LIBRARY (Location)
"Love .. may bago ka bang sulat na story?" tanong ni Lea kay Dan
"Oo love " nakangiting sabi ni Dan
"Tungkol saan? " tanong ulit ni Lea
"Tungkol satin " sagot ni Dan
"Ah.. ako dapat ang unang makakabasa niyan ah " pamimilit ni Lea
"Aba Oo naman " hindi siguradong sambit ni Dan
"Ilan na pala reacts nong last mong story love? " tanong ni Lea
"Hm... 1k na love " sagot ni Dan
"Sabi ko naman sayo ang galing mo eh " sweet na sabi ni Lea
"Hmm.. love kilala mo naman si Karen Manunulat di ba ? " tanong ni Dan
"Oo.. yung sikat na writer. . Bakit? " pabalik na tanong ni Lea
"Ah.. magcocollab kasi kami sa isang story " pagpapaalam ni Dan
"Ah.. ganun ba sige lang susuportahan kita kung san ka sasaya " -Lea
"Thank you love " - Dan
"I love y-" hindi na natapos ni Lea ang sasabihin dahil humarorot na agad si Dan palabas ng library
A month later
Hindi na nagkakasama ang mag jowa dahil kung may lakad man sila laging hindi nakakapunta si Dan dahil sa collab story nitong ginagawa wala namang magawa itong si Lea .
*BEDROOM NI LEA (location )
Nakahiga si Lea ngayon sa bed niya , kanina pa niya kino-contact si Dan pero hindi ito sumasagot kaya sinubukan niyang i-open ang account ni Dan pero pinalitan na niya ito ng password which is weird dahil pumapayag naman dati si Dan na hiramin ni Lea ang account niya ..
Nagsoscroll lang si Lea ng tumambad sakanya ang latest post ni Dan , ito yung collaboration nila ni Karen ... Binasa ko ang story ito ang tungkol sa dalawang nag-iibagang manunulat ngunit hindi naging madali dahil may humadlang na isang babae na patay na patay sa lalaki. .
May kung anong naramdaman si Lea may halong lungkot at galit pero pilit niyang binalewala ito at sinasabing hindi ito totoo pero gumuho ang mundo ni nang makita niya ang bagong post ni Dan ..
POST : "In a relationship status " naka-tag kay Karen Manunulat
Nagreact siya ng love at unang nagcomment ng 'congrats ' pero ang totoo gusto niyang sigurin ito ngayon pero naisip niyang sino ba sya? ..
Ex nalang pala siya. .
1 month later
*KWARTO NI DAN
Hindi pa rin maalis sa isip ni Dan ang ginawa niya kay Lea at ang pag react niya sa post niyang in a relationship. . Simula noong araw na yon hindi na siya kinulit pa ni Lea na bahagyang ikinalungkot niya. ....... hindi nagtagal ang relationship nila ni Karen dahil nagbago ito lalo na sa ugali ibang iba kay Lea
KINABUKASAN
Nagplano si Dan na kausapin ngayon si Lea upang humingi ng chance .... Pero nung papunta na sana siya sakanya hindi niya gustong maniwala sa nakita niya si Lea kasama si Kean isa ring writer at umalis sila sinabi niya sa sarili niyang magkaibigan lang sila at siya lang ang mahal ni Lea. ..
Nasa social media ngayon si Dan nang maisipan niyang i-stalk si Lea ngunit sana hindi nalang niya ito ginawa kasi
Nakita niya ito:"In a relationship status with Kean Writes " (1 week ago )
At nag change din si Lea ng profile pic kasama si Kean. .. hawak kamay sila habang may dalawang ice cream. .
Hindi lang yan ang masakit pati rin ang caption nitong :
"I LOVE YOU , MY WRITER BOYFRIEND "
Noon ay DAN ang tapos ng sentence na yan pero ngayon
"KEAN"
Hindi kinaya ni Dan kaya umiyak siya Nasa isip niya lagi na ;
I'm used to be her WRITER BOYFRIEND
But now I'm just her PAST WRITER BOYFRIEND