The Meeting

132 3 0
                                    

[COINCIDENCE]

" Miss, sorry hindi ko sinasadya." sabi ng lalaking nakabangga sakin

Nalaglag lahat ng binili ko sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakabangga niya sa katawan ko.

" Ano ba?! Bulag ka ba na hindi mo makita dinadaanan mo o tanga ka?! sigaw ko sa kanya. Pinagtinginan naman kami ng maraming tao sa loob ng mall.

Biglang siyang nawala sa harapan ko na parang walang nangyari. lecheng lalaki yun, di manlang ako tinulungan.

Isa isa kung ibinalik sa supot yung mga nahulog at naglakad papuntang car park.

" Kate! geez, nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. san ka galing? tanong ni ynna sakin.

" Ako dapat nagtatanong sayo niyan! iniwan mo lang ako sa grocery store, bwisit ka!" naiinis kong sabi sabay talikod.

" Tinatawagan kaya kita hindi ka naman sumasagot." sabi niya.

Kinapa ko yung cellphone ko para tingnan kung totoo yung sinasabi niya.

" Sh*t! yung cellphone ko na snatch! nanlulumo kong sabi.

" Ano? paano nangyari yun?! tanong niya sakin.

" Halika na, sa bahay ko nalang ikwekwento. " sagot ko.

" Bili ka nalang ng bago, may pera ka naman kase. Kuripot ka lang talaga! Hahaha >:D sabi niya.

obsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon