MAVI'S P.O.V
Ringg ! Ringg! Ringg!
Ano ba yan ?! Antok pa ko ! 5minutes pa pwede ?
Ringg ! Ringg! Ringg!
Ang kulet naman eh !
Inabot ko ng kamay ko ang alarm clock at pinatay ito ng di namulat ng mata . Antok pa kasi ang tao . Natulog ulit ako .
Makalipat ang 20 minutes ....
'' Mavi ! Anaak ! Bumangon ka naa ! Malelate ka na ! ''
Ano ba yan , and KJ naman ni mama . Antok pa ko eh.
Napilitan tuloy akong bumangonat pagtingin ko sa orasan sa may lamesa na katabi ng kama ko ....
'' Waaaah ! Late na ko ! ''
Late na late na ako , kasi pagtingin ko sa orasan , 6:45 na , eh ang oras ng klase namin 7:10 ,unang pasukan pa naman late ako , nakakahiya >.<!
Dali-dali akong tumayo sa kama .
Naligo at nagsipilyo na ako .
Syempre kasama na ang pagbihis doon , kinuha ko na bag ko at lumabas na ako ng kwarto ko.
'' Ma bakit di niyo po ako ginising ?! Late po tuloy ako! ''paghihimutok ko kay mama , habang mabilis akong kumain .
'' Kasalanan mo yan , kanina pa ko kayok ng katok sa kwarto mo at sigaw ng sigaw di ka pa nabangon .Kaya bilisan mo nang kumain dyan ! Unang pasukan late ka ! '' sabi ni mama
'' Ompowh '' sabi ko habang nanguya ng pagkain
Pagkatapos na pagkatapos kong kumain at dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay.
'' Maa! Alis na po ako ! '' paalam ko kay mama habang palabas
'' Sige ! magingat ka ! '' sabi ni mama sakin .
Unang kita ko pa lang ng traysikel ay pinara ko na at sumakay na ako .
Grabe late na talaga ako ! Pagtingin ko sa relo ko ....
Bumulagta ang oras na ...7:20 ! Ibig sabihin late na late na talaga ako !
''Manong pakibilisan po ang pagtakbo , late na po kasi ako eh '' sabi ko kay manong drayber
Pagdating ko sa iskul na pinapasukan ko .
Well , nakapraybeyt ang lola mo ! Hahaha.
Sabi kasi ni mama dito daw ako magaral sa ''Unique Academy'' .
Syempre pumayag ako .
Dito din kasi nagaaral si best .
Matalik ko na siyang kaibigan muna nung elementarya pa kami.
Kaso nagkahiwalay kami nung nagtapos na kami na sa pagiging elementarya .
Dito kasi siya pinapasok ng mga magulang niya , eh ako sa ''New Minerva School'' .
Dapat dun kami papasok ni best , eh dun siya pinagaral , kaya wala akong magagawa.Kaya ngayon , pinatransfer ako ni mama dito .
Di ko alam kung anong nakain nun at naisipang ilipat ako dito .
Eh dati mangiyak-ngiyak ko siyang kinukulit para dito ako pagaralin .
Masaya na ko .
Makakasama ko na si best .
Sana nga kaklase ko siya .
Ay! dami ko ng naikwento sa inyo . Late na pala ako.
Agad akong tumakbo sa may bulletin board para tignan kung anong section ko .
Nang tumatakbo ako , may nakabangga sa akin
'' Arayy ! '' napadapa ako sa sahig at ang mga gamit ko ay nagkalat sa sahig .
'' Pasensya na , Miss '' tinulungan ako nung lalaking nakabangga sa akin .
Aabutin ko na sana yung kamay niya na nakalahad sa akin , pero napatulala ako .
Parang.....parang pamilyar yung mukha niya .
Parang nakita ko na to dati .
Pero di ko matandaan kung saan at kailan.
'' Miss , ok ka lang ? '' tanong nung lalaki
'' A -aah ... o-oo , ok lang ako . Pasensya na . ''
Siguro namamalikmata lang ako .
Tsaka di ko naman siya kilala .
Tsaka di ba sabi ko parang pamilyar yung mukha niya .
Tsaka bakit ko ba pinoproblema yun ? Mukha na kong tsaka .
Puro kasi ako tsaka . Tss...
'' Ah sige '' umalis na yung lalaki matapos niya akong tulungan tumayo .
Naiwan akong nakatayo at nakatulala .
Pero nung sumagi sa utak ko na late na pala ako , pumunta na ako sa bulletin board .
Section Aristotle ako .
Tinignan ko kung kaklase ko si best .
Tingin-tingin ....... Boom ! yung nakita ko na .
Lyn ramirez , kaklase ko siya !
Hindi na ako mukhang nagiisa .
Ay oo nga pala .
Hindi pa pala ako nagpapakilala .
Mamaya na lang ako magpapakilala .
Late na ko .
Kailangan kong makita yung room na kinabibilangan ko .
Tsaka magpapakilala naman kami isa-isa .
Ayan na naman ako sa tsaka tsaka na yan .
Syempre unang pasukan .
Tradisyon na yun no !
----------------------
kapagod talaga eh -.-