Prologue

17 0 0
                                    



Such a beautiful scenery. I watched the sun fall behind the horizon and listened to the calming sound of the waves crashing against the rocks. I felt so relaxed just by staring at the view in front of me.

Tumingin ako sa coco crush watch ko. It's already 6:10 pm. Napangiti ako kasi hindi ko na-miss yung pagkakataong ito. Since bata pa ko, mahilig na ko manuod ng sunset. Dati, dapat before 6:00 pm wala na ko ginagawa. Gumagaan pakiramdam ko 'pag nakatingin sa langit lalo 'pag sunset na. Mas lalo akong napangiti nang may dumaan na airplane. Ang sarap sigurong lumipad ng ganitong oras. Hindi ko pa kasi nararanasan magkaroon ng flight na papalubog na yung araw. Mas maganda siguro yung view sa taas 'pag ganitong oras.

"Mama, gusto ko maging flight attendant paglaki ko!" Napalingon ako sa batang nagsalita. I think she's at around 6-7 years old.

"Nako anak delikado maging flight attendant. Sigurado ka bang ayon ang gusto mo?" Pinisil ng nanay ang pisngi ng cute na bata.

Yumakap sa kanya yung bata at tumango. "Opo mama gusto ko kahit delikado basta magawa ko po yung trabaho ko,"

Napangiti ako sa naririnig ko mula sa bata. Grabe paano niya naisip yung ganong bagay sa edad niyang 'yon. Sa ganong edad ko, wala pa ata akong pangarap na trabaho hahaha. Ang alam ko lang makipag laro sa mga bata at mag aral. Nung mga grade 9 lang ako nakapag decide ng gusto kong maging trabaho. At 'yon ay maging flight attendant.
'Yon lang ang pangarap kong trabaho wala nang iba.

"F.A. Milaaaa!"

Oh my gosh. Bakit andito to?! Bago pa ko makatayo, natulak niya na ko. Nalagyan tuloy ng buhangin damit ko. Punyeta talaga 'tong babaeng 'to.

"Gaga ka namiss kita! Ba't ka andito?" Siya pa talaga nagtanong.

"Ay bakit bawal ba 'ko dito? Sayo ba 'tong resort na 'to?"

"Alam mo babae ka walang pinagbago sayo. Hala sige sungitan mo pa 'ko. Ako na nga 'tong nakamiss sayo, ayaw mo pa," Inirapan niya ko at nagpout. Humarap siya sa dagat.

Binatukan ko siya. "Ano ba! 'Wag ka na mag inarte dyan Xena. Di bagay pramis!" Hindi niya ako pinansin.

"Luh gurl. Namiss din kita 'no. Ba't ka pala napadpad dito? 'Di ka naman beach girl. Bitch lang," Sabi ko habang kinakalabit braso niya.

"True bitch lang hihi," Humarap siya sakin. "Ano kasi sis may jowa na 'ko. Actually kasama ko siya ngayon. Gusto ko kasi marelax kaya sinuggest niyang mag beach kami," Kinikilig niyang kwento.

Kaya pala blooming ang isang 'to. She's Xena, my best friend since birth. Our mothers are best friends as well. We grew up together kaya kilalang kilala na namin isa't isa. She's also a flight attendant but different airline. Nagpaplano siyang lumipat sa airline company ko para magkasama kami tuwing layovers if ever magkapareho ng schedule.

"Edi ikaw na may jowa! Flex mo pa sa mukha ko. Okay lang naman ako," Hinila ko buhok niya nang slight. Slight lang baka makalbo ko ih.

"Sure? okay ka lang? Hahaha! Ay may kasama siya right now kaya 'di ko kasama. Wait papuntahin ko para mameet mo," Tinaas baba niya kilay niya. Ang laki pa ng ngiti niya. 'Kala mo nanalo sa shopee.

"Pogi ba kasama non sis? Baka naman. Uso reto ngayon," 'Di naman sa jowang jowa na 'ko ah pero parang ganon na nga. Slight lang hehe. Tagal ko na kaya walang jowa kakasawa na. I pil so loneleh.

"Ay oo sis bet na bet mo 'yon! Sarap jowain non mukhang yummy ih," Ba't may kasamang paghampas? Inaano ko ba siya jusq. Inirapan ko na lang siya at nilaro na lang buhangin.

Maya maya tumayo na si Xena. Kumakaway sa kung sino sa malayo. 'Di ko naman makita wala akong suot na contact lenses e. Nakikita ko lang dalawang lalaki pero 'di ko maaninag yung mukha. Hirap ng may malabong mata 'di madaling makakita ng pogi. Binaling ko na lang ulit yung atensyon ko sa buhangin. May mga nakuha akong shells sa ilalim kaya inipon ko na lang sa side.

Napatigil ako nang may maamoy akong familiar na amoy. Mayroon na 'kong naiisip na tao pero sana mali ako. Ayokong tumingin baka tama yung hinala ko. Bumibilis tibok ng puso ko punyeta. Hindi ko na nga lang papansinin. Bahala na Lord!

"Mila, si Keanu, boyfriend ko." Tumingin ako sa lalaki. He's familiar. Siguro nakita ko na siya dati somewhere. Matangkad siya, moreno, matangos ilong, clear skin, thick eyebrows then broad shoulders. I smiled at him and waved my hand.

"Hi nice to meet you, Mila," He smiled then offered his hand. Nakipagshake hands naman ako. "Kaibigan ko nga pala. This is Trevor."

I looked at him. Tama nga ako. Siya nga. Nang magtama ang tingin namin, bumilis na naman tibok ng puso ko. He looked surprised too. Hindi ko alam ang gagawin ko at this point kaya ang pinakadabest na kaya kong gawin ay ngitian siya. He did the same. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at tinignan nang masama si Xena. Bakit 'di man lang niya sinabi? My gosh. Ang awkward ko tuloy.

Lumapit ako kay Xena at bumulong, "Gaga ano ka ba? Ba't siya pa?" Kinurot ko ang tagiliran niya. She just smiled at me and shrugged her shoulders. Grabe 'di pa naman ako nakaayos ngayon. Ang haggard ko tignan letse!

Umupo na lang ulit ako. I stared at the sky. Ang daming questions sa utak ko. Why all of a sudden? Bakit kailangan pa namin magkita ulit? Anong purpose nito? I thought he doesn't want to see me anymore. Bakit siya nandito? What if we keep bumping into each other? Ugh! I hate this feeling. Nababaliw ako kaiisip 'pag ganito e. Si Xena kasi ang epal! Kakalimutan ko na nga lang yung nangyari. Iisipin ko na lang na 'di ko siya nakita. Oo tama ganoon na lang. Tsaka ba't ko naman siya iisipin pa? I don't care about him anymore duh. Wake up Mila! Wala nang kayo matagal na so keep him out of your mind. We're strangers after all.

Naputol ang pag iisip ko nang tumawag si Gabriel. Sinagot ko agad ang tawag.

"Hello Camila? Nasaan ka na? 7:00 pm na oh," Nag aalala niyang tanong. He called me by my first name so he's probably worrying. Gabriel is my best friend since 1st year college.

"Andito pa sa San Juan. Luh maaga pa kaya. Ba't ba?"

"Anong maaga pa? Wala nang araw tanga. Mag oovernight ka ba dyan? Kung oo, 'wag na mukha ka lang tanga dyan mag isa. Wala ka namang jowa," Sabi niya habang tumatawa.

"Bobo tingin mo mag oovernight ako dito mag isa? 'Di ako loner pre. 'Wag mo 'ko itulad sayo. Uuwi na nga 'ko now na. Miss mo 'ko masyado e,"

"Okay sige na. Drive safe pre miss na nga kita," He ended the call. 'Di ko binibigyan ng malisya yung pagkamiss niya sakin. Ganoon naman kami sa isa't isa. We're very open about our feelings for each other.

I kissed Xena on her cheek before standing up. "Sis una na ko. Tumawag na si boss Gab." Natatawa kong sabi.

"Ayan. Ganyan kayo e mga nang iiwan. Sige na, layasan niyo na ko. Pati sarili kong jowa iniiwan ako. Magsama sama kayo!" She crossed her arms at tumingin sa malayo. "De joke lang. Bye sis ingat I love you! See you around," Hinalikan niya rin ako sa pisngi at niyakap.

"Wag magpabuntis ha. Masyado pang maaga para maging ninang ako hahahaha! I love you too," Tumawa na lang siya at binelatan ako. Gaga talaga.

Ang sarap ng hangin. Sarap pa sana magstay dito kaso wala naman akong kasama pauwi. Delikado na mag maneho lalo na't malayo pa condo ko. Nag bend ako at chineck yung gulong para safe. Pagkatayo ko, parang may nafefeel akong nakatingin sakin. Tinignan ko yung paligid, wala naman. Baka dahil lang sa antok 'to. Papasok na sana ako sa kotse nang may nagsalita.

"Ingat."

Agad akong lumingon. Hala! Wala namang tao. Natatakot na 'ko ah. 'Di nakakatuwa mga sis! Pumasok agad ako sa kotse at inistart yung kotse. May multo ba dito? Jusq. Ayoko naman makakita ng multo lalo na masapian.

Nakarating ako sa condo ko around 9:30 pm. Mabuti walang traffic. I texted Gab and Xena as soon as I got home. Napagod ako sa pagdadrive. Ginawa ko na ang skincare ko at natulog na.


Lord, sana 'di ko na siya makita ulit.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon