Day 2:

7 0 0
                                    

Hmmmmm...... GOOOOOOD MOOOORNING Israel!! Haays. Super sarap talaga dito. Umaga na at maliligo muna ako bago kami bumababa para magbreakfast kasi today pupunta kaming Orphanage. Nakakatuwa naman. Osya ligo muna ko. 

After kong maligo, nagsuot lang ako ng White shirt at shorts tas naglagay ako ng longsleeve sa bewang ko with matching Pink vans. HAHA Ready to go na! 

Sabay na kaming bumaba ni Shekinah ewan ko lang sa mga boys kung nasan na. Pagbaba namin lahat pala sila nandun na sa table at kami nalang ang hinihintay. 

"Oh, hi girls Goodmorning!"- Tita Juvi

"Hi tita, goodmorning din po." sabi ko with matching big smile pa yan. HAHAHA

"Mukang maganda ang tulog nyo ah."- Ptr. Alzor

"Oo nga po e. Ang lamig po kasi HAHA"- Shekinah

"Good. Kaya mamaya dapat mataas ang energy nyo kasi mga bata ang pupuntahan natin. Ok ba?"- Ptr. Jon

"Opoooo!" Sabay sabay naming sabi.

Kumain na kami ng breakfast. Grabe ang sasarap! Parang ayoko na ngang tumayo sa upuan ko e. HAHAHA joke!

So yun after namin mag breakfast, Aalis na kami papuntang Orphanage. 

Habang nasa byahe tinitignan ko lang yung mga pictures ko sa phone. At bigla kong nakita yung picture namin ni Dj gabe di ko maimagine na makakasama ko sya at more makaka-close ko sya. Ang sarap lang sa feeling kasi yung dating tinitignan mo lang sa malayo e ngayon ang lapit na. <3

Habang ang lalim ng iniisip ko e hindi ko namalayang kinakalabit na pala ko ng destiny ko. Waaaaah!

"Pst. Jha tara na nandito na tayo. Ok ka lang?"

"Aaah, ee Oo ok lang HAHA sensya na!"

"Tara na?"

"Tara!"

Nauna na syang bumaba ng Van mygod kinikilig ako! Pagbaba ko Waaaah! Tama ba to? Kinuha nya yung kamay ko at tinulungan akong makababa. Shoooocks! :""""""">

Nandito na kami sa Orphanage dito namin uumpisahan ang aming First Mission, Kung saan magtuturo kami ng Word of God sa mga bata na nandito sa ampunan. Nakakatuwang makita sila na hinihintay ang aming pagdating. HAHAHA 

Nagsimula na si Ptr. Alzor na magturo sa mga bata. Habang kaming apat ay busy sa pag-alalay sa mga bata. After magturo ni ptr. Tuturuan ko naman sila ng isang sayaw pero madali lang! Hehe. Pagkatapos nun papakainin na namin sila. At last ibibigay na namin yung gifts na hinanda namin para sa kanila. At dyan natatapos ang aming mission.

Tapos na at nandito kami sa isang upuan na mahaba sa Garden ng Orphanage nakakapagod pero lahat ng yon mawawala ng makita namin yung ngiti ng mga bata kanina. :) 

"Oh, mga bata dito muna kayo ah o gusto nyo magliwaliw muna kasama yung mga bata sa loob. Kakausapin muna namin yung head ng Orphange na ito. Ok" Sabi ni Ptr. Jon 

"Sige po Dad sa loob muna po kami. Tara Guys!" Paga-aya samin ni DJ

Pumasok muna kami sa loob, at nakipag kulitan sa bata bata doon. Ang sasaya nilang tignan. Pero may isang bata na naagaw yung pansin ko. Isang batang lalaki na malungkot sa isang sulok kaya nilapitan ko sya. 

"Hi?" Sabi ko 

"Aaa,,He...hello po?" Nahihiyang reply ng bata sakin.

"Anung pangalan mo?"

"Niko po."

"Ah ako naman si ate Jazz. :)"

"Bakit ka malungkot? tara dun oh makisali tayo kila Kuya Dj naglalaro sila oh."

One week with Mr. DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon