Chapter 1

3 0 0
                                    

"Sir, nandito po ang daddy niyo." sabi ni George na naging butler na nila Harold for 20 years.

"Ano? Nandito siya? Bakit naman bigla-bigla?" nagulat si Harold nang marining ang sinabi ni George sa kanya.

Takot kasi si Harold sa daddy niya kahit malimit lang sila magkita, hindi niya maiwasang kabahan. Napakastrikto kasi nito.

Biglang bumukas ang pinto at bumulagta kaagad ang lalakeng may malaking katawan.

"D-daddy?? A-anong ginagawa niyo rito??" nastastammer at pinapawisan na nagtanong si Harold sa daddy niya.

"What the heck are you doing, Harold?! Pinaaral kita rito sa bansang 'to para tumino ka! Tapos malalaman ko na lang na nakabuntis ka?! Are you not thinking our reputation?! Our family is part of the politics! Ano na lang sasabihin ng mga tao? Na bobo ka? Walang disiplina?!" galit na sinabi ng daddy niya sabay hampas sa newspaper na hawak-hawak nito sa table gilid niya.

"I-it's not what you think dad!"

"Kausapin mo yang babaeng yan at ipaabort yung bata! Tapos iwan mo! Hindi sila tanggap ng pamilya! Sila lang sisira sa mga pangalan natin! Harold?! Ano bang pumasok sa isip mo?? You're only 17. Years will pass, you'll be the next king of England. You're Prince Harold! You're on a high profile!"

Si Harold lang kasi ang nag-iisang anak ng hari ng England, ang daddy niya. Prinsipe siya sa Englatera at kapag naging 20 na si Harold, ililipat na sa kanya ang trono ng daddy niya.

"What? Abortion? Dad, you're killing! Ipapapatay mo ang isang inosenteng bata na wala namang kinalaman dito? HELL NO! I love both of them! Pananagutan ko sila at kung maaari, I will decline to be the king of our country!"

"Iiwan mo siya o ako mismo ang pupunta sa babaeng yun at ipapahiya siya sa mga tao?!"

Hindi nakasagot si Harold sa banta ng ama. Natatakot din siya kung anong magagawa nito sa mag-ina niya. Makapangyarihan ito at lalo't pa na hindi rin alam ng mga tao sa bansang pinag-aaralan niya ngayon na prinsipe siya ng Englatera.

"As soon as possible, get the rid of her as well as the issue, get it?"

  *******

"Huwag ka mag-aalala baby ko. Dadating si papa. Wait ka lang ng kaunti, okay??"
kinakausap ni Jackie ang anak niya kahit nasa sinapupunan pa lamang niya ito. Naghihintay kasi siya sa ama nito. Sabi kasi makikipagkita raw ito sa kanya.

Importanteng-importante.

Nakaupo lang si Jackie sa isang bench ng park. Naghihintay na dumating ang ama ng anghel niya.

Biglang may dumating na lalake at pumunta sa kanya. Humihingal

"Harold?? Anong nangyari?? Bakit ka pawis na pawis? Tapos humihingal pa." napatayo siya ng dumating na ang taong hinihintay niya. Halatang tumakbo ito papunta sa park.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My 15-Year Old MommyWhere stories live. Discover now