Ako si Yllenaria Anastasia Monte at ito ang unang araw ng pasukan bilang 3rd year high school ko. Kasama ko ngayon si Shannara Rami Muñoz papasok sa school. Halos dalawang taon na rin kaming magkaibigan at masasabi kong kilala ko na siya talaga. Pareho kaming open sa isa't isa, no secrets kumbaga. Kapag may problema ako siya lagi ang nilalapitan ko at ganoon din siya sa akin. Kapag may maganda akong balita siya ang unang nakakaalam at ganoon din siya sa akin. Kaya masasabi kong kahit dalawang taon pa lang kami magkaibigan alam ko nang ito'y magtatagal.
Habang naglalakad kami nagsalita si Shannara, "Yam, kung sakaling magkaroon ka ng boyfriend h'wag mo kong kakalimutan. Alam mo naman na nandito lang ako palagi para sa'yo. Para bigyan ka ng advices, damayan ka, at syempre sabay tayong magiging loka-loka."
"Ano ka ba! Syempre naman hindi. Ikaw talaga Shan kung ano-ano na naman ang pinagsasabi mo. Minsan talaga napaka-random ng mga nasa isip mo."
"Naisip ko lang naman. Alam mo naman ikaw lang ultimate best friend ko. You know everything about me also, I know you, too, very well."
"O siya, halika na! First day na first day tapos male-late tayo."
Nakarating kami sa school at expected late kami sa first day of class. Tapos na ang flag ceremony at buti na lang nagsisipag-akyatan pa lang ang mga estudyante.
Naglalakad kami sa corridor at hinahanap ang room namin nang tawagin kami ng isa naming kakalase. "Shan! Yam! Dito room natin. Dalian niyo na bago pumasok adviser natin." Tumungo na lamang kami at nagmadaling pumasok.
"Good morning, class! Who wants to lead the prayer first before anything else?" bungad ni ma'am sa amin.
Nagtaas naman ng kamay ang isa kong kaklase at nagdasal ng Our Father pagkatapos ay nagpakilala na rin si ma'am sa amin. "Alam kong magkakakilala na kayong lahat pero gusto ko kayong makilala. So, I want you all to introduce yourself in front, with your name, what nickname you want to call you, and your ambition with your motto in life."
"After that, I'll arrange you alphabetically. Is that fine with you all?" dagdag niya pa.
Nagtaas naman ako ng kamay para sa suggestion. "Ma'am, what if you arrange us first alphabetically before we proceed to the introduction? I think that's better po para hindi na magkagulo."
Sumang-ayon naman si ma'am Lorraine Atienza sa sinabi ko at inayos na niya kami alphabetically. Nang ako na ang susunod na magpakilala agad naman nag-cheer si Shan sa akin. "Good day everyone! I'm Yllenaria Anastasia Monte. You can just call me Yam, short for my full name. Someday I want to be a CPA also, a Lawyer and my motto in life is if you want to achieve something you need to strive for it and make it happen but don't forget to have fun. Seize the day, everyone!" at umupo na ako pagkatapos.
"That's a very nice ambition and tagline of yours, Yam. Okay, next." Sumunod naman nagpakilala si Shan dahil magkasunod lang ang apelyido namin at gusto naman daw niyang maging isang Engineer. She believes that time is gold so you better spend your time enjoying those little things and make the best out of it.
Hindi ko napansin na may bago pala kaming kaklase siya ang huling nagpakilala. Si Nathaniel Kian Vazquez. Gwapo siya at ang baby face ng mukha niya parang hindi man lang tinubuan ng pimples pero mukhang hindi kami magiging close kasi parang suplado pero ang ganda ng ngiti niya kanina habang nagpapakilala siya.
"Now we know each other. I have a first activity for you. Group yourself in three, you can choose who you are going to be with. We're going to have charades, one is going to do the action and the other two will guess the word. The clue is all words are going to be part of our lessons in the coming days. So, good luck!"
Dalawa na kami ni Shan isa na lang okay na kami. Halos lahat okay na sa group nila at mukhang wala pang group si Kian. "Shan, wala pa yatang group iyong bago natin kaklase siya na lang yayain natin. Yayain mo na."
BINABASA MO ANG
My Ultimate Best Friend
Short StoryIto ay kwento ng dalawang magkaibigan. Mananatili kayang matatag ang kanilang pagkakaibigan kung may papasok na isang tao sa buhay nila? Basahin para malaman. ⊙.☉ This is just a one shot story. I wrote it way back 2020, Just wanna share it to you. H...