ii

0 0 0
                                    

Chapter 2.

Zee.

Dali dali akong pumunta sa ospital kung saan in-admit si Mommy.

" Kazandra Garcia" tanong ko sa Information desk.

"Kailan po inadmit sir?" Tanong nito habang nakatingin sa computer.

"Uhmm. Maybe around 3 p.m. today?"

"I.C.U section , sir. Room 25"

Lakad takbo akong tumitingin sa bawat pintong madadaanan ko.

"18." Dumiretso pa ako hanggang sa mabasa ko ang pangalan ng Mommy ko'ng nakadikit sa pinto.

Tinignan ko ang pinto at don na nanghina ang tuhod ko. Parang ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Ilang  malalalim na hininga pa ang pinakawalan ko bago hinawakan ang door knob at dahan dahang binuksan ang pintuan.

"I'm here, tito. Don't worry too much po. " Rinig ko'ng boses ng isang babae kaya sumilip ako. Nakita ko si Daddy katabi ang isang babaeng hindi ko kilala. Lumipat ang tingin ko kay mommy na naka oxygen.

"Anong nangyari Dad?" Tanong ko na sya namang ikinalingon nilang dalawa.

Tumayo si Daddy at lumapit sakin. "Where the hell have you been?!"

" What happened, dad? I'm asking." He smirked.

" What happened? Really? You're asking me that? Na stroke lang naman ang Mommy mo dahil sa init sa ilalim ng araw habang hinahabol ang mga investors ng kompanya natin na ikaw dapat ang gumagawa! Pero nasan ka? Ha?!" Nararamdaman ko ang sarkasmo at galit sa boses nya. "Nandon ka sa kung saan kasama ang kalaguyo mo! "  Napayuko ako at hindi nalang sumagot kasi may kasalanan rin naman talaga ako.

"Tito, relax." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita.

" Who are you? Ikaw ba yong babaeng sinasabi nilang pakakasalan ko?" I directly said. Wala naman sigurong ibang rason to kung bakit sya nandito.

Nakita ko'ng nanlaki ng konti ang mga mata nya. "Uhmm-"

"Who she is?" Sabat ni Daddy. " Sya yung tumulong sakin kanina dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko mababaliw na'ko. Kinontak kita pero pinatayan mo ko! At inoff mo pa ha! Anong klase ka'ng anak?! "

" Akala ko po kasi tungkol yon sa dinner kaya ka napatawag. Sorry po. Sorry po talaga." napahilamos sya sa mukha at nararamdaman ko'ng parang pinipigilan nya ang emosyon nyang magiging dahilan para saktan ako.

Malalalim na hininga ang pinakawalan nya at  masamang tumingin sakin.

Bago pa sya makapagsalita ulit. Pumasok na ang siguro'y  doktor ni Mommy.

"Guardians?"

"Husband." Sagot ni Daddy.

"Uhmm, well Mr. Garcia. Ang misis nyo po ay nakaranas ng  heat stroke dahil po sa init na sinabayan pa ng matinding stress. Maaari ring nalipasan sya ng gutom kaya bumigay ng tuluyan ang katawan nya."bumunton hininga ang doktor. "And also, there's a big possibility na macoma, si Mrs. Garcia. May maliit na posibilidad rin po na, maparalisa ang misis nyo." Nakatingin lang ako kay Mommy habang sinasabi yun ng doktor.

Is it really my fault? I think it is. Sorry Mom. Sorry.

"For now, imomonitor muna po namin sya kaya wag po kayong mag alala. "

" Thank you, Doc" ngumiti ang doktor at umalis na kasama ang nurse.

Pabagsak na naupo si Daddy at itinukod ang siko sa tuhod. "Wala na akong pera. Baon na ako sa utang."

Honestly hindi ko alam ang estado ng kompanya namin ngayon. Pero ganon na ba talaga ka lala?

"Tito. Sabi ko naman po wag na kayong mag alala financially. Ako na po'ng bahala." Tinitigan ko ang babaeng alo ng alo kay Daddy.  Kasal nalang ba talaga ang solusyon? Inilipat ko ang tingin kay Mommy at don na tumulo ang luha ko.

Ilang sandali pa kaming tahimik hanggang bumukas ulit ang pinto.

Si kuya.

"Dad. Is she okay?" Hinawakan ni kuya ang kamay ni Mommy.

"I don't know, Zai. Di pa pumapasok sa isip ko lahat ng sinabi ng doktor kanina" sabi ni Daddy habang nakayuko parin.

"Uhmm tito. Aalis po muna ako saglit. Bibilhan ko kayo ng pagkain." Tumayo ito at tumingin samin isa sa. " Excuse me" tumabi ako dahil hanggang ngayon nakatayo parin ako malapit sa pintuan.

"Kahit kailan ba humingi kami ng Mommy nyo ng sobra sobrang pabor?" Isinatinig ni Daddy kaya napalingon kami ni Kuya sa kanya. "Binigay namin lahat diba? Lahat ng luho nyo." Sinandal nya ang ulo nya sa semento at tumingala. "Hindi ba kami pwedeng humiling? Oo, lugi na ang kompanya natin. Lahat ng ariarian natin ubos na. Nakasangla na ang bahay natin " Tumingin sya sakin "Hindi namin agad sinabi sa'yo, sainyo, dahil ayaw naming pati kayo mamroblema dahil mahal na mahal namin kayo ng Mommy nyo. Akala namin masosolusyunan namin agad to pero hindi namin inaasahang lumala ito. Ng mabalitaan ng mga investors natin yon, halos sabay sabay na silang umaalis at hindi na namin alam ang gagawin ng Mommy nyo. Kaya Zee. Sabihin mo sakin. Pano na? Pipiliin mo parin ba ang girlfriend mo? Hindi kami against sa inyo, Zee. " Naiyak si Daddy pati narin ako. "Hindi kami ganon kababaw para ibenta ang anak namin. Hindi madali ang naging desisyon namin pero kailangan naming maging matatag para sa pamilya natin. Ayaw namin ng Mommy nyo na humantong kayo sa ganito pero hindi namin kinaya. Dahil maging ako ay hindi inaasahang aabot tayo sa ganito. Kaya sana maintindihan nyo. Sana maintidihan mo, Zee. Hindi ka namin pipilitin para lang sa wala. Pinipilit ka namin kasi kailangan Zee. Buhay nyo, buhay natin, ang nakasalalay dito. "

Nakayuko lang ako habang tumutulo ang luha. Bakit kailangang maipit kami sa ganito?

"Dad. Pwede namang ako nalang ang magpakasal kay Mille." Untag ni Kuya kaya medyo nabuhayan ang loob ko.

"Si Zee ang gusto ni Mille, Zai. Bride ang pumili at may karapatan syang pumili dahil tayo ang may kailangan sakanila."

" Pwede naman siguro tayong humanap ng iba, dad? Yung si kuya Zai ang pipiliin?" Sagot ko.

" Sige." Napaangat ang tingin ko sakanya. " Maghanap ka. Isabay mo na rin ang paghahanap ng pera pambayad sa kanila para sa gagastusin nila sa hospital habang naghahanap ka. "Napatigil ako. " Walang wala na ako ngayon, Zee. Pagod na'ko." Halata ang pagod sa pananalita nya.

Galit ako pero mas nangingibabaw ang lungkot at awa ko kay Daddy. Tinignan ko ulit si Mommy. "Wala na talagang ibang paraan dad?" Wala sa sariling tanong ko

"Sinabi ko na sayo. Kung meron lang ,hindi mo na mararanasan ang ganito."

"Sige." Untag ko dahilan para mapatingin sila ni Kuya sakin.

"Pumapayag na'ko."

-🥀

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DESPERATION SERIES 1: Forced MarriageWhere stories live. Discover now