MATTHEW stopped his dark grey wrangler jeep in front of a three-story apartment, just three blocks away from the University where he goes to college and parked at a visitor parking space. Bumaba siya ng jeep pagkakuha ng backpack. Luminga siya sa paligid, abala ang mga estudyanteng nangungupahan sa apartment na magsilisan pauwi sa kani-kanilang probinsiya o tahanan.
He knew Robby was doing the same thing, excited na rin itong umuwi papuntang Cagayan, iyon ang hometown ng angkan nito. Nagmadali na siyang umakyat sa hagdanan paakyat sa ikalawang palapag. Anim na kuwarto ang naroroon-tatlo sa kaliwa at tatlo rin sa kanan, magkakatapat ang mga iyon. Sa huling pintuan sa kanan siya tumigil at pakatok na sana siya nang kusa iyong bumukas.
Nagulat pa ang kaibigan nang makita siya, nakasukbit sa balikat ang malaking sports duffle bag na kulay asul na gamit nila sa basketball.
"Hey!" Matthew waved and went inside his friend's room.
"Hey?" Sumunod ang paningin ni Robby sa kanya, may pagtataka. "Ba't ka narito?"
Umupo siya sa mahabang sofa na gawa sa soft fabric at kulay maroon.
"Paalis na ako e, wala na iyong room mate ko, maagang umuwi for the sembreak." Tukoy nito sa isa pang kasamahan sa unit na okupado ang isa sa dalawang kuwartong naroon.
"Alam ko. Pahiram muna nitong unit ninyo. Iwan mo na 'yong susi sa akin, kunin mo pagbalik mo. Pahiram na rin ng tv at dvd player."
Kumunot ang noo nito, pagkuwa'y ngumiti. "Darating ba si Alexandria?" sa marahan nitong pagsambit, animo nananantiya.
Ngumiti siya, bago tumango.
"Iyon!" Sabay hambalos ng kamay sa hangin at tumawa. "D-day na ba?" Tumaas-baba ang mga kilay nito, nanunudyo.
Tumawa lang siya. "Gago. Hindi. Date lang. Manonood lang kami ng movie." Binuksan niya ang zipper ng back pack at may hinugot na disc, ipinakita iyon sa kaibigan.
"Ano 'yan?" Kinuha nito iyon at tiningnan. "The Notebook? Ano ito? Sembreak na a, ang aga namang study session nito."
Hinablot niya ang disc. "Tanga. Movie 'yan sabi e. Umalis ka na nga bago siya dumating."
"Teka, porn?" Lalo pang nanukso base sa pagkakangisi.
"Gago ka talaga, hindi! Romance nga raw e."
"Iba na talaga ang may girlfriend, pa-romance-romance ka na lang e." Robby continued to tease.
Hinablot ni Matthew ang susi mula sa kamay ng kaibigan bago ito itinulak palabas ng pintuan. Sinipa pa niya ito sa puwitan bagama't pabiro lang. "Happy trip." Kaway niya.
"Hindi ka talaga makapaghintay ano? Manyakis ka e." Pabiro rin ni Robby habang pababa ito sa hagdanan.
"Gago!" Tatawa-tawa lang siya na agad ding natigil dahil nasilayan niya ang mukha ng kasintahan paakyat at pasalubong kay Robby.
"Hi Alexandria." Maamong pagbati ni Robby.
"H-hi." Nahihiyang sagot ni Alexandria, kapansin-pansin ang pamumula ng mga pisngi nito.
"A, ingat ka sa kaibigan ko. May baseball bat ako sa laundry room kapag kailangan mo." Ngiti ni Robby.
"Robby!" sigaw ni Matthew habang palapit sa kasintahan.
BINABASA MO ANG
Harlot
RomanceMATTHEW YAP is half-Chinese and half-Filipino. He was born to a conservative family, rich, and where family ties and tradition were an absolute reminder. He lived up to his family's good name and continued to do so until he met HER. The innocent lov...