PARALLEL UNIVERSE

19 1 0
                                    

"Ang kulit mo naman Riri! Hindi nga kasi tama yung pagtugtog mo ng gitara." inis na sabi sa kanya ng binata, kitang kita kung paano magdikit ang dalawang kilay nito habang pinapagalitan siya.

"Ayan na naman kayong dalawa, nag aaway na naman kayo." pagsuway sa kanila ni Seokjin galing sa kusina ng kanilang bahay.

"Kuya! Kasi itong si Jungkook, nangingialam. Eh hindi nga sabi ako marunong maggitara kaya ako nagpapaturo sa kanya." sumbong naman ni Riri sa kanyang nakatatandang kapatid.

Napa aray siya ng malakas ng pitikin ng binata ang kanyang noo at biglang tumayo paalis sa inuupuan nilang sofa.

"Kuya! Si Jungkook nananakit. Pauwiin mo na nga 'to sa kanila!"

"Hindi mo na kailangan sabihin. Uuwi naman na talaga ako. Pero yung gitara ko, ingatan mo. Bukas titignan ko ulit kung marunong ka na gumamit niyan." pagpaalam sa kanya ni Jungkook.

"Hindi ka na ba dito kakain, Jungkook? Wala pa sila tita, diba?" pagsita naman ni Seokjin sa kaibigan na palabas na ng kanilang bahay.

"Busog pa ako, tsaka nandun naman si manang sa bahay. Pwede naman niya ako ipagluto kapag nagutom ako. Hoy Riri! Yung gitara ko ingatan mo ha?" pagpapaalala muli nito kay Riri.

"Oo na. Hindi ko naman sisirain 'to. Umuwi ka na nga." mataray na sagot naman ng dalaga sa kaibigan na nasa harap na ng kanilang pintuan.

"Bye, Seokjin! Bye panget!" pang aasar ni Jungkook bago tumakbo palabas ng bahay nila Riri na tumatawa pa.

--

"Riri, lagi mo nakakasama si Jungkook diba? Hindi ka pa rin umaamin na crush mo siya?" tanong ni Athena sa kanya habang nakatambay sila sa hardin ng kanilang unibersidad.

"Wag kang maingay, baka may makarinig." sita nito habang tinatakpan ang bibig ng kaibigan na tumatawa lamang.

"Malapit na kasi graduation natin. Baka mamaya maunahan ka pa ng iba. Alam mo naman na maraming babae ang nagkakagusto kay Jungkook." pananakot nito sa kanya.

"Lagi naman niyang nirereject mga yun kapag umaamin. Baka pati ako mareject, nakakatakot." sagot nito sa kaibigan at bumalik sa pag inom ng juice na kanyang hawak.

"Pero Riri, ayaw mo pa ba talaga umamin? Sayang kasi, diba may balak pa naman kayong umalis ng bansa after ng graduation? Masasayangan ka talaga niyan." malungkot na sabi ni Athena sa kanya.

"Natatakot kasi ako. Tsaka mas okay na kung magkaibigan kami, diba? Mas matagal na relasyon ang meron." nakangiti niyang sabi ngunit may lungkot na nadarama sa puso.

--

Nasa loob ng classroom si Riri at nag aayos ng gamit para magready na umuwi ng lumapit sa kanya si Athena na parang kinakabahan.

"Riri, naaalala mo pa yung babae na umamin kay Jungkook nung isang buwan? Si Rhiane? " nanlalaking mata na tanong nito.

"Oo, bakit?" takang tanong ni Riri sa kaibigan.

"Gaga ka! Sabi sa'yo umamin ka na kasi. Magtatry na naman daw ulit ngayon! Puntahan mo na si Jungkook, ako na bahala-" hindi pa natatapos ng kaibigan ang sasabihin ay agad na siyang tumayo at lumabas ng room nila.

Naalala niya ang sagot ni Jungkook nung tinanong niya kung anong gagawin nito kapag nagtry ulit umamin si Rhiane sa kanya nung isang araw lamang.

'Kung magtatry pa rin siya ng isang beses, why not give it a try? Hindi naman mahirap magkafeelings sa ibang tao diba?'

Naiiyak, natatakot yan ang nararamdaman ni Riri habang iniisip kung nasaan na si Jungkook. Kinakabahan, kinakabahan siya na baka mawalan siya ng pag-asa na ipaalam kay Jungkook ang nararamdaman niya kapag naunahan siya ni Rhiane.

Sa tagal nitong paghahanap ay nakita niya si Jungkook at si Rhiane sa arki building. Sa likod ng garden kung saan sila laging nakatambay.

Lalapit na sana siya ng biglang nagsalita si Rhiane.

"Jungkook, isang chance lang. Kapag hindi nagwork, okay lang na iwan mo ako. Pero bigyan mo lang ako ng isang chance." nakayukong sabi ng dalaga na nasa harapan ni Jungkook.

Jungkook, please. Wag kang papayag. Please. 'Yan ang mga katagang paulit ulit sa utak ni Riri, humihiling na sana hindi pumayag si Jungkook.

"Parang nung isang araw lang tinanong ako ni Riri kung anong gagawin ko kapag umamin ka ulit sa akin." narinig niya pa ang mahinang pagtawag ni Jungkook bago hinawakan ang balikat ni Rhiane.

Pigil ang hininga. Naghihintay ng isasagot ni Jungkook. Ngunit parang may isang baso na nabasag ng marinig niya ang naging sagot nito kay Rhiane.

"Sige, pagbibigyan kita. Magpasalamat ka naready na ako ng kaibigan ko bago pa magsimula ang lahat."

Riri, huli ka na. Nahuli ka ng dating.

--

"Grabe! Ang tagal din nung huli tayong nagsama sama." natatawang sabi ni Hoseok sa kanyang mga kaibigan.

"Eh paano kasi itong magkapatid na Seokjin at Riri, lumipad agad papuntang UK after ng graduation natin." natatawang sagot ni Athena at tumabi kay Riri na tahimik lamang na nakikinig sa kanila.

"Kaya nga, hindi tuloy nakapunta sa kasal ni Jungkook at Rhiane." natatawang sagot naman ni Jimin.

Napatingin naman si Athena sa kaibigan, alam niyang awkward iyon para kay Riri kaya agad siyang nagsalita.

"Maglaro na lang tayo. Hoy Jungkook, sumali ka dito. Sabihan mo 'yang asawa mo na mamaya na tumawag at safe ka naman dito." masungit nitong sita kay Jungkook na kanina pa nakababad sa cellphone.

"Pangalanan natin yung laro na Tell Me Your Secret. Kapag natapat sa inyo yung bote, sabihin ninyo ang sikreto ninyo na hindi pa namin alam. Game?" suhestiyon ni Namjoon at pumayag naman ang lahat, maging si Riri.

Makatapos ang ilang ikot ay natapat ang bote kay Jungkook na kanina pa tumatawa dahil sa mga sikretong kalokohan ng mga kaibigan.

"Okay Jungkook, anong sikreto yan?" taas babang kilay na sabi ni Hoseok.

"May sikreto akong hindi nasabi kay Riri noon." buntong hininga na sabi nito. Agad naman nitong nakuha ang atensyon ng dalaga na kanina pa tahimik.

"Ang sikreto ko, nagbreak kami dati ni Rhiane dahil ikaw talaga ang gusto ko pero umalis kayo ni Jin para pumunta sa UK. Pero natutunan ko rin naman mahalin si Rhiane habang wala ka. Sayang lang, ikaw yung babae na gusto ko pakasalan noon kaso natagalan ka ng pagbalik. Tsaka natakot din akong umamin sa'yo. Pero okay lang masaya naman na kami ni Rhiane ngayon." pag amin nito sa kanila at napangiti ng mabanggit ang pangalan ng kanyang asawa.

"Riri." mahinang tawag sa kanya ng katabi niyang si Athena na sinagot lang ni Riri ng malungkot na ngiti.

Parang panibagong sugat sa puso ang ibinigay ng sikretong ibinunyag ni Jungkook.

Napakagaling nga naman at oras ang naging kalaban nila. Pareho nilang mahal ang isa't isa ngunit pareho rin natakot magsabi ng tunay na nararamdaman hanggang sa maging huli na ang lahat.

BTS SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon