READ AT YOUR OWN RISK!
This story is a work of fiction. Any resemblance to actual events, real persons, living or not, are purely coincidental
ALL RIGHTS RESERVE
No part of this story may reproduced, distributed or transmitted by any means without the permission of the author.
PLAGIARISM IS A CRIME
--------------------------------------
Every human being has his and her own talent. They do singing, dancing, painting and such.
While mine is writing.
Iba't-iba ang rason ng mga tao kung bakit iyon ang kanilang talento o passion. Sa akin? Well, I can say that, I write to escape the reality...
Ako si Peniariah Agustin. I started to write when I was 17.
Sa totoo lang, wala naman talagang nakakainterest sa akin. My life is like a blank paper. Empty at boring tingnan. I was inspired to write my own stories because I want to inspire others, especially those underrated writers like me..
"Pen! Ikaw na bata ka! Kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka sumasagot ha?!" Napagitla ako sa lakas ng boses ni Tiya Eya saka dali-daling niligpit ang mga ginamit kong panulat sa paggawa ng aking storya.
Napatayo ako ng bumukas ang pinto ng aking munting silid.
"Tiya.. ."
"Ano?!Nagsusulat ka na naman?! Sulat ka ng sulat, eh wala ka namang mahihita riyaan! Buti sana kung mabibigyan tayo ng pera niyang pagsusulat mo! Magluto ka na nga roon at ng magkasilbi ka naman dito." Napayuko ako sa tinuran nito.Noon pa lamang ay mainit na ang dugo ni Tiya Eya sa akin at hindi ko alam kung ano ang rason. Ayaw na ayaw niya na nagsusulat ako dahil mas gusto niyang nasa labas ako—naghahanap ng pera na tiyak kong isusugal lang rin niya.
Problema sa bahay, problema sa eskwela.
Wala akong kaibigan kahit isa. I am not a friendly type of a person. Hindi sa ayaw ko pero takot lang ako—takot na maiwan ulit sa ere.
"Alam mo ba na nanay niya ay isang pokpok?"
"Oo bes, nakakadiri nga, as in!"
"Naku, sinabi mo pa!"Pilit akong nagbibingi-bingihan sa mga bulungan na naririnig ko habang ako ay naglalakad papasok sa aming silid-aralan.
Kilala ako sa paaralan namin hindi dahil isa akong manunulat kun'di dahil 'yong nanay ko ay isa rawng pokpok na hindi ko alam kung totoo ba o hindi.
"Oh, Pen! Nandito ka na pala. Tapos ka na sa assignment mo? Pakopya naman." Tiningnan ko si Aly, kaklase ko na number one bully pagdating sa akin.
"Pasensya na, pero hindi pwede."
"Aba! Ang arte ah? Pasalamat ka talaga at may utak ka, Pen...kun'di wala ka rito sa section A." Tumawa ito pati na rin ang mga kaibigan niya.
"Kaya nga nagtataka ako kung bakit nandito ka, eh." Oo, loner ako at silent type of person pero palaban ako at hindi nagpapaapi. I always stand and fight for my right lalo na kapag ako ang nasa tama.Natigilan si Aly saka nilingon ang mga kaklase namin na natahimik matapos marinig ang sinabi ko.
"A-at anong gusto mong sabihin, ha?! Na matalino ka at ako, hindi?!"
"Wala akong sinabi. Kasi, kung para sayo matalino ka, bakit kailangan mo pang mangopya sa 'kin ng homeworks?" Tiningnan ko siya ng seryoso."Kung talagang matalino ka, bakit nambubully ka? Bakit pinanlalandakan mo ang katalinuhan mo? Aly, kung matalino ka, edi matalino ka. Hindi mo na kailangang ipanglandakan 'yun sa lahat dahil sa ginagawa mo, nakakababa ka ng confidence at kung talagang taglay mo ang katalinuhan, dapat alam mo kung ano ang tama sa mali."
![](https://img.wattpad.com/cover/232781639-288-k670028.jpg)
BINABASA MO ANG
She Writes
Short Story"You don't write to be a star. You write to inspire" -Peniariah Agustin