ex-girlfriend ko na si Ella. Mapa-banyo ata alam...

"Hindi po talaga Sir Heath. Eh.. may kailangan pa po ba kayo dyan? Baka gusto nyo po ng rental car para hindi na kayo ulit magcom-"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

+ THE GIRL. +Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon