Isang linggo nang comatose si Ynna dito sa Hospital. Simula ng araw na yun lagi na akong nasa tabi niya.
Bumukas ang pinto at iniluwa ang doktor.
" How are you related to the patient?" tanong niya sa akin.
" Kaibigan ko siya dok, kumusta ang kalagayan niya?"
" I'm sorry to tell you this, but your friend has a 50% chance to wake up."
sabi ng doktor.Biglang nanghina ang tuhod ko, konti na lang papatak ang mga luha ko.
" Wala na bang ibang paraan?"
" Kahit na magising siya, possibleng magkaroon siya ng tinatawag nating temporary loss of memory o amnesia." sabi niya sabay tap sa likod ko at lumabas ng kwarto.
Hindi ko kayang nakikita kang nasa ganyang kalagayan, wala akong magawa. Ano bang nangyari sayo? kailangan mong magising.
Amnesia. Kung mangyayari yan, paano ko malalaman kong sino ang gumawa nito sayo?
----------
[MARCO BUENAVISTA]
"Sir? Sir? Gising! Anong nangyari sayo sir?" Narinig ko ang isang attendant ng hotel na nagsasalita.
Naramdaman ko ang mga kamay niya na niyuyogyog ang magkabila kong braso. Binuksan ko ang mga mata ko at pakiramdam ko mabibiyak ang ulo ko sa sakit.
"Anong oras na?" tanong ko sa kanya. Tinulungan niya akong umupo sa gilid ng kama at nagpunta siya sa kusina, nakabalik siyang may hawak na baso ng tubig.
"9 am po sir. Ano po nangyari dito? Bakit po maraming basag na gamit?"
"Wala kang pakialam. Pakilinis ng kalat. Maliligo lang ako, pagkatapos mong maglinis makakaalis ka na."
Sinunod niya naman ang pinag utos ko sa kanya at pumasok ako sa banyo. Hindi pweding malaman ng iba ang ginawa ko kay Ynna. Kung kinakailangan ko siyang patahimikin, gagawin ko. Tinawagan ko ang matalik kong kaibigan sa States.