Elementary pa lang
Napapansin na nila
Mga gawi kong parang
Hindi pambabae, eh kasi
Imbes na Chinese garter
Laruan ko ay teks at jolens
Tapos ka-jamming ko lagi noon
Mga sigang lalaki sa aminNung ako'y mag high-school ay
Napabarkada sa mga bi
Curious na babae na
Ang hanap din ay babae
Sa halip na make-up kit
Bitbit ko ay gitara
Tapos pormahan ko lagi ay
Long sleeves na t-shirt
At faded na lontaPero noong nakilala kita
Nagbagong bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond
At mag-ahit ng kilay at least once a monthHindi ko alam kung anong meron ka na
Sa akin ay nagpalambot nang bigla
Sinong mag-aakalang lalake pala
Ang bibihag sa tulad kong tigreng gala?Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang
At ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak
Na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig
At katamtamang sikat
Ng araw-araw mong pag-ibig
Sa 'king buhay nagpapasarapNung tayo'y nag-college ay
Saka ko lamang binigay
Ang matamis na oong
Sampung buwan mong trinabaho
Sa halip na tsokolate
At tipikal na mga diskarte
Nabihag mo 'ko sa mga tula
At sa mga kanta mong pabebeKaya nga noong makilala kita
Alam mo na agad na mayro'ng himala
Natuto akong magtakong
At napadalas ang pagsuot ng bestidang pula
Pero 'di mo naman inasam na ako
Ay magbagong tuluyan para patunayang
Walang matigas na tinapay sa mainit na kape
Ng iyong pagmamahalKahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang
At ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak
Na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig
At katamtamang sikat
Ng araw-araw mong pag-ibig
Sa 'king buhay nagpapasarap
![](https://img.wattpad.com/cover/232514306-288-k227093.jpg)