Chapter 14

2 0 0
                                    

FLORRY's POV

Hi! Florry Blaze at your service. I'm Fire bearer/user/manipulator or whatever you call it, basta I got the power of fire.

"Wooh! Nakakapagod" singhal ko at agad na dumapa sa kama, hapon na rin. Feel kong matulog. /yawn/ ^0°

"Hindi ka kakain?" tanong ng bago kong roommate, no other than_Aye De Vera. Kakarating lang namin kasi sa dorm. Kanina after ng klase ko, sinama ko siya at nilibot namin ang academy pero 'yong sa Secondary lang. Sa laki ng academy kulang ang isang araw na paglilibot.

"Uhm… Mamaya na"

"Ipagluluto kita."

Marunong ba siya? Hindi naman siguro siya magbubuluntaryo kung hindi masarap luto niya, diba? Hmm.

"'Ge" tipid kong sagot. Napapahikab ako sa sobrang pagod at antok.

Umalis siya sa may pintuan ng kwarto ko at tinungo ang kusina. Gutom na ako, hapon na rin kasi kami natapos sa paglilibot, puro finger foods lang nakain namin kanina.

Akala ko nga mapapanis laway niya kasi hindi siya pasalita kahit no'ng nasa Splendor pa but this time ang saya niya kasama and she really cares a lot. Napag-usapan din namin 'yong tungkol sa nangyari sa Splendor. Naalala ko tuloy kung paano kami nagkakilala ro'n sa bayan nila. Iyon ang una at huli kong punta roon. Nakakapaghinayang.

Flashback

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" tanong sa'kin ng daddy ko nang mabungaran ako nito na nasa garden. Ano naman kaya idadahilan ko, alam kong magagalit na naman siya pagnalamang nag-eensayo ako sa paggamit ng kapangyarihan.

"Nagpapractice po ako." mahinang sagot ko sabay yuko. Wala naman kasi akong magawa rito sa bahay, dahil bakasyon naman na kaya nagpapraktis ako sa pagkontrol ng kapangyarihan, hirap nito kasi usok palang kaya kong magawa at walang apoy. Maging abilidad, wala.

"Practice? Para saan pa?" madiin nitong turan sa'kin.

"Dad" tanging naiusal ko, naiiyak na naman ako. Ganito na lang palagi ang senaryo sa tuwing nakikita niya akong nag-eensayo sa pagkontrol ng kapangyarihan, lagi niya na lang kwenikwesyon kung bakit kailangan ko pang gawin ang bagay na 'to, wala na rin naman daw akong pag-asa.

Mystique Academy: Her Enigmatic Powers (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon