Pulang Laso

393 14 3
                                    

Naisipang mag bakasyon ni Alfredo Villa Real sa kanilang probinsya dahil sa stress na natatanggap niya sa kanyang trabaho. Ikaw pa naman ay maging CEO nang isang kompanya e, di ka mapapagod?.

Habang nasa daan siya pauwi sa kanilang mansyon, oo mansyon.

May nakasalubong siyang napakagandang babae. Nakasuot ito ng pulang dress, kapares ng bulaklaking sapatos. At ang lalo pang nagpaganda sa kaniya, ang pulang lasong nasa leeg nito.

Biglang may dumaan na sasakyan. Sabay sa pag-alis ng sasakyan, ay pagkawala rin ng babae.

Naisip niya na baka guni-guni niya lang iyon kaya nagpatuloy siya sa paglalakad.

Malapit na siya sa gate ng kanilang mansyon ng muling nagpakita ang babaeng may pulang laso sa leeg. Dahil doon ay ipinikit ni Alfredo ang kanyang mga mata upang siguraduhing hindi niya lang iyong guni-guni. Sa pagdilat ng kanya mga mata ay laking gulat niya ng makita niya parin ang babae sa harap ng gate. Dali-dali siyang lumapit dito upang itanong kung ano ang sadya niya at kung ano ang pangalan ng binibining nasa kanyang harapan.

"Ehem. Anong sadya mo, binibini?" Magalang niya tanong. Biglang humarap sa kanya ang babae. Ang maamo at malaanghel nitong mukha.

"Sabi kasi sa bayan na umuuwi daw dito ang makisig na binatang nagngangalang Alfredo. Nais ko sana siyang makita para mapatunayan ang sabi-sabi nila." Ani ng babae. Nabigla si Alfredo sa naranig niya. Kung gayon, siya pala talaga ang pakay nito.

"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?"

"Maari mo muna bang sabihin ang iyong pangalan, binibi?" Tanong ni Alfredo.

"Bettinala San Miguel ang aking pangalan. Bettina nalang. Maari mo na bang sabihin kung nasaan si Alfredo?" Sabay abot ni Bettina ng kamay niya kay Alfredo.

"Well, Bettina. Ang kaharap mo ngayon ay ang taong hinahanap mo." Biglang lumaki ang mata ni Bettina sa kanyang narinig. Biglang nanlamig ang kamay ni Bettina at nagsimula ng mamula ang kanya mukha. Hawak parin ni Alfredo ang kamay niya.

"Totoo nga.." Bulalas ni Bettina. Ngunit narinig ito ni Alfredo. Dahil dun ay ngumiti ng kaunti si Alfredo at hinalikan ang kamay ni Bettina.

Hindi makapaniwala si Bettina sa ginawa ni Alfredo. Kung kanina ay namumula ang mukha ni Bettina, ngayon ay pulang-pula na. Agad iyong napansin ni Alfredo. Kaya yumuko si Bettina.

"Dont look down. You're beautiful" sabay angat ni Alfredo sa ulo ni Bettina.

"Thank you" ang tanging sagot ng nahihiyang si Bettina.

--

Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan. Nagkapalagayan ng loob sina Alfredo at Bettina. At sa lumipas ng mga araw na iyon ay laging suot ni Bettina ang kaniyang pulang laso.

Isang araw inaya ni Alfredo si Bettina na magpakasal. Dahil para sa kanya, si Bettina lang ang babaeng napakaganda at ang babaeng mamahalin niya. Saksi doon ang pulang lasong nasa leeg ni Bettina. Pumayag si Bettina at labis itong ikinatuwa ni Alfredo. Nagkaroon ng malaking salo-salo at doon nila ipinahayag ang plano nilang pag-iisang dibdib.

Lumipas ang ilang buwan ng preperasyon at heto na. Parehas silang nasa harapan ng altrar, sa harapap ng poong maykapal at nangakong magsasama ng habangbuhay sa hirap at ginhawa. Still, suot parin ni Bettina ang kanyang pulang laso.

--

Pagkatapos ng limang taong ay nabiyayaan sila ng anak na pinangalan nilang Alerianna.

Nasa tapat ng simbahan si Alfredo upang hintayin si Bettina ng makarinig siya ng bulongbulongan.

"Alam niyo ba? Napansin ko na hindi hinuhubad ni Bettina ang kanyang pulang laso?" Sabi ng isang ale.

Tama, kahit kailan ay hindi pa niya nakikita ang leeg ni Bettina ng walang pulang laso.

"Baka may peklat siya sa leeg at nahihiya siyang ipakita ito, kaya lagi siyang may pulang laso sa leeg." Sabi ng isa pang ale.

'Peklat? Dahil sa peklat kung ba bakit ayaw tanggaling ng aking asawa ang pulang lasong nasa kanyang leeg?' Tanong sa isip ni Alfredo.

"Andito na ako." Nagulat siya ng nasa harapan niya na pala si Bettina. Tumingin siya sa pulang laso nito at ibinaling ang tingin.

"Tara na mahal." Sabi ni Alfredo at ipinatakbo ang kotse.

---

Hating-gabi na ng maalimpungatan si Alfredo. Pagkatingin niya sa kanyang tabi ay nadoon ang asawa niyang mahimbing na natutulog. Bumaba ang tingin ni Alfredo sa leeg ni Bettina hanggang sa pulang laso nito.

Naalala nanaman niya ang bulong-bulongan kanina.

Tumayo siya at nagisip-isip.

'Kung peklat lang naman ang nasa leeg ng asawa ko kung kaya't may pulang laso siya sa leeg ay hindi naman iyon problema sa akin. Dahil handa ko siyang tanggapin kahit puno pa siya ng peklat.' Sabi ni Alfredo sa kanyang sarili.

Lumapit siya kay Bettina at handang tanggalin ang pulang laso sa leeg nito. Nag aalinlangan pa siya kung tatanggalin niya ba talaga 'to o hindi. Hanggang sa nanaig sa isip niya na tanggalin ito.

Hinila niya ang pulang laso. At laking gulat niya ng humiwalay ang ulo ni Bettina sa leeg nito. At gumulong ang ulo ni Bettina sa ilalim ng kama. Hindi makapaniwala si Alfredo sa kanyang nakita. Ulo ni Bettina..

Biglang nagsalita ang ulo ni Bettina.

"B-Bakit mo tinggal ang pulang lasong nasa leeg k-ko?" Naghihingalong tanong ng ulo ni Bettina.

Dahil hindi na alam ni Alfredo ang gagawin ay kinuha niya ang ulo ni Bettina at ikinonekta sa leeg nito. At itinali dito ang pulang laso. Ngunit huli na ang lahat. Wala na si Bettina.

End.

--
Paalala: Huwag tumingin sa ibaba ng kama, kung ayaw niyong makita ang pugot na ulo ni Bettina.

WAAAAAAAAAAAAAA!

Ang Pulang LasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon