Sa buong buhay ko, never akong nagkagusto sa kapwa ko lalaki. Mahilig ako sa mga babae lalo na kung maganda at sexy. Meaning to say babaero ako.
Ako nga pala si 'Haku Matzukaseh Tiamson. Gwapo, maputi at may makakapal na kilay. Halos perpekto na ang buo kong pagkatao. Yun nga lang may pagkamasama ang ugali ko. Kung hindi nyo maitatanong.
Galit ako sa mga 'bakla. Ewan ko ba kung bakit. Sa tuwing nakakakita kasi ako ng bakla, kumukulo agad ang dugo ko. Galit ako sa kanila. Maraming tao ang naiinis dahil sa ugali ko at madalas akong nakikipag-away sa kanila. Di naman ako bully pero ayaw ko lang na nakikialam sila sa gusto kong gawin sa buhay ko. Sa dami kong pinasok na relasyon, ni isa wala akong sineryoso sa kanila.
Buong akala ko, di na ako magbabago. Sabi nga nila 'people change.
Pero mali pala ako. Kala ko yun na. Hindi papala.
Pero simula nung makilala ko sya nagbago ang lahat. Kahit sobrang tigas na ng puso ko para sa iba nagawa nyang mapalambot yun dahil lang sa mga salita nya.
Kahit sobrang tigas na bakal na kagaya ko ay kaya nyang durugin.
Dahil sa kanya nag-iba ang 'ihip ng hangin.
BINABASA MO ANG
Haku
Teen FictionMarami ang nagagawa ng pagmamahal sa isang tao kahit na medyo komplikado ang lahat. Pero kung tatamaan ka ng 'pag mamahal na yan. Kaya mo ng isakripisyo ang lahat alang-alang sa kanya. Walang pinipili ang pagmamahal. Minsan kakabahan ka, magugulat...