Chapter One

40 3 2
                                    

Chapter 1

"Nay dito na po ba tayo?" habang naka-tingin sa napaka laking gate na  nakaharap saamin.
"Oo dito na nga, ayon dito sa address na binigay sakin ito na nga iyon." Ilang sandali lang ay pinindot na ni nanay ang doorbell sanhi ng pagbukas nito.
" ah maganda araw po, dito na po ba ang bahay ng mga Gomez?"
"ito na nga ho, ikaw ba yung mamamasukan na bagong katulong na si Pasing?" tanong ng nag bukas ng gate na sa tingin ko ay guard ng magarbong bahay na ito.
"ako na ho, ito naman pala ang anak ko na si kaite." pakilala sa akin ni nanay.

"ako naman pla si mario guwarda dito" pagpapakilala niya kasabay ng paglahad ng kanyang kamay para makipag kamay kay nanay.
"sya nga pala kanina pa kayo inaantay ni ma'am nancy" itinuro naman ni mang Mario kung saan kami dapat pumasok. Habang papasok na kami sa bulwagan ng kanilang mansyon hindi ko mapigilan ang mamangha sa nag-gagandahang mga palamuti ng bahay lalo na sakanilang ingrandeng hagdanan papunta sa pangalawang palapag ng kanilang mansyon.

"Pasing...!" sabay kaming napalingon ni nanay kung saan nanggaling yung boses na tumawag sa pangalan ni niya.
"Buti naman dumating kana, kanina pa kita inaantay dito." ani nito habang naka taas ang kilay. 
"ah pasensya kana nancy medyo naligaw kami ni kiate maghanap ng lugar na ito. Alam mo naman na bago lang kami dito sa maynila...." binalingan ako ni nanay ng tingin para senyasan na mag mano rito.

"ah magandang araw po tyang ako nga po pala si kaite" aabutin ko na sana ang kamay niya para magmano pero bigla niya itong itinago sa likuran niya.
" enough... No need to do that kilala na kita, and one thing kaite and pasing starting  today bilang mga maids kayo dito sa mansyon hindi tyang o nancy lang ang tawag nyo saakin lalo na pag may mga bisita ako dito sa bahay. Ma'am ang kaylangan niyong itawag saakin, nagkakaintindihan ba tayo? "  maawtoridad na sabi nito saamin ni nanay. Ewan ko ba medyo hindi maganda itong pakiramdam ko sa tiyahin ko na ito, unang tingin ko pa lang parang may pagkamaldita tong matanda na to.

" Marta paki samahan na sila sa magiging kwarto nila at ituro mo na sa kanila kung ano ano ang mga trabaho nila dito."
Utos nya sa isa pang kasambahay na sa tingin ko kasing edad lang din ni nanay.

Dinala naman kami ni aling marta sa maids quarter at itinuro ang magiging kwarto namin. May double deck at sapat ang lawak para sa aming dalawa ng nanay.  Habang nag aayos kami ni nanay ng mga damit namin na inilalagay sa aparador ng biglang mag salita si aling marta.

"ilang taon kana ba kaite? Parang ang bata mo pa para mamasukan bilang katulong."
Tanong niya habang naka masid sa amin ni nanay na nag aayos ng mga gamit namin.
"mag aaral naman po ako aling marta, pag sasabayin ko po ang pag-aaral at ang pamamasukan dito" binalingan ko ng tingin si aling marta at bigla na lang itong lumapit sa akin.
"napaka bait mong anak kaite, alam mo magkaka sundo kayo ng anak ko sigurado. Kung gusto mo magsama kayo ng anak ko mag apply ng scholarship dun sa pinapasukan ni ma'am Hanna" naka-ngiting sabi nito saakin.

"Bukas na bukas din kung gusto mo sumama kana kay kris para sa pag exam."

"naku maraming maraming salamat po aling marta, sige po sasama po ako para hindi na rin mahirapan si nanay sa pag iisip ng pag-aaral ko" Ilang sandali pa lang ng matapos na kami ni nanay sa pag-liligpit lumabas na rin ito para tulungan si aling marta sa pag-hahanda ng pagkain para sa hapun. Nagpasya akong lumabas muna ng bahay para lumanghap ng hangin. Nasa tapat lang ako ng gate ng malaking bahay ng mga gomez ng sa hindi sinasadya ay may nahagip ang aking mata. Isang binatilyong lalaki na nagmamaneho ng kanyang bike. Hindi ko maiwasang hindi tumitig sa napaka amo niyang muka mula sa perfect jaw line nito, matangos na ilong pababa sa mamulamulang mga labi nito. Sa sobrang titig ko sa muka nito hindi ko na namalayan kung bakit bigla na lang akong natumba at  sumakit ang bandang tagiliran ko.

........................................................

Guys sorry ah natagalan itong chapter 1 medyo busy kasi si author nitong mga nkaraan..

Ongoing na rin nman na yung next chapter maybe next week mkapag update po ako salamat....

❤️🧡💛💚💙

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Your Eyes Where stories live. Discover now