03

16 2 0
                                    

Papalabas na ako sa gate nang mapansin kong ang aga pa pero ang gloomy ng panahon. The clouds seems sad with the absence of Mr. Sun.

I'm with my gym bag as I walk by the road heading off to where I will attend my gym session. Malapit lang naman sa bahay ang place, so nilakad ko lang. I did really tried my best to enroll myself into a workout sesh because if not, I will surely walk like a living whale.

Napapansin ko na kasing lumalaki na masyado yung mga braso at ang pangit tingnan na babae ako pero ang katawan ko mukhang barako na nag aabang ng kapwa tambay sa kalye.

Ngumiti ako sa guard ng building and greeted him a very good morning kahit baliktad sa nararamdaman ng ulap. I'm sure na kagabi pa'to dito si kuya guard, kaya naman nilabas ko yung instant coffee na binili ko kanina sa 7/11 at binigay sa kanya.

"Uy salamat, nag abala ka pa. Kaya sayo ako ma'am Aiks eh, suki talaga kita sa kape tuwing pumupunta ka rito." Masayang sambit ni kuya guard habang hawak hawak ang kapeng inabot ko sakanya.

"Nako wala 'yan sa puyat at pagod mo araw-araw sa pagbabantay rito kuya. Isa pa, 'wag mo na akong tawaging ma'am. Hindi pa naman ako gurang kuya eh!" sagot ko naman sa kanya nang nakangiti.

"Ambait mo talaga ma'am Aiks, sana mag jowa ka na." pabirong habol ni kuya.

Natatawa ko siyang iniwan habang papasok sa building. Mabait 'yun si kuya guard at matagal na siyang nagtatrabaho rito. Kahit bago pa lang ako sa gym, close na agad kami. Nakakatuwa kasi siyang kausap. At talagang magaan lang ang loob ko sa mga manggagawang katulad niya.

Pagpasok ko sa loob ng workout area, konti pa lang ang tao kaya naman itinabi ko ang bag ko sa spot kung saan palagi kong nilalagyan ng mga gamit. I just wore my black high waisted leggings and pink tank top paired with my white Fila.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag wawarm up nang bumukas ang pintuan. Kitang kita sa gawi ko ang kung sino mang papasok kahit nasa sulok ako. Napahinto ako nang makita kong si Kuya Owy 'yun.

I inhaled and exhaled. Pinagpatuloy ko nalang ang sinimulan ko.

Ingat na ingat ako sa bawat galaw ko kasi baka mapatingin siya sa banda ko. Ayaw ko namang mag mukhang pangit no, aba! Baka ito na talaga ang sign na icrushback niya ako. I silently chuckled.

Nasa treadmill na ako nang mapansin kong napunta siya sa gilid ko para kumuha ng weights.

Napatingin ako sakanya, at hindi ko maiwasang mapamangha dahil ang gwapo at ambango niya pa rin kahit pawisan na. He's wearing a Nike dri-fit black shirt, gym shorts and black Nike shoes.

Napakurap ako nang magtama ang ang tingin namin.

"Hi!" nakangiti pa siya, kaloka!

"Ah- Hello." nahiya ako bigla, kahit na wala naman talaga akong hiya.

"Bago ka rito o matagal na?"

Interesado na ba siya sakin? Yiieee. Sabihin niya lang, willing naman akong magkwento ng buong buhay ko sa kanya eh.

"Ika 5th session ko palang po. Ikaw?" tanong ko naman para hindi agad ma deadbatt 'tong usapan. Minsan lang 'to no!

"3rd palang, lumipat lang kasi ako rito. Malayo masyado yung dati kong gym."

Maaamaaa! Pakihanda na po ng wedding gown, diretsong simbahan na 'to. Kausap ko na crush quouh!

I just noded and smiled. Baka isipin niyang chismosa ako masyado. We have a lifetime naman to talk with each other. Char.

We continue what we're doing until I got a sight of a rainbow through the windowpane.

I finished my time in the treadmill wishing that the rainbow won't disappear sooner.

Nang matapos ako, dali dali akong bumaba sa machine at agad na kinuha ang towel ko para punasan ang konting pawis na namumuo sa katawan ko.

I just stood near the window and stare at that beautiful arc of colors.

Whenever I saw a rainbow, I'm always reminded by my childhood favorite bible story. Where Noah obeyed God to make an ark in preparation for the 40 days and 40 nights flood. In return of his obedience, God made a covenant with him through this rainbow as a sign that there shall be no more flood to destroy the earth.

As I'm lost with the words in my mind, I didn't noticed that Kuya Owy is also right here with me witnessing the awesome colors flashed in the sky that somehow made the gloomy heaven alive.

"Ang ganda no?" di ko namalayang nabanggit ko pala ang iniisip ko.

"Yeah, it's also my happy pill." nakangiting turan niya habang namamanghang nakatitig sa ulap.

Ako naman, 'di na alam kung saan ko ipepwesto ang paningin. Kung sa bahag-hari ba o sa mata niyang nagniningning ng nakakabighaning kulay.

Rainbow is my favorite decor in the sky. But with him, I choose to just stare and love the rainbow reflected in his eyes.




-🌼

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Good DreamWhere stories live. Discover now