Four

27 1 0
                                    

Classroom

ELONAH POV

Ang tagal naman ng baklang yun! Kanina pa ako dito ang aga ko na nga HAHAHA. Asa babaan ako ng jeep dito malapit sa parking lot school.

Nabigla ako dahil may biglang kumalabit sakin. Isang poging nilalang! Si Vinceee! Wahhhh!

"Uy! Nakita mo ba si bakla?" Tanong niya.

"Wala pa sya, hinihintay ko nga eh." Sagot ko naman. "Bakit mo pala sya hinahanap?" Pahabol kong tanong. Nagkakamot pa sya ng batok. Tanginaaa bat ang pogi niya sa part na yun!!!

"Ah kasi kukunin ko lang sana uniform ko. Eh baka pagalitan nanaman ako ni ma'am." Oo nga nakaputi lang sya pero bagay na bagay naman.

"Andyan na yun mamaya" sagot at tinignan ko ang phone ko 7:15 na.

"Sige hintayin nalang natin." Sabi niya at umupo sa may bench. "Upo ka muna kanina ka pa nakatayo." Napalingon ako sa sinabi niya. Wait? Diba sabi ni Bakla demonyo to? Bakit ganyan siyan mas lalo syang pumopogi!

"Ah okay lang sanay na ako" at maya-maya ay biglang dumating ang jeep at sa wakas andito na si Victoria Secret. May hawak hawak syang paperbag yun na siguro ang uniform ni Vince.

"Hayss! Salamat naman at dumating ka!" Bungad ko sa kanya HAHAHA diba walang pa Good morning HAHAHA.

"Good morning din. Bwesit ka HAHAHA! Natatawang sabi niya. "Oh asungot uniform mo!" Sabi niya habang inaabot ang paperbag kay Vince.

"Sinong asungot? Ako? Ikaw nga bakla eh!" Sagot naman ni Vince sa kanya. OMG! Bakit sakin ang bait bait mo ha? Syempre babae ako HAHAHA.

"Oo! Ikaw nga." Sabay kuha sa kamay ko "Tara na bakla pasok na tayo" at tuluyan naming iniwan si Vince dun.

----------------

VICTOR POV

Lunch Break

Nakakastress naman tong umaga na to may pa quiz agad wala pa ngang tinuturo HAHAHA. Sabagay Pre-assesment palang naman para sa advance lessons namin, pero basic lang naman kasi parang tinuro na nung elementary yun dati eh.

BTW, andito kami ngayon sa may isang fast food chain (kayo na bahal kung saan niyo gusto) at nakapila kami ngayon ni Elonah.

"Uy bakla ano order mo?" Tanong sakin ni Elonah habang tumutingin rin ako sa may menu sa taas.

"Isang Chicken with rice lang at Float, nagtitipid ako ngayon. HAHAHA" Sagot ko sa kanya pero ngayon lang talaga kami nagfast food kasi may meeting daw ang buong faculty mamayang 1 kaya okay lang malate.

"Okay ganun na din sakin" sabi niya.

After namin umorder ay naghanap na kami ng upuan at hinintay ang order namin.

After 3 minutes and 47 seconds dumating na ang order namin pero nakakapagtaka dahil parang andami ng dumating samin.

•2 Chicken with rice meal
•2 Float
•2 Sundae
•2 Large Fries
•2 Burger
•2 Milktea na nakatake out

"Ate hindi po namin to order. Maling table po ata." Sabi ni Elonah sa Crew.

"No ma'am. May nagorder po kasi at wag ko daw sabihin kung sino eh di ko naman po kilala yun basta ipunta ko daw po sa table nyo." Sabi ng crew. "Enjoy po!" Dagdag niya at umalis na.

"Bakla sino naman may pakana neto?" Nagtatakang tanong sakin ni Elonah. Naisipan kong buksan ang messenger ko at tignan natin kung tama ang hinala ko.

"Wait" sagot ko sa kanya at tinignan ang messages ko.

MESSENGER

I love you AGAIN (On-going)Where stories live. Discover now