10 ➪︎ Who Is The Killer?

3 3 0
                                    

Chapter 10 - who is the killer?


***

PAGKATAPOS maligo ni bea ay agad siyang pumunta sa table niya dahil kanina pa niya naririnig ang ring ng selpon niya. Nakita niya sa caller na si finx ito. Andami ring missed call nito. Pero pinatay lang yon ni bea.

Naiinis din ang dalaga dito dahil nakita niya kanina ang maraming kiss mark sa ibat ibang bahagi ng katawan niya. Hindi na dapat tayo mag usap finx. I need to kill you. Hindi pwede itong nararamdaman ko. Sabi ni bea sa sarili.


Alam ni bea na may nararamdaman na siya para sa lalako. Pero.. Nasa isip niya ang mission niya at ang pagbibigay hustisya kay ayi. Tinext niya si finx.


To finx:
sorry if di na ko nakapagpaalam. Umuwi na ko. By the way, let's forget what happened last night. I know na nadala lang tayo ng kalasingan natin so let's forget it.


She hit the send button tsaka in-off ang phone.

SA KABILANG dako, galit na tinapon ni finx ang selpon niya ng matanggap ang messages ng dalaga. Kanina pag gising niya ay agad siyang nilikob ng kaba ng hindi niya makita ang dalaga sa tabi niya. Hindi man lang niya naramdaman ang pag alis ng dalaga dahil sa himbing ng tulog niya.


Ngayon galit siya sa dalaga. Hindi papayag si finx na basta basta kalimutan nalang ang nangyari sa kanilang dalawa. He already claimed her. At kahit lasing sila ay alam niyang ginusto nila yon. May narinig na katok si finx at agad yon binuksan. Lumitaw ang isa sa kaibigan na ka trabaho din niya.


"owen" banggit ni finx sa pangalan ng kabigan.


"i saw your girl earlier. Nagmamadali siyang umalis. Mukang tinakasan ka" nang aasar na sabi ni owen.


"shut up" seryosong sabi ni finx.


"beware of her. You dont know her..and your mission mukang nakakalimutan mo na dahil sa babaeng yon" seryoso ring sabi ng kaibigan ni finx. May mission din si finx na dapat tapusin kaya lang ay nahihirapan siya.


"i know." sabi nalang ni finx. Totoo ang sinasabi ng kaibigan niya na nakalimutan niya ang misyon niya dahil sa presensya ng dalaga.


"malapit ko ng malaman kung sino yang agent x na yan ng lennox. She's good on hiding her identity. But.." sabi ng kaibigan.


"I'll kill her once na malaman ko agad kung sino siya." nilulukob nanaman ng galit si finx ng maalala ang nangyari sa kapatid. Tumayo si finx at napag desisyonan na kailangan niya munang hanapin ang pumatay sa kapatid niya para matapos ang mission niya. Para narin makapag quit siya. Mag q-quit siya para sa dalaga. Seryoso na siya na angkinin ang dalaga.


Pero kailangan niya munang bitawan ang trabaho niya para sa kaligtasan ng babae. Alam niyang delikado ang pagiging secret agent niya. Tatapusin na muna niya ang dapat niyang tapusin bago balikan ang dalaga. Pagkatapos non ay hindi na niya titigilan ang dalaga hanggang sa mapasakanya ito.


"wait bud, may sulat ulit na dumating. I still dont know kung kanino galing." naagaw ulit ang atenyon ni finx sa sinabi ni owen. May sulat kasi na pinapadala sa kanila at para sa kanya. Tungkol ito sa nangyari sa kapatid niya.


"what's on the letter?" kunot noong sabi ni finnixt. Inabot naman ni owen ang letter na pinadala kanina lang.


"The girl you looking for is the one who killed your sister. Believe me, I'm lying. " basa ni finx sa sulat. Ito na ang pangalawang sulat na natanggap. Ang unang sulat ang nakalagay ay "your sister is really beautiful. So the killer need to kill her. Believe me, I'm lying" . Gumugulo parin sa isip ng binata ang sulat na natatanggap niya. Pero isa lang ang sigurado niya. Alam ng nagpapadala ng sulat na 'to kung sino ang pumatay sa kapatid niya. At kung sino man yon ay hahanapin niya at pag babayarin niya.

***

NAPAGDESIYON ko na makipagkita kay cresia. Papunta ako ngayon sa condo na tinutuluyan niya ngayon. Nasabi ko na ito sa kanya kaya inaasahan din niya ang oagdating ko. Paglabas ko sa kotse ay agad akong nagtungo sa room niya.


Kumatok muna ako bago niya ito buksan. Pinapasok niya agad ako at dumeretso kami sa office niya. Dito siya nag tratrabaho.


"ano gusto mo ba ng makakain or inumin?" alok nito sakin. Umiling lang ako.


"hindi na. Busog pako. Nandito lang ako para.." binitin ko ang pag sasalita ko dahil kinuha ko sa bag ang sulat na natatanggap ko.


"this.." sabi ko. Naka kunot ang noo niyang kinuha iyon sakin at binuksan.


"ano to? Para kanino to?" sabi niya at biglang nanlaki ang mata ng mabasa nag nakalagay don.


"ano to? Kanino galing to?" tanong niya.


"i dont know kung sino ang nagpadala niyan saken pero isa lang ang sigurado ako. Alam niya ang tungkol kay ayi" sabi ko.


"pero ano tong believe me, im lying? Nakakagulo naman. But si finnixt miller may tatoo ba.. Siya?" napa angat ako ng tingin dahil sa tanong niya.


"oo.. Pero sa second letter envy? Inggit. Kung inggit nga ang dahilan kung bakit pinatay si ayi ano naman ang dahilan para mainggit si finx kay ayi? Magkakilala ba sila?" naguguluhan na sabi ko.


"pero hindi rin natin sure if nagsasabi ng totoo ang sulat na ito or it's just a trick para guluhin ang isip mo." sabi ni cresia.


"i dont know anymore. But i have this gut feeling na hindi si finx ang killer ni ayi o ang traitor sa Phoenix." sabi ko.


"baka kaya mo lang nasasabi yan dahil napalapit na ang loob mo sa lalaking yon Beatrix." seryosong sabi ni cresia. Napatingin ako sa kanya.


"i know na Magkakilala na kayo ng lalaking ito at kasama mo siya kagabi. Tell me Beatrix may nararamdaman kaba para sa lalaking yon?" nag iwas tingin ako kay cresia. I dont know. May nararamdaman ba ko? I dont know.


Umiling nalang ako. "no. Hindi pwede yon." sabi ko na lamang.


"dapat lang ikaw lang din ang masasaktan" seryosong sabi niya. Oo tama si cresia ako kang din ang masasaktan. Kaya dapat itigil ko na ang kahibangan kong ito at kailangan ko na ring kumilos. Im sorry finx.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Agent X Where stories live. Discover now