Chapter 2

99 5 0
                                    

Zai.

Zaina Pov

Sa isang linggo kong mag s-stay sa AU hindi naging madali araw-araw akong na bubully hindi ko sinasabi kay kuya dahil alam kong magagalit siya baka sabihin pa niya kila mommy

Buti nalang nandiyan si Meisha para ipagtanggol ako kila agatha pati narin dun sa kapatid niyang impakto naalala ko nanaman yung ginawa niya nung first day of school

Nasa garden ako ngayon kakagaling ko lang sa dean office kailangan kong bumalik sa dati kong school para kunin yung record ko sa dean

Napanguso ako ng maalalang nandun si Xander hindi pa ko handang makita siya sobrang sakit ng ginawa niya hindi ko makakalimutan yun

Tumayo ako para pumunta sa classroom habang nag lalakad may humila ng buhok ko kaya nag lingunan yung mga estudyante

"A-aray! ano ba bitawan mo nga ako!"sigaw ko

Buong lakas ko siyang tinulak kaya hinawakan nung dalawang kasama niya yung braso ko yung ibang estudyante nag bubulungan

'Bagay lang sakaniya yan'

'Sige pa agatha'

'kulang pa yan'

'Sampalin mo'

Bigla akong sinampal ni agatha para akong maiiyak sa sobrang hapdi ng pisnge ko sinikmuraan niya ko kaya napaluhod ako

"Inaano ba kita ha!?"sigaw ko

Lumapit siya sakin syaka hinawakan yung panga ko napadaing naman ako sa sobrang sakit

"Alam mo wag ka nang mag papansin kay Keifer! he's mine back off"sigaw niya tumawa naman yung mga estudyante

"Clein!!!"sigaw ng kung sino

Nilingon ko yun nakita ko si Meisha papalapit dito kasama niya yung mga kaibigan ni keifer lumapit siya sakin at tinulungan niya kong tumayo

"Hoy agatha anong problema mo sa kaibigan ko!?"sigaw ni meisha

Tumayo na rin siya sa pag kakaupo at matapang na hinarap si Meisha nagulat ang lahat ng sampalin niya si agatha

"Meisha nilalandi niya si Keifer syaka ang mga kagaya niyang pangit at mahirap dapat pinapaalis sa school na to"sigaw ni agatha habang nakahawak sa pisnge

tumayo ako siyaka hinarap siya akala niya papayag akong laitin ako?Oo nerd ako pero hindi naman siguro ipamukha sakin yun

"Atleast ako may laman utak ko eh sayo?puro kalandian lang ang alam wag mong pakielaman buhay ko kung ako sayo nag-aaral ka nalang ng mabuti"malamig na sabi ko

Mag sasalita sana siya kaso naunahan ni sky nakinatahimik ng lahat

"Yung mga kagaya mong bobo dapat nag aaral ng mabuti"ramdam ko ang pag pakapahiya niya

"Anong nangyare dito?"isang malamig na boses

Nilingon ko yun nakita ko si keifer nakatingin sakin nag baba ang tingin niya sa labi kong may sugat nag igting ang panga niya

"Eh kasi siya Babe eh sinampal niya ko"maiiyak na sabi ni agatha

Nanalaki ang mata ko at tinignan si keifer na nakakunot ang noo nakatingin kay agatha

"Shut up agatha ikaw ang nag simula ng gulo"sabi ni Axel si harvy tahimik lang

"Umalis na kayong lahat"sabi ni keifer na sinunod ng estudyante maliban sakin at kila meisha agatha

The Gangster Slave (ON-GOING)Where stories live. Discover now