Una't Huli

4 0 0
                                    

Andito ako ngayon sa Delos Santos Medical Hospital. Sa palagi kung pagpunta rito feeling ko nagiging at home na ako. Halos kilala ko na guards dito pati na rin mga nurses and doctors.

But today was exceptionally odd.

I was going to the cashiers office to check on something. I am nervous for no definite reason . Ang weird lang kasi, nararandaman ko lang to kapag may mangyayaring di ko gusto. O baka napasobra ako sa coffee kanina, e full black pa naman iyon. Ah, sa coffee siguro ito!

"Hi, Miss excuse me. Can I get ..."

I was speechless.

He's here...

It's been six years already since we broke up and I never knew this day would come...

Hindi ko naman kasi siya naiisip lately. Oo naiisip ko parin siya pero di sa mga nakalipas na buwan.

I stalk him from a far and he's looking great from that white coat on.

Napukaw lang ang attention ko nang tawagin ako ng babae sa counter.

"Sorry miss. Uhm... can I get uhm. Sorry nakalimutan ko kung ano kukunin ko eh."

Dali-dali akong naglakad papuntang rest room.

Sinarado ko agad ang pinto sabay ang pagpatak ng luha ko. Hindi naman ako iyakin pero iyong mata ko bigla biglang nagtutubig.

Kaya pala iba ang feeling ko kanina so, this was it?

Naghilamos lang ako at nagpakalma ayaw ko na siyang makita. Kung kaya kung umiwas ay iiwas ako.

Naglalakad na ako papuntang second floor. Sa dialysis center ang tungo ko. Pupuntahan ko lang si Keir kanina pa iyon nag hihintay sa akin e mainipin pa naman iyon.

"Ang tagal mo! Saan ka ba galing?" Keir

"Sorry Doc. Tara na?"

Kaibigan ko si Keir. Nag iisang kaibigan! Nakilala ko siya sa isang therapy session ko. Actually sabay kami noon, I was clinically diagnosed with depression at siya rin. We share the same story kaya nagkamabutihan kami. Pareho din kaming aloof sa tao pero siya introvert talaga. Ako naging aloof lang ako after nong nangyari.

***

Kevin and I were together for 10 years. Simula high school hanggang nag college ay boyfriend ko na siya. Sabi ko nga nong grumad- duate kaming college ay siya na ang lalaking papakasalan ko. Syempre lahat naman ata hangad na iyong boyfriend/girlfriend nila ngayon ay for marriage na. Motto ko nga "We date for marriage." Sobrang perfect lang ng relasyon namin. Kami iyong couples na relationship goals kumbaga. I was there in his every milestone. Tanda ko pa byumahe pa akong manila dati when I knew he got accepted sa UP med just to celebrate. Ang dami kong ginawang masasayang alaala kasama siya. Kasama ko rin siyang tumupad sa mga pangarap ko. We're both pharmacist kasi kaso lang, siya gustong mag medicine ako gusto kong mag business. I remember him helping me all throughout sa pag process ng BIR and other needs ng Pharmacy ko. He was there all along.

We're each other's companion especially during down times. I was there pa nga when he lost his father from cancer. Grabe may lagnat pa ako non pero nag travel talaga ako from Mindanao to Cebu just to be with him. Kasi mas kailangan niya ako at hindi pweding wala ako ron.

We were okay. I thought so.

Not until a year after his father died. A part from him died along with it. Second year med student na siya that time. Ang layo pa nang Manila at Mindanao sobrang pahirapan ang long distance relationship. Pero sabi ko ilalaban ko ito kasi nga I was sure na siya na!
Ang store ko binilin ko sa kapatid ko to managed kasi nagpupunta akong Manila just to visit him.

My Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon