Simula

0 0 0
                                    

"Rosa Rosa Rosa" paulit ulit na sigaw ng kapitbahay ko dito sa apartment. Alam ko naman kung ano ang hihiramin niya pero minsan nakakainis na siya hindi ba sya makahintay na magkita kami mamaya.

Agad kung kinuha ang cellphone sa tabi ko, 5:45 am pa lang at nanggugulo na ni Kate sa aking kwarto. Bumangon na lng ako kahit wala pang ayos ang mukha ko, sanay na ako dito sa amin walang pakialaman. Pag-bukas pa lng ng pintuan ko binigyan konna siya ng masamang tingin nakakainis kasi eh.

"Peace tayo dyan Rosa,hindi naman kita gigisingin kung hindi importante to" diretsung pasok niya sa kwarto ko. Sa isang apartment na tinutuluyan ko may apat na kwarto isa sa akin kay Kate at sa dalawang bakante pa.

"Ano ba kasi yan, alam mo naman ilang oras lang ang tulog ko kasi nag tratrabaho ako"

"Sorry na,  ito kasi si Carlo nagyaya ng breakfast date namin?"

"Tapos?" Maldita na pagsabi ko sa kanya. Dalawang taon na ako dito sa bahay lero nauna si Kate sa akin at naging maganda ang samahan namin. Pero kilala niya ako kapag tinopak ako ng kamalditahan ko

"Ayan ka naman sa pagtitig mo. Alam mo ba kung hindi mo lang ako kaibigan kanina pa kita tinarayan pa, kaya hindi ka nagkaka boyfriend eh ang sama mo kasi tumitig sa tao."

"Don't change the topic Kate, what the hell are you doing in my room? What do you want?" Sunod na sunid na tanong ko,  eh manghihiram lang naman ng gamit yan sa akin eh pusta ako ng bente.

"Alam mo naman yun eh" pacute na pagsabi niya, see gamit ko lang ang hihiramin niya. Hindi naman ako madamot na tao lagi ko naman pinapahiraman ni Kate ng mga gamit ko pero lagi ko siyang pinapaalala na ingatan ang gamit ko kasi bili ito ni Lola nung nabubuhay palang siya.
Hindi naman kami mayaman simple lang ang pamumuhay namin ng lola ko nung nabubuhay pa lang siya. Wala siyang trabaho sa bahay lang siya nag aasikaso sa akin. Minsan nga napaisip ako kung saan kumukuha si lola ng pera kasi napapaaral niya ako, hindi naman kami nagugutom ay nabibili niya pa ako ng mga gamit at mahahalin na gamit pa. Pero laging sinasabi ni lola pera niya daw yun ng kabataan siya, lagi kasi siyang nag iipon kaya dumami ang pera niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

White RoseWhere stories live. Discover now