Part 2

17 0 0
                                    

KEITH'S POV

Hindi sana tayo ma-lelate kung binilisan natin. I told you na bilisan niyo, hindi pa natin alam kung anong gagawin natin ro'n. Hy, what if ipatawag parents natin ni Miss Aragon? Alam niyo naman ugali no'n. Nakakapikon talaga si Miss kahit kailan. Hindi manlang tayo bigyan ng isang pagkakataon, second day palang ngayon, isipin niyo 'yon, tsk tsk.

Umupo muna kami sa labas ng office ni Dean. Wala kaming ideya kung anong gagawin ro'n. Baka pag-sabihan o pagalitan. We don't have any choice kundi ang sumunod.

Eto talaga si Miss, eh. Kapag nagkaroon ng evaluation, bababaan ko talaga 'to ng puntos. Sabagay ganyan na pala siya dati pero walang estudyante ang nagbaba sakanya ng puntos. Tsk. Lakas ng kapit kay Dean ah. Sipsip.

"Hanggang anong oras kaya tayo rito mag-hihintay. Bored na'ko. Punta muna tayo sa library?" si Chelsea.

"Ano ka ba, Chelsea. Papagalitan na nga tayo tapos pupunta pa tayo sa library, what if ipatawag parents natin?" singhal ni Keith. Lahat sila nadamay. Napatagal sila sa canteen kanina. Maraming tao, siksikan. Kinakabahan kami sa kung anong p'wedeng parusa sa'min ni Miss. Nakakatakot siya maging teacher. Marami ang ayaw sakanya, hindi pa siya masyadong kilala ni Mayumi. Kaya hindi pa siya matatakot.

Tapos na klase ni Miss. Ayon na siya oh. Bumalik kami sa upaan, nakita na namin siyang papunta sa upuan na kung saan kami nakaupo.

"Get inside." galit niyang tugon sa'min. Nagulat si Dean sa biglaang pag pasok namin. Marahil nagtataka ito dahil pangalawang araw palang ay naro'n na agad kami.

"What happened, Miss Aragon?" si Dean.

"Dean, they are the late comers sa subject ko, una sa lahat ang pinaka-ayaw kong nahuhuli sa klase ko." ani Miss Aragon. Napipikon na ito na para bang ang laki ng kasalanan namin sakanya. Mukhang leon na nakawala sa kulangan. Lakas umawra ng kilay.

"Miss Aragon, pangalawang araw palang ng pasukan natin, 'wag mo naman masyadong painitin ang ulo mo. Pag bigyan mo na sila, update me kapag nahuli ulit sila sa klase, uhm wait. Bakit nga pala kayo late?" ani Dean. Gusto malaman ni Dean ang rason kaya iki-nwento naman namin sakanya. Pinagbigyan niya kami ng isa pang pagkakataon. Pinabalik na kami sa room pero may huli pang sinabi si Miss Aragon.

"This is your last chance. Hindi na 'to mauulit." singhal niya. Dire-diretso na kaming nag-lakad papunta sa room na parang walang nangyari.

"Buti nalang, mabait pa si Dean, no? Haha." si Keith. Hys, akala namin papatawag na mga parents namin pero napaka-simple naman no'n para ipatawag mga magulang namin. *Sighs* Nakarating na kami sa room, adviser namin ang naro'n.

"Good morning, Sir. " bati namin. Mukhang may ina-nounce nanaman si Sir. Masaya mga kaklase namin eh, sa dulo nakikita ko Yumi na sinesenyasan kami na pumasok na.

"Okay, class. I'll repeat. Walang pasok ngayong hapon, nagpatawag si Dean ng meeting. So, it means halfday muna kayo. Pag-uusapan muna namin ang bagong rules and regulations dito sa school, maliwanag ba?" tugon ni Sir. Siguro dahil 'to sa'min. Naks, late lang 'yon pero grabe. Tsk, sabagay senior high students na kami. Hindi na kami nga Juniors. Nale-late kami pero hindi kay Miss Aragon.

Half day pasok namin ngayon, tatambay muna kami sa bahay Yumi. Nag-paalam naman kami sa mommy't daddy niya. Pumayag naman sina tita.

On the way na kami papunta sa bahay nina Yumi, sumabay siya sa kuya niya, kami naman ay nakasunod sakanila. Sumasabay nalang sakin 'yong dalawa--- si Rana at Chelsea.

Malaki ang bahay nila. 'Di hamak na maboboring rito si Yumi kapag mag-isa hahahahaha. Sinalubong kami ng mommy nila.

"Hi, Keith, Rana, Chelsea. Kumusta kayo?" bati sa'min ni Tita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon