"Kasi may mga pagmamahal na parang buwan at araw, hindi magtatagpo ngayon pero dadating ang panahon na magtatapat sila"Pero isang tingin lang ang sinagot ko sa kanya sabay tungga ng hawak kong beer. Ganito na lang ba kakulit at kadrama ang mga taong tinamaan ng espiritu ng alak? O baka naman ito lang ang panandalian nilang takas para ipakita ang sakit? Dahil ba mas naiintidhan ang ganitong kadramahan pag alam nang may tama at wala na sa sarili?
"Tama naman di ba?" Tanong nito habang natatawa mababakas na din na unti-unti na itong tinatamaan ng alak.
"Siguro" ani ko
"Bakit kasi may nananakit? Bakit may nang-iiwan? Bakit may nanloloko? Ganun lang ba yun kadaling gawin?" Magkakasunod na tanong nito habang ako naman ay napatingin na lang sa kawalan.
Ganun nga ba kadali? O nagiging madali dahil may dahilan? Sa milyon-milyong relasyon na mayroon sa mundo,milyon-milyon din ang naghihiwalay pero sa mga hiwalayang iyon. Triple ang mga rason, ang mga excuses,palusot o kung ano pa man pero ano nga ba talaga ang tamang rason para iwanan at lokohin mo ang taong mahal mo? Oh kahit kelan ba magkakaroon ng ka tanggap tanggap na dahilan para sa mga ito?
"Hoy?! Lalim nang iniisip mo? Naloko ka na ba ha?" Tanong nito sa akin pagkatapos nitong kumumpas sa harap ko para makuha ang aking atensyon.
"Ewan" sagot ko sabay tayo mula sa bangketang kinauupuan namin.
"Siguro"
===================
Soon