PSYCHIC ABILITY
Kakalabas ko lang ng village namin habang hawak-hawak pa ang phone at kasalukuyang nag-e-ml. Papasok palang ako sa trabaho ng pang-umaga.
Nang lalagpas na sana sa guard house ay narinig kong nagsalita muna ang gwardya'ng naka-duty doon. "Sa susunod kasi ay titingin ka sa lalakaran mo, ma'am." I just shrugged his words away dahil hindi naman ako ang kausap n'ya at nagpatuloy.
After a few minutes of walking, I bump into someone, making me tumble onto the ground. I glared at him who happened to be Gerome, my neighbor, and immediately walked away. "Tingin-tingin din kasi sa dadaanan."
Kainis naman 'yon, alam na naka-focus ako sa phone, hindi nalang s'ya umiwas!
Habang naglalakad papalayo, I remembered what manong guard said, making me have goosebumps. I froze at that thought and asked myself,
May psychic ability ba si manong? Hanla, creepy naman.
---------------
It's a one week vacation para sa'ming magkakatrabaho. Van ko ang ginamit ngunit ang katrabaho ko ang nag-drive papalabas ng village namin. Gusto ko sanang sabihing h'wag nang tumigil sa guard house dahil creepy si manong ngunit that would be so rude kaya hinayaan ko na lamang.
Nang tumigil ay agad kaming binati ng magandang umaga ni kuya guard. "Ingat kayo sa lakad n'yo, ma'am, sir. Sa susunod sana ay mag-imbak kayo ng maraming gas, kaya kayo nasisiraan e." Sa pagaakalang biro lamang ay agad s'yang tinawanan ng mga katrabaho ko at pumauna na. Ako naman ay nanatiling tulala at kinikilabutan.
Tae, kinakabahan ako!
After an hour or two ay bigla kaming nasiraan dahil sa overheat. Naayos naman namin kaagad yaon ngunit maya-maya ay naubusan naman kami ng gas.
Ending ay halos madaling-araw na kami nakarating at hindi na nakakain.
Walang nakaalala ngunit ako ay tandang-tanda ang paalala ni manong. Tae, minamalas buhay ko kay manong a!
---------------
Isang araw sa muling pagpasok ay namataan ko na naman si manong guard. Iniwasan kong hindi mapatingin sa kaba at dahil male-late na rin ako. Nang malapit kona sana itong lagpasan ay bigla s'yang nagsalita, "H'wag kang sasakay sa asul na bus, ineng, paalala lang."
Agad akong kinilabutan sa sinabi nito at hindi nagdalawang-isip na sumunod. Kahit magkanda-late late at pagalitan na ay tiniis kong magpalagpas nang halos tatlong bus na kulay asul para lamang makapasok sa trabaho.
Kinabukasan, nabalitaan kong may naaksidenteng bus sa lugar namin. Hindi na ako nag-abalang magtanong kung anong kulay n'on sa labis na kaba at takot.
---------------
Habang nakasakay sa bus at papauwi ay nakasabay ko si Gerome. Nagkwentuhan lang kami nang halos isang oras hanggang makarating sa village.
Sinabi nitong sasabay na rin s'ya sa akin sa paglalakad na agad ko namang pinahintulutan. Sino ba ako para hindian s'ya, 'diba? Kagat na rin naman ang dilim kaya mas mabuting may makasabay ako.
Nang makadaan sa guard house ay halos hindi na naman ako makatingin sa naka-duty na si manong. Iiwasan ko na sana ito ngunit bigla n'ya kaming binati ng magandang gabi. Bumati naman pabalik si Gerome ngunit pinagkatitigan lang s'ya ni kuyang guard.
Maya-maya pa ay muli na naman itong nagsalita, "Eat your dinner well, sir, baka mabulunan ka." Natawa naman ako nang mahina dahil doon.
Paniguradong mabubulunan 'to si Gerome, pfft. Ngumiti nang napakalaki ang kapitbahay ko at nagpaaalam na. Whoo, mabuti naman, hindi na ako halos makahinga doon e.
Habang naglalakad ay in-open ulit ni Gerome ang usapan. "Nakakain kana ba, Zuki?"
Tumango naman ako bilang sagot. "Oo, ikaw ba?"
"Wala akong balak, busog pa ako e."
"Aaah." Hindi ko na lamang ito sinagot at nagpatuloy muli para makauwi. Nang makarating sa masukal na daan ay agad akong natigilan. Teka..
Kung busog pa s'ya at walang balak kumain, para saan 'yung tinutukoy ni manong?
Agad na tumaas ang mga balahibo at lumakas ang pintig ng aking puso. Hindi kaya..
Magsisimula na sana akong tumakbo ngunit napatigil nang magsalita si Gerome, "Zuki,"
Hindi ko na ito nilingon pa at tumuloy ngunit agad n'yang nahigit ang braso ko. Sinubukan kong magpumiglas sa abot ng aking makakaya at sisigaw na sana nang bigla n'ya akong sikmuraan at buhatin papunta sa mas madilim na parte ng village. "D-Don't.. please."
"Sandali lang 'to, Zuki." He started kissing my bare neck, making me sob and plead.
Halos masuka na ako sa ngising nakapustura sa mukha nito lalo na nang banggitin n'ya ang huling mga kataga bago ako mawalan ng malay,
"This will be a palatable dinner, for sure."
•~•
Vios
BINABASA MO ANG
MONO SHOTS
General FictionA union of one-shot stories that just came from my random thoughts. pctto.