Matagal tagal na ring hindi ka nagparamdam. Naiintindihan ko naman yun.
Masaya akong kinamusta mo ako. Sobrang saya pero may bahid ding galit at lungkot.
Hindi ko namang maiiwasan na magselos diba? Natural iyon. Pero hindi ko maikakaila na ang hirap pala. Naninikip iyong dibdib ko. Sobra. Para mo na akong pinagtaksilan pero alam ko namang hindi mo magagawa iyon. Illusyonada lang kase ako masyado. Pasensya na.
Maganda siya. Sexy. Tinitingala. Perfect. I know I can't be like her. Pero hindi ko maiwasang magselos e. Ano ba naman kase ako? Simple. Simple. Simple. Iyan lang.
Hayy. Ang hirap naman. Magkahawak pa yung mga kamay niyo. Magkadikit. Ughhh! Sht. Nagseselos ako. Diba ako lang? Sinabi mo e. Correction: Pinaramdam mo lang pala. :(
Sapat na iyon. Pero I won't give up! Nadala lang ako sa selos. I'm sorry.
YOU ARE READING
Untouchable
RomanceHindi kita mahawakan. Hindi kita makausap. Hindi kita makita. Hindi kita mayakap. Wala ni minsan akong naranasan sa mga iyan. Kase nga untouchable ka.