CHAPTER 02

10 1 0
                                    

Chapter 02: Partner for Project 1.

Tapos na ang morning classes na'min kaya pwede na kaming mag-lunch except sa mga may iba pang adjenda like yung iba punta sa ibang class nila.

Magkasama kami ni Naomi ngayon papunta sa cafeteria, s'yempre mag-l'lunch na kami, kanina pa ako nagugutom eh kulang kinain ko ng breakfast kasi naman si panget pinagmamadali pa ako. grr. Imagine mo naman kasi nakain pa ako, tapos siya natakbo na papuntang kotse? 'pag ako talaga pinayagan na nila mama tsaka papa mag drive ng sarili kong sasakyan tignan niya lang.

Habang naglalakad kami ni Naomi papuntang canteen ang dami niyang dada, ang daming tanong eh ako pa naman 'yung taong ayaw na ayaw maraming tanong, masyado akong iritadong tao kaya ayaw ko ng ginugulo maraming tanong gano'n. Pero dahil bestfriend ko si Naomi sanay na siya, tinignan ko lang siya ng naiinis na ako look ayun tumigil na siya sa pagtatanong. Sasagutin ko naman iyon mamayang settled na kami, nakaupo na sa mesa at lumalamon na.

Pero bago kami makahanap ng pwesto andaming nagkukumpulan sa may harap ng cafeteria. I have no idea what's going on, Naomi either. 

"Ano 'yun?" Naomi asked.

"I don't know, kakarating lang na'tin dito tapos sa'kin mo itatanong." I rolled my eyes on her. 

"Oo nga no?" tumawa lang siya ng parang ewan, eto talagang si Naomi parang ewan minsan, lutang amp. Napatingin ako sa istudyanteng sumigaw dahil sobrang lakas.

"Ako na aawat sa aawat." natatawa niyang sabi.

"Ang ingay dito, Kailani jusko, nagugutom na ako." Pagrereklamo ni Naomi. Oo nga pala kanina pa kami nakatayo dito na parang mga timang, nakatingin d'on sa nagaaway. Wala naman akong pake d'on, gusto ko sana sumali eh kaso sabi ni mama h'wag daw ako makikisali sa away ng iba 'pag away ko na daw mismo, d'on ko kalbuhin. joke. hehe.

"Tara na nga d'on, nagugutom na 'rin ako, kanina pa kumakalam ang sikmura ko." Pag-aya ko sakanya. Nilagpasan namin 'yung nag-aaway, saka kami nag-hanap ng table at sakto naman nasa harap kami ng isang table, tapos na daw silang kumain kaya pwede na kaming mag-table d'on tutal aalis na'rin naman sila.

Umupo na kami ni Naomi d'on at sinabi ko na ako na ang mag order, gusto niya siya na ang mag-order pero tumanggi ako dahil lagi nalang siya nakakahiya. 

Naka-bili na ako ng lunch namin at ayun habang kumakain kami.

Expect ko na na marami talaga siyang tanong na kanina pa bumabagabag sakanya, kilala ko 'yan hangga't hindi nasasaagot tanong niya, hindi ako titigilang kulitin niyan. 

"Kai, bakit ka nga late kanina? at bakit mo kilala si Killian? Crush mo ba siya? yieeeeeee, kakarating lang niya crush mo na? ikaw ah, sumbong kita kay tita. 'di naman 'yun pogi ba't mo nagustuhan? Tinitigan ko siya kanina, andami niyang pimples mga 5 hehe, tapos ang gulo pa ng buhok niya tapos hindi pa siya gano'n ka puti." Naomi said. Ang judger talaga ne'tong babaeng 'to, kung ano-ano nalang napapansin ang galing ng mata niya'diba? Ang dami pang sinasabi napaka daldal.

"Naomi, unang-una, late ako kasi na-bangga ko si Killian tapos nalimutan ko pa yung ID ko sa kotse na kuya---" Hindi ko natapos sasabihin ko ng nag-tanong nanaman siya.

"Oh ba't mo naman nakilala si Killian? pa'no?" 'pagtatanong niya ulet. jusko ba't kaya hindi niya ako patapusin 'diba?

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now