"Where did you go?" He said in a cold tone while staring at me. Napalunok naman ako at agad nag-isip kung anong ipapalusot ko.
"Naku dong, kumain ka na?" Nakangiti kong tanong at lumapit sa kanya. Masama pa rin niya akong tinignan.
"Don't change the topic Avery Hidalgo," napakagat nalang ako sa pang-ibabang labi ko dahil sinabi na nito ang buo kong pangalan. Galit na talaga ito.
"Nag-alala lang naman ako sa 'yo dahil baka hindi ka pa kumain," nakanguso kong sabi. Bigla namang lumambot ang mukha nito pero agad itong umiling at napalitan na naman ang kanyang mukha ng pagkaseryoso.
"Just answer my question!" Napasigaw na ito sa inis. Agad naman akong yumuko at pinaglaruan ang kamay ko.
"Nasa mall lang ako dong, nagbobonding ng friends ko," mahina kong sabi sapat na para marinig niya.
"May kasama kang lalaki?" Nakakunot noo nitong tanong. Napataas naman ang kilay ko.
"Oo nam--"
"The fuck!" Napatayo na ito at agad hinila ako papalapit sa kanya. Namalayan ko nalang na isinandal na niya ako sa pader.
"Jusko dong! Hindi pa ako ready isuko ang bataan ko!" Singhal ako at nagpupumiligas sa pagkakahawak sa kanya. Hindi pa rin mawawala ang matatalim nitong tingin sa akin.
"Is he your boyfriend? Huh?" Malamig nitong tanong. Agad naman nagsalubong ang kilay ko. Kung malaya lang sana kamay ko ngayon, kanina ko pa ito nabatukan.
"Pwede ba dong, huwag kang mag-isip ng masama. KAIBIGAN ko lang iyon," diniinan ko ang salitang 'kaibigan'. Agad naman bumitaw ito sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Don't you dare to escape next time Avery, or else.." lumapit ang mukha nito sa akin na ikinalaki ng mata ko. "I will kiss you very hard," dagdag nito na ikinatulala ko.
~TO BE CONTINUED~
BINABASA MO ANG
My Possessive Billionaire Husband
Teen FictionKaya mo bang tumira sa isang bahay kasama ang asawa mong overprotective sa 'yo? Overprotective na ba ang tawag do'n o possessive na? Date Started: July 10,2020