Una

2 0 0
                                    


"Una at Huli"

Bago tayo mag-umpisa magpapakilala muna ako , ako nga pala si John , yan madalas nila itawag sa akin pati sa klase ganyan tawag sa akin. Ikukwento ko lang ngayon yung una at huling pag-ibig ko. Dati di ako naniniwala sa forever lalo na sa panahon ngayon madami na manloloko pero dun ako nagkamali. Umpisahan na natin yung storya.

Isa lang akong highschool student noon mga senior high school sa paaralan ng STI , alam nyo naman na ibig sabihin nyan kaya di ko na sasabihin. Doon natagpuan ko yung babaeng nagpatibok ng puso ko , si May . Una ko siyang nakilala nung 1st day of class , sa flag ceremony . Nakita ko siya parang nag slomo yung oras as-in like super bagal at siya lang nakikita ko , love at first sight tawag nila dun at yun nainlove na ako agad agad agad . Nakita ko siya kasi pagkakataon nga naman nasa maling pila pala ako , sa ABM na pila ako imbes sa ICT kasi ICT ako , akalain mo yun pagkakataon nga naman . At yung mga panahon na yun torpe pa ako kaya di ko natanong ano pangalan nya , natapos nalang yung flag ceremony ng di ko man siya nakausap o nakapag hi man lang

Ilang buwan lumipas

Nalaman ko nadin pangalan niya , nalaman ko sa nililigawan ng kaibigan ko kasi magkaklase pala sila then yun nga , kauwi ko ng bahay agad ko siyang i-add sa facebook kasi dun lang ako matapang at ilang oras lang inaccept ako agad wooh *heart palpitate , so chinat ko siya agad ng "hi salamat sa pag-accept" then ayun excited pa ako sa reply nya kasi baka iignore ako eh , at boom nagreply na nga sabi nya "welcome haha" *laughing ,oo alam ko ambabaw lang ng kaligayan ko kasi nagreply yung crush ko *wahaha atleast ako pinansin yung iba dyan hindi *boooom joke lang *hehe , at dun na nagumpisa nagpakilala ako sa kanya nagkakatuwaan pa kami.

Lumipas isang buwan

At tang*na napakatorpe ko may buwan na nga kami naguusap pero di ko parin kaya siyang kausapin personal. Nagkikita kami sa school pero hanggang tingin lang ako di ko man lang siya malapitan , at share ko lang may mga lumalapit din sa kanyang boys kaya nagseselos ako , sarap paguumpugin sa pader *feel me guys. Nagplano ako kung paano ko siya makakausap , chinat ko siya ng gabi sabi ko sa kanya punta siya sa Valentines para magkasama kami at same shirt suot namin , kasi uso yun kapag sa school eh may color coding kapag black single kapag red in love at etcetera , sabi ko sa kanya ,

Me: hey punta ka bukas ah valentines

Her: wala naman gagawin dun eh wag na

Me: punta ka , para magkita nadin tayo , ang liit lang ng school pero di pa tayo magkita , suot tayong kulay black haha
Her: sige bahala na

Kinabukasan

Kinakabahan ako syempre kasi una naming pagkikita , hawak hawak ko phone ko habang nakaupo sa hagdan ng school hinihintay message nya ,tapos tanghali na wala pa siya minessage ko siya kung nasan ba siya kasi inaabangan ko siya sa hagdan kinakabahan pa ako sobra , tas ayun sabi niya di daw siya makakarating kasi wala naman daw gagawin , ang sad noh umasa akong pupunta siya pero wala man lang akong napala , natapos nalang yung valentines na kinakausap ko lang siya sa phone.

Time by time nagiging close na kami sa isat isa ket sa chat palang kami naguusap

Then isang araw naglakas loob na ako , sh*t yung tuhod ko nanlalambot *hahaha , uwian na nun tas ako hinihintay ko siya sa labas , bawat taong lumalabas nakikita ko at siya hindi ko padin nakikita habang tumatagal lalo akong kinakabahan , yung tuhod ko mas lalo pang nanlalambot . at eto na nga *take a deep breathe , nakita ko na siya bumagal ulit yung oras dahan dahan siyang bumababa ng hagdan at yung mata ko nakatitig lang sa kanya , first time ko siya makakausap personal at super kabog ng dibdib ko , para akong may zoo ng daga sa dibdib *hahaha , then ayun na nga magkaharap na kami at ni di ko magalaw binti ko at di ako makasalita *hahaha tas nagshake hand kami , yung masayang part sa shake hand yung di ko na mabitawan kamay niya hahaha nakatingin lang ako sa kanya at di ko namalayan hawak hawak ko pala siya . Im so happy that day , at yung araw na yun sabay kami umuwi , sumakay kami sa jeep at tinanggal ko na yung hiya ko pero nanginginig parin kamay ko , nagkukwento ako about sa sarili ko sa kanya sa jeep hanggang makarating kami sa lugar kung saan siya sumasakay pauwi , dalawang sakay kasi siya ng jeep eh bali hinatid ko lang siya sa sakayan ng jeep , at nung sasakay na siya niyakap niya ako , wooohhhh niyakap niya ako oo men niyakap niya ako , para akong bata sobrang saya , di pa ako nagkagirlfriend at di ko alam yung pakiramdam ng mayakap ka ng taong gusto mo , mas lalo akong nainlove ang bilis ng tibok ng puso ko . at ayun nakasakay na siya pauwi habang ako naglalakad pauwi matapos ko siyang ihatid malapit nadin bahay ko sa sakayan niya eh . kauwi ko sa bahay para akong baliw na nakangiti abot langit yung ngiti parang di na makakangiti bukas *hahaha

Agad ko nun siyang chinat at nagpapasalamat kasi sa wakas nagkita din kami at .... 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Una at HuliWhere stories live. Discover now