3

12 1 0
                                    

Yana's Point of View

"TANGINAAA!!"

Nabitawan ko naman ang pagkaing hawak ko sa sobrang sakit.

Napamura nalang ako sa sobrang sakit ng paa ko pano ba naman kasi hindi nga ako nahampas ni Viviana e nahulog naman yun at tumama sa paa ko!

Napahiga nalang ako sa sobrang sakit!

"Are you okay?"

Masama ko lang siyang tiningnan habang si Viviana naman ay nagmamadaling umalis.

"Mukha ba kong okay?Yan ang hirap sa inyung mga lalaki e!Ang obvious obvious na nga na nasasaktan kami and you are still asking if I'm okay!!?"

Mahina lang siyang tumawa at tiningnan ako habang may ngiti sa labi.

Putcha!aatakihin na yata ako sa puso!

"Bakit naman nadamay yata bigla ang mga kalalakihan dito?"

Mumurahin ko na sana sya ng magsulputan bigla ang mga bruhang kaibigan ko.

"What happened?"

sabi pa ni Gia.

"Nakarma yata"

Masama ko namang tiningnan si Mia dahil sa sinabi niya.

"Wag kasing tatanga tanga Yana"

Napairap nalang ako kay Sia

"What the hell?Ang gwapo ni Zaphiel."

Agad namang binatukan ni Sia si Rowena.

Ang harot talaga ng babaeng to!

Nagulat naman ako ng bigla nalang akong umangat.

Pinasan na pala ako nitong si Zaphiel ba yun?

agad naman akong napakapit sa braso niya.

Putcha!para kaming bagong kasal sa posisyon nato.

"Jusko!Magkaka lovelife na ata si Yana."

Inirapan ko nalang sila.

"Dadalhin ko muna siya sa clinic,Can you please find Viviana Montrell?"

sabi pa ni Zaphiel.

"Oh!my pleasure."

Napaismid nalang sila sa sinabi ni Rowena at napatango nalang kay Zaphiel.

"Ingatan mo si Yana,Baka mahulog."

Bilin pa ni Mia bago sila umalis.

Ngayon ko lang napansin na pinagtitingnan na pala kami dito sa cafeteria.

Napaka ayaw ko pa naman ng center of attraction.

Hindi ko nalang pinansin ang mga nakatingin at mahigpit nalang na kumapit sa braso ni Zaphiel habang papalabas kami ng cafeteria.

Kitang kita ko pa na napapanganga ang ibang kababaihan na nakakasalamuha namin.

Tangna!Nahihiya nako.

"K-kaya ko naman sigurong maglakad."

Napahugot nalang ako ng hininga ng bigla niya kong tiningnan.

"Ngayon mo pa naisipang maglakad e malapit na tayo sa clinic."

Napaiwas nalang ako ng tingin ng bigla siyang ngumisi.

Narinig ko naman na nagsisinghapan ang mga ibang studyante sa paligid.

Nakakahiya namang kasama ang lalaking to...nakakakuha sya masyado ng atensyon.

Nang makapasok kami sa clinic ay sinalubong kami agad ng nurse.

His Sweetest Intention ( Untittled Series #1)Where stories live. Discover now