Escaped (2.3)

10 0 0
                                    


Habang sila ay nag-iisip sa kung ano ang sagot sa tanong ay may narinig silang tunog. Ito ay papalakas nang papalakas kasabay ang tunog ng yapak ng isang tao.

Kinutuban sila na si Jameera iyon kaya nagmamadali silang magtago sa mga gamit na nakita nila sa kwartong pinuntahan nila.

Si Reysha ay nagtago sa isa sa mga sirang washing machine sa kwarto, nakakapagtaka kung bakit mayroong ganito sa kwartong iyon. Si Ej naman ay nagtago sa malaking vase, dahil sa liit niya ay kaya niyang magkasiya sa maliliit na bagay. At si Jerrell naman ay pumwesto sa taas ng malaking aparador.

Ilang minuto ang lumipas ay narinig muli nila ang tugtog na hindi nila alam kung saan nagmumula, pero ngayon ay para na itong may sira.

Tenenenene—krrr—nenene—krrrrttt...

Nagulat na lang sila nang bumukas ang pinto ng kwarto kung saan sila nagtatago. Tumambad ang mukha ni Jameera na may hawag na music box. Ito ang kanina pa nilang naririnig na tumutugtog.

Mas natakot sila nang may marinig pang ilang yapak mula sa labas.

Nakita nila ang tatay ni Jameera at nagulat sila nang hila-hila nito ang buhok ng kanyang kapatid na lalaki. Nagpupumiglas ito at nagmamakaawa na bitawan ang kanyang buhok dahil ilan sa mga ito ay nagtanggalan dahil sa higpit ng hawak ng ama. Mayroon din itong sugat sa kanyang noo.

"Maawa ka please, dad anak mo ako. Please! 'Wag mo nang sundin ang sinasabi niya!" Pagmamakaawa ng kapatid ni Jameera. Punong-puno na ito ng luha dahil sa sugat na natamo at pati na rin sa sakit na nagmumula sa kanyang puso.

"Daddy.... kill him," walang emosyon na sambit ni Jameera at malayelong tinignan ang sarili nitong kapatid.

Walang-awang pinagtatadyakan siya ng tatay sa mukha. Malakas. Paulit-ulit. Hanggang sa nawalan na ito ng buhay.

Napatakip ng bibig si Reysha sa nasaksihan. Napagtanto niya na walang puso ang ang dalawa na pati ang sarili nilang kadugo ay nakayanan nilang patayin.

"Thanks, Dad... Now, find those three brats and kill them." Utos ulit nito sa tatay niya.

Umalis na ang kanyang tatay para hanapin kung saan nagtatago ang tatlo.

Bigla namang tumawa si Jameera dahil alam niyang mayroong nagtatago dito sa kwartong kinatatayuan niya.

"Come out you little brats!" Malademonyo itong tumawa at binuksan bigla ang aparador.

"Oooh, no one's here, or maybe here!" Binuksan uli nito ang isa sa mga aparador.

"Oh, my bad. I thought someone is here," ngumisi ito at umalis na sa kwarto.

Nang makaalis na nang tuluyan si Jameera. Lumabas si Ej sa vase para tignan kung naroroon pa si Jameera sa labas. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang wala na ito.

____________________________________________________________

"Find those annoying brats and kill them!"

Even though I know where they are, I don't care. Kahit naman na magtago sila ay mamatay rin lang naman silang lahat.

Salamat sa binili kong gamot para ma-control ko ang isip nung mag-amang iyon and now, I have a human killing machine. All I have to do is sit and watch how they would be killed, tortured, and to get my revenge!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Your Early DemiseWhere stories live. Discover now